99 Swimming Pool

836 38 10
                                    

RHIAN

Pagkatapos naming makausap ang mga bata ay tinawagan namin ang principal ng school na kung pwedeng makausap namin ang mga parents ng mga batang nakaaway ng mga anak namin. Pumayag naman ito at agad na tinawagan ang mga magulang ng mga bata at nag-set na ng oras ang principal.

Samantalang ang mga bata ay nakaharap sa wall bilang unang parusa nila.

Dalawang oras ng nakatayo ang mga bata at siguradong masakit na ang mga paa ng mga ito.

" Hubby, Batchi baka naman sapat ng yung 2 hours silang nakatayo diyan."-Samo ko.

" Siya nga naman pagpahingahin niya sila kahit saglit man lang"-segunda ni Bianca.

Hindi man lang natitinag ang mga bata na nakasandal ang mga ulo nila sa pader at hindi kumikilos.

Linapitan na namin sila pero napatawa kami ng makita ang mga itsura nila nakangudngod na ang mga mukha nila sa pader at paantok na. Sinenyasan ko si Glaiza para lumapit. Napahagalpak siya ng tawa ng makita ang mga ito nagulat ang mga bata sa tawa niya at dumiretso ng tayo pero dumausdos na naman ang mukha nila sa wall.

Kinarga na ni Bianca si BJ. Ako si AJ at kay Glaiza si GJ. Naalimpungatan lang saglit ang mga ito at sumandal na sa mga balikat namin at tuluyan ng nakatulog.

Pinahiga na namin sila sa iisang kama.

" I'm really proud of them. I love seeing them protecting each other maski tayo. They are our protector our shield."-nangingiting sabi ng asawa ko.

" Oo pero hindi sa lahat ng pagkakataon eh makikipag-away sila you must restrain them dahil maalam na sila sa self defense mahihirapan silang hindi gamitin yun"-Bianca.

" But on the other hand it's good to see that they are watching each others back. I just hope na hindi na mauulit ito."-Patuloy nito.

" oo naman we won't let them get into trouble again. Nasaktan kasi ang mga bata. Kung tayo lang mapapalampas natin pero as kids kahit pa sabihin nating advance sila hindi maiwasan na mapikon magalit sila lalo na kung ganyan personal ang atake sakanila.Bata eh."-Batchi.

" Nakausap na namin ang principal sa school we'll meet yung parents ng nakaaway ng mga bata to settle things"-sabi ko.

" Oh okay hindi muna kami papasok ni Batchi sa office bukas para naman makausap natin sila at magkaayos."-sagot ni Glaiza.

----

After dinner ay binihisan na namin ang kambal para deretso tulog na sila pagdating ng bahay.
Nagpaalam na kami kina Bianca na uuwe na sa bahay at magkita kita na lang sa school bukas.

" Babies, pupunta kami sa school niyo bukas together with Baba and Mimi para makausap natin yung parents ng mga nakaaway niyo."-Imporma ko.

" Mama do we really need to apologize to them? sila yung nanguna mambully eh"-sagot ni AJ.

" Young man remember what we have told you ha. Hindi pa din tama na nakipag away kayo. Nasaktan tuloy kapatid mo."

" Opo Mama"-sagot nito pero halatang labag sakanyang loob ang pinapagawa namin.

------

" Wifey it's still early. Swimming tayo"-aya ni Glaiza.

Nagboxers na lang siya at sports bra. Kinuhanan na din niya ako ng isusuot ko.

" Hubby malamig na yung tubig sa pool. Gabi na eh." -sabi ko.

" Kung ayaw mo, ako na lang mag-isa. It's been awhile since nakapagswimming ako. I need some swimming exercise. Goodnight"-sabi niya at humalik na sa pisngi ko.

A Rastro StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon