Chapter 2 Convo with a twist!

636 19 3
                                    

Namula na lamang ang mga kamao ni singkit sa kasusuntok sa manubila ng kotse niya. Mapapansin na lamang ang pagkatok sa bintana ng kotse niya ng isang binata.
" Yjune, " tawag nito. Kaagad namang bubuksan ni Yjune at tutugon.
" Oh Nathane. " tugon niya at itinago ang mga kamay niya.
" Sama ka ba? May batis doon sa hacienda at yayain kitang magpicnic. " yaya niya sa kaibigan.
"  Sige, " payag nito.
" Oo nga pala, magka - camping kami mamaya sa labas ng mansiyon. Sa tent kami matutulog tapos mag iihaw ng isaw. Ano sama ka?" yaya pa niya.
" Teka, may laro bang kasama? " usisa nito na tila interesado.
" Oo naman at kasama si Athena. Pero hindi niya alam. " balita pa niya kay Yjune.
" Sige, " payag nito.

Kaagad na pumasok si Nathane sa mansiyon para ihanda ang snacks na dadalhin nila sa picnic.
" Kuya, saan ka pupunta? " usisa ni Athena ng mapuna ang kuya niyang naglalagay ng baon sa basket.
" Maliligo sa batis doon sa hacienda. Bakit sama ka? " usisa niya sa kapated.
" Sige pero magpapalam ako kay papa. " payag ni Athena.

Napalapit na lamang si Athena sa papa niyang abala sa sala sa paggawa ng kalokohan kasama sina señore Yhuan. " Pa, magpapaalam sana ako para sumama kay kuya. Maliligo siya sa batis. " paalam ni Athena. " Sinong kasama niyo? Ang kuya mo lang ba? " usisa ng papa niya.

Napakamot na lamang si Athena dahil hindi niya din alam kung sino pa ang kasama nito.
" Pa, payagan niyo na si bal at kasama ko naman ang doktor niya. " sabat ni Nathane.
" Ay hala, ang daya mo kuya. Hindi mo ako na inform. " kamot ni Athena na walang alam.
" Ayon naman pala. Sige, pero Nathane mananagot ka sa akin kapag hindi mo na ingatan itong kapated mo." paalala niya sa binatang anak.
" Ako ang bahala, pa. Tara na bal. " yaya niya sa kambal nito.

Athena Pov's
Parang ayoko nang sumama sa sinabi ni kuya sa akin. Kasama pala si singkit at hindi ako na inform.
Napipilitan na ako sumama kaso si kuya.
" Yjune, tara na at maraming magandang bulaklak doon. Magandang kunan ng litrato. " sabi pa ni kuya sa kaniya. Tskk. Ang singkit na ito.
" Heto at dinala ko ang camera ko. " tugon niya. Aba, may pasulyap pa sa akin.
" Bal, magpayong ka nga at mainit. Sige ka mangangamatis ka na naman. " sabi ni kuya sa akin. Eh, maaga pa naman at gusto kong masikatan ng araw.
" Kuya, gusto ko pang magpainit ng ganito. " tugon ko naman.

Nagpahuli na ako ng paglalakad at nakikinig lang ako ng usapan nila. Napansin ko na lamang na namamaga ang mga kamay niya. Teka, napano kaya iyan? Mahapdi kaya iyan kapag nabasa.
" Bal, wag kang magpapahuli baka matipalo ka at hindi kita masalo. " pag alala ni kuya sa akin. Ay, ano daw hindi naman ako lampa. Ayan, inakbayan pa ako.
" Kuya, mabigat ang braso mo. " reklamo ko ng ganun. Hindi kasi ako sanay na akbayan niya.
" Sus, palibhasa may gusto ka nang iba kaya ganiyan ka sa akin. " padinig ni kuya sa akin. Hala, sinasadya niya talaga dahil andito si singkit.

