128 Space

716 49 18
                                    


BATCHI

Pangalawang pagkakataon na namin ni Mike na maencounter na ayaw na ng kapatid namin na tawagin siyang Glaiza. Wala naman na din kaming magagawa dahil maski si Rhian ay hindi na niya pinapakinggan. Althea, nagbabalik na naman ang Althea na puro kadiliman ang hatid sa buong pagkatao ni Glaiza. Dalawang pangalan pero magkaibang katauhan. Unang beses kong naencounter ang Althea na kapatid ko ng mamatay ang Mama namin. Simula noong hindi pa niya tanggap ang pagkawala ni Mama ay nabalot na din ng kadiliman ang kalahati ng pagkatao ni Glaiza. Isang taong Althea lang ang gusto niyang itawag namin sakanya pero sa isang taon na yun ay puro kapahamakan ang pinapasukan niya na muntik ng ikawala ng kanyang buhay. Sa pagkakataon ngayun nagpapasalamat ako at nandiyan ang mga anak nila para maawat kahit papaano ang unti unting dilim na bumabalot kay Glaiza.

Nagulat pa ako ng lumapit siya sakin at hinawakan ako ng madiin sa balikat.

" Yung susi sa base"-ikli niyang salita.

Saglit akong napatunganga sa kilabot na nararamdaman ko. Hindi siya nakatingin sakin pero ang pagdantay ng kamay niya sa balat ko ang nagbigay sakin ng kakaibang takot. Takot sa maaaring gawin ni Althea na nasa harap ko.

Diniin niya ang mga kamay niya sa balikat ko at mabilis na inabot ko sakanya ang susi ng condo na tinatawag naming "base o basement".

" Ikaw na ang bahala sa mga anak ko. Ipasok mo sila sa room ko ayokong makita o mapakinggan nila ang gagawin at sasabihin ko"-yun lang ang huling sabi niya at linagpasan ako.

Lumapit siya kay Mike at dinig ko pa ang sinasabi niya bago ko inakay ang kambal sakanyang private room. Nadaanan ko si Rhian na panay ang iyak.

" Kids dun muna tayo sa room bilin ni Dada Cha"-aya ko sa kambal at nakinig naman sila. Tinapunan nila ng tingin si Glaiza na nakatalikod sa amin at yuko ulong naglakad.

" Pull out that bitch in their team at sa lahat ng contracts na nandun siya or else alam mo na ang gagawin ko!"-himig banta niya kay Mike.

Nagkatinginan kami ni Mike at tinanguan ko siya na umayun na lang dahil baka sumabog na ng tuluyan si Althea.

Mabilis kong pinasok ang mga bata sa kwarto at agad din akong lumabas binilinan ko na lang sila to wait for me to come back.

Napasinghap ako ng lumapit siya kay Mich na wala pa ding malay, kapag nakita niyang tutulungan namin ito para madala sa ospital ay pati kami malilintikan. I just hope she's still alive bago umalis ang kapatid ko.

Sinabunutan niya ito at inangat ang mukha.

" Batchi pigilan mo siya please"-pakiusap ni Rhian.

Umiling ako.

" Kapag ginawa namin yun lahat ng tao dito madadamay. Pati ikaw"-seryoso kong sagot.

" What does she mean when she said to call her Althea instead of Glaiza"-garalgal niyang tanong.

" That's the second version of the beast in her. Kapag Althea ang sinabi niyang itawag sakanya just do it."-Iksi kong sagot.

" I'm sorry Batchi dahil sakin kaya nagkakaganyan ang kapatid mo. I planned to surprise her cause we're having another baby. Pero wala na hindi ko na nasabi dahil sa nangyareng si Mich ang may kagagawan"-

" Ingatan mo yang singsing na binalik niya sa'yo. Give her time. Congrats sa panibagong baby ninyo pero sa sitwasyun ngayun ng kapatid ko wala na siyang ibang pakikinggan kundi ang sarili niya. Magiging okay din kayo."-I said and tap her shoulder.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now