134 Together Again

1.1K 48 23
                                    


GLAIZA

Kailangan ko na namang iwan si Rhian.Nung hinalikan niya ako kanina ay grabe ang pagtitimping ginawa ko to hold myself from ravishing her right there and then. I'm starting to hate myself now dahil araw araw na lang umiiyak ang asawa ko mula nung bumalik ako sa bahay.

Dumiretso na ako sa yate and prepare everything that we needed. One week kong masosolo si Rhian. How I miss her so bad.Kinapa ko sa bulsa ko ang singsing ko, ang wedding ring na sinoli ko kay Rhian.

Buti na lang at maliksing kumilos ang mga anak ko at nahanap nila agad kung saan tinatago ni Rhian ang singsing.

I hope my wife don't stress herself too much. Nalalasahan ko pa ang mga luha niya habang hinalikan niya ako kanina. I bet she's grumpy right now.

I opened a can of beer, nagiging habit ko na ang uminom ng 2-3 beers every night mula noong nagkaroon kami ng gusot ni Rhian but now is different I'm drinking para makatulog ako agad para paggising ko ay bukas na at makakasama ko na ang asawa ko. I need to control my sexual desire for my wife we still need to talk about us para magkaayus na kami ng tuluyan, tama na ang pagpipigil at pagtitimpi.

I'm excited of what will happen tomorrow, sa araw mismo ng birthday niya at sa darating pang mga araw na kaming dalawa lang ang magkasama. Pasusunurin na lang namin ang kambal after a week. Sosolohin ko na muna si Rhian ng bonggang bongga.

Finally after the third bottle ay nakaramdam na ako ng antok. Sa couch na ako dito sa yate matutulog. Gusto kong kami mismo ng asawa ko ang bibinyag sa bagong kama.
-----

RHIAN

A day before my birthday ay walang Glaizang umuwe, I waited for her hoping that she'll come back pero wala. I feel so empty as the days goes by. I stared at my twins na mahimbing pa ding natutulog, sila nalang ang nagbibigay lakas sakin at sa batang dinadala ko.

Mahihinang katok ang nagpagising sa diwa ko. Alas nwebe na ng umaga it's a good thing it's weekends walang pasok ang mga bata. Sila na lang siguro ang makakasama kong magcelebrate ng birthday ko bukas. Ayokong maghanda dahil hindi ko din naman maeenjoy ang kaarawan ko dahil hindi kami kumpleto at wala yung taong gusto kong makasamang magcelebrate bukod sa mga anak ko.

Magsisimba na lang kami bukas and that's it. Hindi na din ako umaasang babatiin pa ako ni Glaiza.

Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si Nay Caring na may dalang pagkain.

" Nak kumain na kayo ng almusal bawal sa'yo ang nagpapalipas ng gutom. Kabilin bilinan ng asawa mo na pakainin ka sa tamang oras."-Alangang ngiti niya sakin.

" Thank you po Nay. Wala po bang sinabi si Glaiza kung kelan po siya uuwe?"-garalgal kong tanong.

" Wala eh. Magiging maayus din ang lahat. Magbibirthday ka pa naman dapat eh hindi ganyan ang aura mo."-Alo niya sakin.

" Nakalimutan po niya na birthday ko bukas Nay. Hindi na ako importante sakanya"-hikbi ko na.

" Wag mong sabihin yan Rhian baka nag-iipon lang yun ng lakas ng loob para makipagbati sa'yo alam mo naman yun masyadong pinapairal ang pride"-yakap niya sakin.

-----

GLAIZA

Napabalikwas ako ng bangon, it's 2pm already nalipasan na ako ng breakfast and lunch. Nagluto na lang ako ng light meal at pinagmasdan ang kabuuan ng yate. Kakabili ko lang nito a week ago at ito ang pinagkakaabalahan ko mula nung bumalik ako sa bahay namin. May mga pictures din kaming mag-anak sa bawat parte ng yate at siyempre our wedding portrait in our own sanctuary ni Rhian.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now