Hala, wala talagang pakialam si singkit at panay lang ang kuha ng magandang view sa camera niya. Ayaw ata akong pansinin. " Hi Doc Leo, " bati ko sa kaniya. Sige wag mo akong pansinin at sisipain kita.
" Ehem, hindi siya pinapansin. " inis na naman ni kuya sa akin. Tskk.
" Uuwi nalang nga ako! " sabay talikod ko at lumakad ng may marinig akong pagtawag.
" Señorita, " mahinang tawag sa akin nong boses. Tskk, papansinin lang ako kapag magtatampo.
" Ayaw mo akong pansinin. " tampo ko ng ganun.
" Balika kana dito, bal. " tawag sa akin ni kuya.
" Smile.... " sambit ni Yjune at ninakawan na naman ako ng larawan.
" Burahin mo iyon! " sumbat kong agaw ng camera niya.
" Hindi ata pwede! " sabay taas niya ng camera niya. Tskk.. Palibhasa matangkad siya at hindi ko maabot.
" Magagalit talaga ako! " sabat ko sa kaniya.
" Ayieeee.. Nag aaway ang lovers! Kailan pa kaya kayo magkaka label? " lokong sabi ni kuya habang naglalakad kami.
" Kuya talaga! "

Makalipas ang ilang mga minuto pa ng paglalakad. Hay salamat at nakarating na din kami.
" Wow, ang ganda ng tubig. " babad ko agad ng paa ko rito at nagtatampisaw.
" Bal, sabi ko sayo ay magpayong ka! " bigay na naman ni kuya sa akin ng payong.
" Magpapayong na nga! " tugon ko naman.
" Yjune, parang ang ganda ng tubig. " puna ni kuya at pasimpleng tinalsikan ng tubig si singkit na noo'y hawak ang camera niya.
" Damned Nathane, basain mo ako wag ang camera ko. " sambit niya ng ganun. Hala, mas mahalaga pa pala ang camera niya.
" Maligo na tayo! " sabay hubad ni kuya ng damit niya at tumalon sa batis. At tumalsik sa amin ang tubig.
" Kuya, ang lamig kaya! " reklamo ko naman. Parang yelo ang tubig dito.
" Yjune, tumalon kana at magpa hubad ka na rin. Diba bal? " ngising loko ni kuya.

Hala, isasali pa ako sa kalokohan nila. Nanahimik kaya akong nakababad ang mga paa sa tubig.
" Andiyan na ako! " tugon naman ni singkit. Napaligaw na lamang ako ng makita siyang walang damit. Ay hala, mukhang padamihan sila ng abs ni kuya. Hindi naman ako mahilig sa abs eh.
" Bal, hindi ka ba maliligo? Masarap ang tubig pero mas masarap si Yjune. " lokong sabi ni kuya.
" Ayokong maligo baka may humatak sa akin diyan. " palusot ko kay kuya.

Natatakot kasi akong tumalon baka malunod ako. Hindi naman sa hindi ako marunong lumangoy pero kasi natatakot talaga ako.

Tumayo ako ng bahagya at pumunta sa basket na dala ni kuya. Ano kaya ang magandang kainin dito? Mansanas? Saging? Teka, may dala siyang dragon fruit! Kinuha ko ang isang iyon at hiniwa. Kumuha din ako ng kutsara para gamitin sa pagkain.

Napahinto ako ng madaanan ang camera ni singkit. Hm, makipakialaman nga at titingnan ang mga kuha niya. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang mga nakaw niyang larawan sa akin. Tskk, kaya pala di ako pinapansin kanina. Panay pala ang nakaw ng larawan sa akin.

Nagulat na lamang ako ng maabutan niya ako.
" Sus, trip mo lagi ang pakialaman ang gamit ko. " sabi pa niya. Napatakip na lamang ako ng mga mata kasi ayokong maging makasalanan.
" Magsuot ka nga ng damit! " takip ko ng mga mata habang papaalis.
" Mag ingat ka señorita baka matisod ka. " pahabol niyang sabi.
" Tskk. Singkit! " bulong kong sambit.

Umupo ako sa kina uupuan ko kanina at ayan si kuya. Hindi ata nilalamig at nagbabad pa sa tubig. Ang pogi talaga ng kuya ko kaya maswerte si Scarlett. Teka tatawagan ko siya.

