Chapter 26 Isang nakaw na halik!

154 5 0
                                    

Athena Pov's
Kainis si singkit at ayon naglalasing siya. Mas lalong hindi ko siya papansinin sa paglalasing niya. Papasok na nga lang ako sa loob at nasira na ang araw ko ng dahil sa kaniya.
" Athena, bakit andito ka? Mag isa na roon si Yjune. Hindi pa rin ba kayo bati? " usisa ni mama sa akin.
" Ma, naiinis pa rin ako sa kaniya. Ayon, naglalasing na naman. " balita ko kay mama.
" Sandali at pagsasabihan ko siya. " tugon naman ni mama sa akin.

Naghintay na lamang ako sa sofa. Hindi man lang niya naisip na magagalit na talaga ako sa kaniya. Sigurado akong malalasing iyon. Hindi nga niya nakita ang anak niyang si Aeriel. Tapos maglalasing pa siya. " Tita, ayos lang ho ako. " rinig kong tugon niya kay mama.

Ayan na pala at mukhang lasing na. Patungo sila rito sa sofa. Ano kaya ang sinabi ni mama sa kaniya.
" Hi Athena, " bati pa niya sa akin. Para nang kamatis mukha niya sa kalasingan.
" Ano? Gusto mo na bang itulak kita sa pool? " sermun ko sa kaniya.

Nang bigla nalang siyang suminghot na parang umiiyak. Hala. Umiiyak ba talaga ang singkit na 'to?
" Athena, mahal na mahal kita. Naawa ako doon sa patient na niligtas ko. She's pregnant kaya hindi ako natuloy sa napag usapan natin. Athena, patawarin mo na ako. You don't know how I panic. " paliwanag pa niya sa akin.
" Eh bakit ka naglasing? " pranka kong usisa sa kaniya.
" Hindi mo kasi ako pinapansin. " singhot niyang sagot habang nakayuko.
" Lasing kana Yjune at humiga ka na lang diyan. Ikukuha kita ng pamunas. " wika ko sa kaniya.
" Athena, bati na ba tayo? Ang hirap naman ng parusa mo sa akin. " higa niyang usisa na tila matutulog na siya.
" Kapag naglasing ka uli. Naku! Itutulak na kita sa pool. " saad kong sabi sa kaniya.
" Promise hindi na mauulit. Thank you, Athena. " sabay tuluyan na niyang pikit ng mga mata.

Hayst. Ang hirap pagsabihan ng singkit na 'to. Ayan, tulog na ata siya. Ako pa ang gagawing taga punas niya. Lagot talaga siya sa akin bukas.

Minabuti ko nang punasan siya at bahagyang umupo sa tabi niya. Ang singkit na ito at walang kadala-dala sa akin. Alam naman niyang ayokong naglalasing siya. Hindi na naman makakauwi ito.

Napa-hinto ako ng biglang narinig ang isang pagtawag.
" Hi mama Athena. Ano pong nangyare kay papa? " usisa ni Aeriel suot ang white dress.
" Naglasing siya dahil sa hindi ko pinansin. " tugon ko sa baby Aeriel namin ni Yjune.
" Mama, galit pa rin ba kayo kay papa? " usisa niya sa akin.
" Hindi naman ako galit diyan sa papa mo. " tugon ko naman.

Ito kasing singkit ay ang bilis magtampo. Daig pa ako eh. Ang sarap niyang batukan ngayon.
" Sige na at ako na ang bahala sa papa mo. " wika ko kay Aeriel.
" Mama, sabi ni papa sa akin nong isang araw. Gusto na niya kayong pakasalan para hindi na siya mag aalala. Gusto niya daw kayong tulungan sa vision niyo. Ayaw niya po kayong mag isang lumalaban. " balita niya sa akin.

Napahinto ako sa sinabi ni Aeriel. Napa hinto ako sandali ng may mapansin sa leeg niya. Ano naman kaya ito? Bakit parang pasa? " Argh... Masakit ang ulo ko. " inis niyang sambit. Tskk. Nagising na ang lasingero na singkit. Batukan ko kaya ito.

Napa-layo ako ng kunti sa kaniya at napa-ekis ang mga braso ko.
" Sorry na oh. Hindi mo pa rin ako napapatawad? " usisa niya sa akin.
" Ayusin mo naman ang sarili mo. Nakakahiya sa mga bisita. " sermun ko sa kaniya.
" Napa-tawad mo na ba ako? " usisa niya sa akin.
" Hindi naman ako galit sayo kaso uminom ka. Tumayo ka na nga diyan. " tayo ng bahagya at lumakad.

Ayos na sana ang araw ko kung hindi siya naglasing. Sarap itulak sa pool eh.
" Hintayin mo ako, love. " sabi niya ng ganun. Tskk. Nagawa pa akong tawaging love.
" Sapakin kaya kita. Ka-lalaki mong tao nag-lasing ka. Bilisan mo diyan at nandidilim paningin ko sa 'yo." sumbat ko sa kaniya.
" Ayiee.. Concern ka lang sa pogi mong nobyo. Athena, pakasal na tayo. " yaya niya sa akin.
" H'wag ako baka masapak kita. " sabat ko sa kaniya.

Pagdating namin sa second floor ay agad kong binuksan ang kwarto niya. Ito kasi ang dati niyang kwarto at dito siya magpapalipas ng gabi ngayon.
" Athena, love mo ako diba? " tanong niya na parang bata.
" Tskk. Pumasok kana at magbihis ka. " sabi ko sa kaniya.
" Hintayin mo ako, Athena. Sabay tayong bababa. " pakiusap niya sa akin.
" Ok sige, " bahagya kong pasok sa kwarto at umupo sa kama.

Sa labas naman ay nagsasaya na ang bagong kasal. Panay ang kulit ni Nathane kay Scarlett na ikina-pokus naman ng mga medya sa kanilang dalawa.
" Sir Nathane, nakakahiya kaya. " ani Scarlett.
" Hindi kita titigilan hangga't hindi ka ngumingiti diyan. " kulit niya sa talaga at mas lalonh inilapit ang mga titig sa mata ni Scarlett.
" Sir Nathane. " ngiting bahagya ni Scarlett na ikina-tili ng lahat.
" Shall we dance? " ask niya wife nito at kinuha ang mga kamay nito.

Pababa na ang dalawa at nakahawak si Nathane sa mga kamay ni Scarlett. Pina-play ang napaka gandang musika. " Dahan - dahan baka maaapakan mo iyang gown mo. " paalala ni Nathane.
" Sir Nathane, masyado naman kayong malagkit kung tumitig. " wika ni Scarlett.
" Don't mind them at ako ang kaharap mo. Always bear in your mind that you're my wife. " malambing niyang wika kay Scarlett sabay hawak nito sa baywang.
" Si-sir, " gulat ni Scarlett ng humawak sa baywang niya.
" Ang cute mo. H'wag ka nang mahiya at ipatong mo na ang mga kamay mo sa balikat ko. " utos niya rito.
" Hi-hindi ako sanay. " ang tanging sambit nito sa harapan niya.

Sa kanilang pagsasayaw ay nakatuktuk naman at nanood ang lahat. Habang si Nathaniel at Grace ay magkahawak kamay habang nanood sa pagsasayaw ng bagong kasal.
" Kiss kiss kiss... " lokong kalanting ni sir Ethane ng kutsara sa wine glass.
" Kiss kiss kiss.. " gatong pa ng lahat.

Magtatawanan na lamang ang mga Fuentaverdes at de la Vega. Naroon din ang mga kilalabg tao sa larangan ng negosyo. Hindi nagpahuli ang pamilya ng mga FuentaVilla. Ang pamilyang pinagmulan ni Yhuna ng Errose.

Makukuha na lamang ang atensiyon ng lahat ng marinig ang yabag ng dalawang magkawak kamay na palabas ng mansiyon. Ang binatang si Doc Yjune at Athena. Mukhang nagkabati na sila.

" Good evening sa lahat. Sir Ethane, ma'am Althea at sa boung pamilya ng mga Fuentaverdes. Gusto ko lang sabihin sa inyo. Papakasalan ko si Athena sa lalong madaling panahon. Gusto kong samahan siya sa kaniyang vision. Sir Ethane, mahal na mahal ko ho ang inyong prinsesa. Ma'am Althea, ayoko hong mag isa lang siyang tuparin ang vision niya. Gusto ko na hong samahan ang prinsesa niyo. Alam kong nag aaral pa siya at marami pang pangarap. Sana ay payagan niyo akong kalungin ang responsibilidad sa kaniya. " paalam ni Yjune na ikinagulat ng lahat.

Hindi makapagsalita ang lahat. Si Athena ay walang nagawa kundi ang tumitig kay Yjune. Si sir Ethane at ang mga kapated nito ay nagkatitigan.

" H'wag kang magpaalam sa amin at nasa hustong edad na si Athena. " tugon ni Ethane sa binata.

Napakaba na lang si Athena at hindi alam ang isasagot. " Sir Ethane and ma'am Althea. Mahal na mahal ko ho ang anak ninyo. I do everything for her. " at pagkasabi ng binata ay hinalikan niya ang nobya sa labi nito.

Napa-nginig sa kaba si Athena sa ginawa ni Yjune. Hindi ito maka-imik sa kinatatayuan niya na tila nainis sa pagnakaw mg halik sa kaniya. Habang ang medya ay nagkagulo sa kanilang nakunan.


BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon