Chapter 36 The Lovers

193 14 5
                                    

Sa bandang sala naman.
Naroon ang dalawa sina señorita Cassandra at binatang si Mark Barrot na nag uusap. Nakasilip naman mula sa taas ng hagdan ang papa ng dalaga kasama ang dalawa nitong kuya ni Cassandra.

Mapapansin ang ngiti ni señorita Cassandra sa mga oras na iyon. Hindi niya lubos akalain na ang pinagtri-tripan niyang asarin ay ang magpapakasal sa kaniya at naglitas sa buhay niya.

Sandaling hihinto ang tawa ng dalaga. " Alam mo ang tapang mo kanina. Hindi ka ba kinabahan kina papa at mama? Sina kuya nga nakatitig sa iyo. " usisa pa niya sa binatang kaharap.

Napangiti naman ang binatang si Mark sa pang aasar sa kaniya. " Oo nga eh. Sabi mo kasi kapag mahal mo ay hindi ka maduduwag na ipaglaban. Tinuro mo sa akin eh. " paalala ni Mark sa kaniya.

Tatawanan na lamang siya nito habang yapos ang unan. " Basta ako masayang masaya ngayon. Nasabi ko na kina mama, papa at sa lahat ang lihim ko. Thank you ulit, Mark. " pasalamat niya sa binata.

Mark Pov's
I don't know how to talk with her. Isa siyang señorita at daig pa niya ako sa asaran. Kahapon nga at para akong maihi sa harapan nila sa sobrang kaba. Paano ba naman kasi pinili ni señorita Cassandra na ilihim ang nangyare noon. Hindi ko alam na nagka phobia pala siya. Kaya pala ay bihira lang siya makisalamuha sa mga taong hindi niya kilala.

Mas lalo akong kinabahan ng sabihing payag silang lahat na ikasal si señorita Cassandra sa akin. Nagulat nga ako sa asal ni sir Ethane na hindi mahalaga ang pera para itapat sa yaman. Kung tutuusin ay wala akong ipagmamalaki sa pamilya niya. Naging engineer ako dahil sa tulong ni sir Ethane. Tinulungan akonh makapag aral sa sikat na paaralan. Naging mabuti sila sa akin. Kundi dahil kay señorita Athena ay hindi ko sila makikilala. Kaya malaki ang utang na loob ko sa pamilya Fuentaverdes.

Sa totoo lang ayokong sirain ang magandang pakikitungo nila sa akin. Kaya gagawin ko lahat para makaganti sa utang na loob ko sa kanila.

Nagulat na lamang ako ng batuhin ni unan. Ayan na naman siya. " Bakit ka nangbabato? " masungit kong usisa sa kaniya. Batuhin ka pa naman habang nag iisip ka. Aba! Kailangan kong gumanti sa kaniya.

Ayan na naman siya. Tinatawanan na naman ako. " Mark, bawasan mo naman ang pagkapikun mo. " tawa niyang tugon. Hayst naku! Hindi tuloy ako makaganti sa kaniya. Nasa mansiyon nila ako at humanda siya sa akin. Makakaganti din ako sa pambabato niya.

Tumayo na lamang ako sabay inat ng aking katawan. Nasaan na kaya ang anak ko? Kasama kasi ni sir Jack iyon kanina. " Sino hinahanap mo? " usisa ni señorita Cassandra na palinga linga din. Trip niya talagang gayahin ang kilos ko.

Tinitigan ko na lang siya. " Inisin mo pa ako. Sisingilin kita kapag kasal na tayo. " wika ko sa kaniya. Aba. Tinawanan lang ako. Baliw ata itong nasa harap ko. Kapag ako lagi kaharap niya. Asahan mo tatawa at tatawa siya.

Napalingon na lamang ako ng marinig ang isang tawag mula sa taas ng hagdan. Ang anak ko palang si Ashley Athena. " Hi po papa. Hi po señorita Cassandra. Sabi po ni sir Ethane, magiging mama ko na po kayo kasi papakasalan kayo ni papa. " bibo niyang sabi.

Sabi na nga ba at kinausap din siya ni sir Ethane. " Hi Ashley, ang bait mo talagang bata ka. Soon ay magkatabi na tayong matulog. Tapos sabay nating sermunan ang papa mo. " aba, tinuruan na naman niya ng kalokohan ang anak ko.