Dali - dali kong kinuha ang phone ko. Hahanapin ko iyong number ni beshie Scarlett. Heto lang pala at sabay call sa kaniya.
( On Call )
" Hi besh, " bati ko agad sa kaniya.
" Hi Athena, kamusta kana diyan. Alam mo ba namis ka na namin. " balita niya sa akin na tila nasa bahay siya nina Jeani.
" Namimis ko na rin kayo. Pakiusap naman kay Jeani. " pakiusap ko.
" Hi ate, " boses ni Jeani.
" Hi Jeani, namis na kitang katabi sa kama. " sabi ko sa kaniya.
" Ako rin ate at alam mo ba palagi nang umuuwi si papa sa bahay. " balita niya sa akin.
" Mabuti naman kung ganun. " tugon ko nalang.
" Bal, sinong kausap mo? " sabat ni kuya.
" Ibigay mo kay Scarlett! " pabulong kong utos kay Jeani.
" Bakit Athena? "usisa ni Scarlett ng siya ang may hawak ng phone niya.
" Gusto mo kausapin mo si kuya? " usisa ko sa kaniya.
" Baka magalit iyon! " pag alala niya.
" Ano ka ba besh at sigurado akong namis ka non! " sabi ko naman at kumaway kay kuya.

Ayan, umahon na ang kuya kong ewan. Walang damit at ibinandera na naman ang katawan niya.
" Kuya, " sabay abot ko ng phone sa kaniya.
" Sino ba kasi ito? " usisa niya sa akin.

Tinabahan ko si kuya para makinig sa usapan nila.
" oh bakit? Mis mo agad ako? " pilyong sabat ni kuya na ikinatawa ko.
" Hindi naman sir Nathane. " tugon niya kay kuya.
" Ano hindi mo ako namis? " usisang pagalit ni kuya.
" Hindi naman sa ganun sir Nathane. " tugon ni Scarlett.
" Namis mo ako o hindi? " papili niya rito. Ahahha.. Mukhang nag aaway sila.
" Eh kasi.... " sabat niya.
" Anong kasi? Sabihin mo na at nang matulungan kita. " sabi ni kuya na tila seryoso na.
" Mukhang galit kayo sir Nathane. " ani Scarlett.
" Sinong hindi magagalit at tinatawag mo akong sir. " sabi naman ni kuya.
" Sorry po sir Nathane. " tugon naman ni Scarlett na ikina inis ni kuya. Hahah, tinawag na naman sir.
" Tskk.. Huy Scarlett, i block mga iyong guy na naka tag sa wall mo. I don't like him. Ang ayaw ko talaga ay inaagaw ang pagmamay ari ko. " utos niya kay besh. Hala, bakit sila na ba? Wala ngang label!
" Pero sir, " angal niya sa utos ni kuya.
" Anong sir na naman iyan? Masanay ka na kasi na tawagin akong Nathane. And you're soon to be my wife! " wika ni kuya sa kaniya. Eh di sana all!
" Sir, nakakahiya naman ata kung hindi ko kayo tatawagin sa pormal. " paliwanag ni Scarlett na ikina ngiti ni kuya. Ay sus, wala na at kinilig na si kuya.
" Scarlett, I like your atittude that's why I love you! " ngiting sabi ni kuya. Yay, sana all talaga!
" Thank you so much sir! " tugon lang ni Scarlett.
" Thank you lang? Walang ano? " sabi ni kuya.
" Eh, di ka pa kasi pwede sir! " tugon ni Scarlett. Panigurado at namumula na ang pisngi ni Scalett ngayon
" Sige na, ibibigay ko na ito kay bal. Mag ingat ka diyan at call me kapag you need my help. " bilin ni kuya sa kaniya.

Ay yayay... Tinamaan na ng kupido si kuya at malapit na ang araw ng mga puso. " Yjune, sino ka date mo sa araw ng mga puso? Ay oo nga pala at wala kang jowa. " saad na paalala ni kuya na ikinataw ko bigla. Loko, talaga itong si kuya oh.

Basta ako ay matutulog sa araw ng mga puso kasi hindi pa ako handang umibig. Pag ibig muna sa pamilya at tamang pagmamahal sa sarili. Kapag nagawa ko iyon ay pwede na akong umibig sa taong mahal ako. Kung sinuman iyon ay hindi ko alam.

**//***
Good night po and thank u all. Keep safe.😘😘☺

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now