16 The Confession

1.2K 39 10
                                    

RHIAN

Inaalalayan ko si Glaiza paakyat ng hagdan, dun muna siya sa kwarto ko magpapalipas ng gabi dahil balak ko siyang komprontahin at kausapin. Hindi ko maiwasang hindi manibugho kay Sanya at Solenn. The way how Glaiza treat them na para bang mga asawa niya, kaya naman ilang araw ko ding tinikis si Glaiza na hindi kausapin at pansinin. Pero heto na nga at gumawa na naman sila ni Batchi ng kalokohan na muntik na nilang ikapahamak.

" Dun na lang ako sa room ni Solenn mag-stay."-biglang sabi ni Glaiza at marahang inalis ang kamay kong nakahawak sakanya.

Tila may bumikig sa lalamunan ko ng marinig ko ang sinabi niya at hindi ako nakahuma.

" Ayaw mo ba sa room ko?."-kagat labi kong tanong para pigilan ang luha ko.

" I need to talk to Solenn for some matters. I need her."-sagot niya sabay talikod sa akin at dahan dahang naglakad patungo sa kwarto ni Solenn.

Parang sinaksak ng punyal ang dibdib ko sakanyang huling sinabi.

' I need her'

' I need her'

'I need her'

Paulit-ulit na naglaro sa utak ko ang mga salitang yun. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, hinatid ko na lang siya ng tingin hanggang makarating siya kay Solenn. Dumiretso ako sa mini-bar at nagbukas ng bote ng tequila at tuloy-tuloy ko itong nilagok. Umiikot na ang paningin ko pero tuloy pa din ako sa paglaklak.

-----------------------

" Oh Rhian Jade bakit ka nandito hindi ba dapat kasama mo si Glaiza ngayun? And why are you drinking ?"-sunod-sunod na tanong ni Sheena.

" Walangyang pandang yun hik, ako na ang nasha hharapan niya hik ibang babae pa ang hinahanap niya hik."- sagot nito habang nakasubsub sa lamesa. Pinaikutan na siya ni Sheena kasama ang mga buddies nina Glaiza.

" Sino bang tinutukoy mo?."- Kath

" Yung babaerang panda diyan hik! Sshabi niya ako lang love niya sshinungaling siya hik." -sagot ni Rhian na hindi na alam ang nangyayare,sabay hampas sa mesa.

" Ang tanong mahal mo ba?"-Angge.

" Shira ulo ka bah hik? magsheshelos ba ako kay Shanya at Sholenn at sha mga babaeng haliparot hik diyan na dumidikit sshakanya kung hindi ko shiya mahal! "-lutang na sagot nito.

" Bakit di mo sabihin sakanya?."-tanong ni Sanya na natatawa.

" Ayaw ko! I'm scared hik. Baka iwan niya hik ulit ako eh."- sabay tulo na ng luha niya.

" Paano mo malalaman kundi mo susubukan?."-Abby.

" Nung iwan niya ako hik 15 years ago walang araw hik na hindi ko hinintay na bumalik ang walangyang yan. Pero hindi niya ako binalikan hik. Ayoko ng hik magtiwala. Masshakit dito."-sabay hampas sa dibdib niya.

" Why don't you give each other a chance?."- Solenn.

" Hindi ko alam hik kaya noon sinubukan ko magboyfriend baka shakaling maibaling ko sha iba yung nararamdaman ko pero hik lesheng pandang yan sha pa rin eh."-tuluyan na itong nakatulog habang nakalugmok sa mesa.

"Alam niyo kasi guys indenial yan sa feelings niya kay G ngayun lang yan umamin  dahil na rin siguro sa lasing siya pag tinanung mo yan bukas deny to death na naman yan. Di ko rin siya masisi kung bakit siya nagkaganyan masyado kasi siyang naatach kay Glaiza noong mga bata kami tapos nung biglang nawala sina G binaon niya sa limot yung feelings niya kaya nagkaroon na din siya ng mga boyfriends niya pero isa lang yung matagal na naging jowa niya nagtagal sila ng 3 years pero naghiwalay din alam ko minahal niya din yung guy kasi yun na yung last bf niya."-paliwanag ni Sheena sa mga buddies.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now