49 Hot and Cold G

996 31 5
                                    

GLAIZA

Sinuntok ako ni Rhian ang masama kung saan pa nandun ang sugat ko kaya naman dumugo uli ito. 

" Shiiit"-napamura ako sa sakit.

Nagulat din siya na yung sugat ko ang nasuntok niya pero huli na.

"Love I'm sorry"-nahihintakutang sabi niya. Pero hindi ko siya pinansin.

Gusto kong magalit pero di ko magawa. Kasalanan ko din kasi masama pa pakiramdam nito eh inasar ko pa. Hindi na lang ako umimik at tinalikuran ko na lang siya.
May nareceive akong message mula sa co-agent ko na nagmamanman sa mga kilos ni David.

From:  Alpha

may gagawing deal ngayun malapit sa location niyo mamayang 9pm. Sa abandonadong ospital and I think main laboratory nila. Underground basement laboratory kaya mahirap mapasok. Hindi ko lang alam kung nandun si Limjoco.

Tiningnan ko ang oras 7:30 pm. I need to tell Batchi and Mike para kami ang makatiklo sa mga sindikato.

Hindi ko muna papansinin si Rhian parusa niya yan sa pagsuntok niya sa sugat ko.😠

Pinakiramdaman ko siya pero nakatalikod din siya sakin.

Paghawak ko sa balikat ko ay umaagos na pala ang dugo dahil bumuka uli ang sugat ko.
Tinawagan ko si Solenn para magamot niya ako.

" Hon can you please bring your med kit. Pakigamot sugat ko it's bleeding again"-sabi ko sadya kong linakasan ang boses ko para marinig ni Rhian.

Napabalikwas siya ng marinig ang sinabi ko.

" Love ako na gagamot. I'm so sorry"-naiiyak niyang sabi.

" Wag na baka lalong hindi gumaling 'tong sugat ko"-bara ko sakanya. Leshe bakit siya lang may karapatang magtampo! aba! ako din noh!😠.

Napatungo ako dahil ayokong makita siyang umiyak. Pasimple niyang pinapahid ang luha niya.

Kelangan ko siyang tiisin para makaalis ako at makapunta sa operasyon. Hindi kasi ako papayagan nitong batang 'to.

" You eat with the buddies. May pupuntahan ako"-nakatalikod kong sabi.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil baka magbago pa ang isip ko.

" Sasama ako"-sabi niya.

" Rhian please wag ka ng makipagtalo sakin pwede? I'm going out and stay here! wag mo na akong antayin dahil hindi ko alam kung anong oras ako makakauwe!"-matigas kong sabi.

" Love you're still bleeding gamutin ko muna sugat mo"-naluluhang sambit niya.

" Tinawagan ko na si Solenn. Siya na bahala diyan. Wag mong pairalin katigasan ng ulo mo sakin Rhian!"-madiin kong salita sakanya pero hindi ko pa rin siya linilingon.

Kahinaan ko talaga 'tong batang 'to. Yumakap siya sa likod ko at sinandal ang mukha sa batok ko.

"Shit!"-I curse silently. Nag-iinit ang pakiramdam ko sa pagdampi ng balat niya sakin.

" Babalikan mo ako di ba?"-she sob.

" Just do as I say Rhian! Don't make me mad!"- tinanggal ko na ang mga kamay niyang nakayakap sakin at lumabas na ng kwarto.

Pero bago pa ako makalabas ay narinig ko pa ang mahinang hagulgol niya na nagpasakit sa dibdib ko. Gustong gusto ko siyang balikan pero ayoko namang palagpasin ang pagkakataong ito para tuluyan ng matigil ang illegal na gawain ni David.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now