Nagkasalungat na lamang ang mga kilay ko. Napaka saya niya talaga kapag ako kaharap. Tumayo na lamang ako.  " Hali kana Ashley at matutulog na tayo. " yaya ko sa anak kong makulit. Nakikipag chikahan pa kay señorita Cassandra.

Hindi ata ako narinig ni Ashley na pasaway. Lagi akong kinukulit na pumunta dito sa mansiyon. Makikipaglaro daw siya. " Ashley Athena, " saad kong tawag. Masyado na kasing malalim ang gabi para sa anak kong pasaway.

Ayan siya. " Señorita Cassandra, matutulog na ho ako at galit na si papa. Bye po. " hug niya rito bago lumapit sa akin. " Papa, sorry po. " paumanhin niya sa akin.

Bago kami umakyat sa hagdan ay nagpaalam muna ako kay señorita Casssandra na hindi maalis ang tawa sa akin. " Maiwan ko muna kayo señorita Cassandra at patutulugin ko na ito. May pasok pa ito bukas eh. " paalam ko.

Mangingiti naman siya sa akin. " Maraming salamat nga pala sa iyo, Mark. Good night Ashley at sa iyo din, Mark. " wika niya na may kasamang magandang ngiti.

Paakyat na kami ng hagdan at binuhat ko nalang ang anak kong makulit. Since ng ma-ampon ko siya ay lagi akong ginugulo kapag hindi ko siya pinapansin. Laging naghahanap ng paraan para lang mapansin ko. Panay kasi ang overtime ko sa mga plans ko at sketches.

Nagpapasalamat ako sa anak ko dahil nagkaroon ng direksiyon ang buhay ko. Mas lalo nang ipakita ni señorita Cassandra na may karapatan akong magmahal sa tulad niya. Sana maging maayos ang lahat.

Sa kabilang banda.
Sa kwarto ng mag asawang sina Yjune at Athena. Abala si Athena sa pagpapatuyo ng buhok niya habang nakayapos si Yjune sa kandungan niya. Hindi pa kasi tuyo ang buhok nito. Gusto niyang patuyuin ni Athena ang buhok niya.

Mag a-amok si Yjune na tila nagpapansin kay Athena. " Ano ba, singkit! H'wag mo nga akong kagatin. " sumbat na malambing ni Athena dahil sa kinakagat ang hita nito.

Bahagyang titigil si Yjune at aangat ang ulo niya. " Basa pa ang buhok ko. Kanina ka pa diyan eh. Hindi pa ba tapos? " inis nitong tampo na parang bata.

Tatawanan na lamang siya ni Athena. " Iyon lang ba? Bangon ka diyan at patutuyuin ko ang buhok mo." wika niya sa asawa at agad na drinayer ang buhok nito.

Mapapansin naman ang pagtitig niya kay Athena na ayaw man lang malingat sa kabilang dako. Titig na titig siya rito. " Ang ganda mo pala, Athena. " seryoso nitong wika na ikinatawa ni Athena.

Mahihinto ang pag-dryer niya sa buhok ng asawa at titig ito sa mga mata niya. " Ayos ka lang ba, singkit? " usisa nito na tila nang iinis pa kay Yjune.

Mapipikun naman si Yjune at babalik sa kandungan ni Athena. Mag-aamok na naman ito sa kandungan ng asawa niya at kakagatin ang hita nito. " Aray! Yjune naman. " reklamo ni Athena sa husband niyang parang bata. " Itigil mo nga 'yan! " sumbat niya pa rito.

Hindi na lamang siya papakinggan ni Yjune at patuloy na gagawin ang ginagawa niya. " Gusto mo bang sa lapag matulog? " usisa pa ni Athena sa kaniya. Ngunit tila ay hindi siya narinig nito.

Maya maya pa ay bigla nalang tinulak niya si Yjune ng pabalikwas. " Ikaw ha! Sumusobra kana diyan. Napupuno na ako sa 'yo. " wika niya sa asawa na wala man lang reaksiyon.

Nakatitig lang ito sa kaniya na parang iniinis pa siya. " Hindi ko gusto ang titi..... " hindi na niya natapos ang sasabihin ng bigla siyang hinila pahiga sa kama nito.

Napatahimik si Athena ng daganan siya ng yapos ng asawa nitong walang imik. Namayani sa kanilang silid ang katahimikan. Hindi na lamang niya pinigilan ang asawa na yapusin siya ng mahigpit nang mahigpit.

☺☺☺☺😘😘😘
Maraming salamat po talaga😘

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum