Chapter 39 (Pangarap ni Athena)

151 7 0
                                    

Sa Tent na nilatag ni Yjune para kay Athena. Naroon ang tatlong mga Señorita. Nag uusap tungkol sa buhay nila. Magtatawanan habang kumakain ng Chocolates.

Si Athena ang laging nangunguna sa usapan at si Scarlett ang napag iiwanan.

Iinum muna ng tubig si Athena. " Alam niyo ba na mag umagang nakayakap sa akin si Yjune. Hindi ako pinakawalan. " balita niya sa dalawa.

Tutuksuin naman siya ng ate Grace niya. " Ayie. May ganap na ba sa inyo ni Yjune? Kinikilig ka kasi. " sabay tuksu nito.

Palihim namang tatawa si Athena. " Siya kaya ang kinikilig. Parang bata na nakayakap sa akin. " pagmamayabang pa nito.

Malilingat sila kay Scarlett na tahimik lang. " Oh, kamusta ka naman? Ano bang ginawa niyo ni Nathane? " usisa ng ganun ni Grace.

Mangingiti na lamang si Scarlett habang kumakain. " Magtatapos daw muna ako ng pag aaral. " tugon niya.

Magtatawanan na lamang ang dalawa sabay higa sa malambot na kutson. " Ate Grace at Scarlett, pwedeng humingi ng pabor? " ani Athena.

Magkakatitigan naman ang dalawa. " Ano ba iyon? " sabay nilang sambit.

Mapapabulalas si Athena. " I have a bad dream. Masamang pangitain ang nakita ko. I saw a Knights and Gangs na gugulo sa lipunan. Ang knights na maaring Interpol na mula sa mga batikan. Ipaglalaban nila ang kapayapaan mula sa Gangs na susulpot sa hindi ko malaman na bayan. May mangyayareng masama sa bayan ng De la Vega. May malaking kidnapan na mangyayare. Ngunit bigla nalang may nakita akong puting balahibo na magmumula sa taas. Siya ang magbibigay hatol sa lahat. " balita niya sa dalawa.

Napahinto na lamang ang dalawa at niyakap siya. " Ibig mo bang sabihin ay mawawala ka ng tuluyan? " usisa ni Grace sa kaniya.

Tatango si Athena at hihinga ng malalim. " Oo, h'wag niyong ipaalam sa lahat ang binalita ko sa inyo. Magaganap ang dapat. Tapos na rin ang misyon ko sa pamilya natin. Maari na akong magpahinga. Isang pakiusap lang, Ate Grace. Pwede bang turuan mo si ate Cassandra sa depensa. Ayokong isa siya sa mga mapapahamak sa pangitain ko. Ganun ang kapated kong si Thea. Pakiusapan mo si Papa na turuan si Thea. Ikaw Scarlett, pakiusapan mo si Kuya Nathane na turuan ka. Isang pakiusap pa ang gusto kong ibilin pero dapat walang makakaalam. Gusto kong dalhin niyo lagi si Papa sa harapan ng puntod ko. Gusto kong alagan ninyo ang bungang maiiwan ko. " bilin ni Athena sa kanilang dalawa.

Napatulo na lamang ang luha nila at nagyakapan sa sandaling iyon. Ngunit hinawi agad at nagkunwareng nagtawanan ng dumating ang mga asawa nila.

Inabot na ni Yjune ang kuha niyang manga sa asawa. " Mukhang nagkakatawanan kayo. " puna nito at bahagyang niyakap ang asawa niya.

Pasimple namang aakbayan ni Nathaniel ang kambal niya. " Uminom ka ng maraming tubig, Grace. Sandali at kukunin ko pa ang bag sa labas. " labas niya ng bahagya.

Magkakayaan sila na gumawa ng apoy sa labas. May dala kasing hot at barbeque sina Nathane. At si Yjune ang gagawa ng apoy. Maghahanap ng panggatong sina Athena. Na kaagad namang pinigilan ni Yjune.

" Dito ka lang kasi at kaming mga lalaki na ang bahala sa panggatong. H'wag matigas ang ulo. " paupo niya sa asawa sa loob ng tent.

Ganun din kina Scarlett at binigyan sila ng makakain. Maraming baon na snacks si Nathaniel sa dala niyang bag.

Kaagad din namang bumalik ang tatlo matapos makakuha ng panggatong. Inayos nila ang siga at naglagay ng ihawan para sa barbeque. Mahinang apoy para maluto ito.

Mapupuna ang pagkuha ng larawan ni Athena sa bawat isa. Panay ang tawa niya sa larawang kuha sa asawa. " Grabi, ang singkit! " pagtatawa niya.

Malilingon naman ang asawa niya na nasa siga. " Tawanan mo lang! Ang sabihin mo kinikilig ka! " sabat nito sa kaniya.

" Ikaw kaya ang kinikilig sa akin. Nakayakap ka nga magdamag. " pagbubuking sa kaniya ni Athena.

Magtatawanan na lamang sina Nathane at Nathaniel. Sabay silang mag aaperan. Iisa lang ang naiisip nilang kalokohan. Nais nilang ipabated kung may nangyare na ba kina Yjune at Athena?

" Alam ko iyang mga titig niyo. Wala pang nangyayare sa amin. Naghahanap pa ako ng timing. " seryoso niyang pa alam sa kaniya.

" Asus, timing daw? Bal, asawa mo naghahanap ng timing! " sumbong ni Nathane kay Athena.

Magtatawanan na lamang ang mga ito. Habang iniihaw ang mga dala nilang ihaw na pagkain. Nagkabulungan naman ang mga dalaga sa tent at sabay na papasok. Mukhang may gagawin sila sa loob.

Matapos maluto ang inihaw nilang pagkain ay agad na inihain ito sa munting hapag na nakalatag sa damuhan. May kanin, sandwich at baong turon si Nathaniel na gawa ng mama niya.

" Lets eat! " sabay nilang sambit.

Bago iyon ay nanalangin muna si Athena ng pasasalamat. Pagkatapos ay nilantakan ang baon nila.

Kumuha naman ng larawan ang camerang dala ni Athena at nilagyan ito ng timer. Pinatong niya sa harapan ng tent.

Sa bilang na tatlo ay kinuhaan sila ng larawan na magkakasama at pares pares. Ang kanilang ngiti na hindi mabibili ng pera. Ang kasiyahan nila ay lubhang nakaka inggit.

Nagpasimula ng habulan sina Yjune at Athena. Kinuha kasi nito ang phone ni Yjune dahil may tumatawag. Ayaw rin kasing maisturbo ni Athena ang pamamasyal nila sa araw na iyon.

" Ibalik mo na ang phone ko, Athena! " sigaw ni Yjune sa asawa niya.

" Ayoko nga! " sabat nito sa kabilang dako.

" Tol, ayaw niya ng isturbo. Hayaan mo na at ganun talaga iyan. " bulong ni Nathane sa asawa ng kapated niya.

" Sino ba kasi ang tumatawag sa akin! " inis nitong sumbat.

Hahabulin na lamang ni Yjune si Athena sa mainit na bahagi ng parang. Para bawiin at lambingin ang asawa niyang pinagselosan ang phone call nito.

Nang makalapit si Yjune sa asawa ay agad itong niyapos si Athena. " Selos ka na? " usisa nito.

Hindi naman siya papansinin ni Athena. " Tsk. Phone mo may tumatawag. Kabit mo ata! " abot niya sa asawa.

Sandali naman niyang tatawagan ang tumawag doon. " Hello! May date kami ng asawa ko. H'wag kang panira ng moment! " sumbat niya sa kabilang linya.

Tumawa na lamang si Athena. " Loko, si kuya Alex ang tumatawag! " paalala nito.

" I know! Mas mahal kita, eh. " yapos niya kay Athena.

Binuhat na lang niya si Athena pabalik sa lilim. " Ikaw ha. Next time, h'wag kang tumakbo sa mainit! " saad nitong sermun sa asawa niya.

Hinawakan niya pa ito sa baywang at binulungan. Nakatikim naman siya ng batuk kay Athena sa binulong niya.

Athena Pov's
Kainis si Yjune! Bulungan ka pa naman ng ibang lengguwahe. Palibhasa at wala akong alam sa language nila. Nakatikim tuloy siya ng batuk sa akin.

Naupo na lamang ako sa tabi ni kuya Nathane. " Kuya, alagaan mong mabuti si Scarlett ha. " sabi ko sa kaniya.

Inakbayan na lang niya ako ng bahagya. " Don't worry sa kaibigan mo. I would take care of her. " tugon niya sa akin.

I hug him tightly. " Kuya, thank you for being my lovable and caring brother to me. Hindi kita makakalimutan, Kuya. " pasasalamat ko sa kaniya.

I'm so happy this day. Isa na namang napakagandang memorya ang nagawa ko ngayon araw. Dadalhin ko ito kung saan man ako mapadpad. Kahit na bawian man ng buhay ay mananatiling alaala ng nakalipas.

Gagawin ko ang nakakapagpasaya sa asawa ko. Ang tanging hiling niya ay ibibigay ko na sa kaniya. Ang supling na bubuo sa pagkatao at buhay nang mag asawa. Bago ako umalis ay kailangan ko munang mga iwan ng panibagong pag asawa.

Alam kong mas lalong pahirap ang sitwasyon sa susunod na mga henerasyon. Ang aking bunga ang siyang magpapatuloy sa aking kalokohan. Siya ang magbibigay ng kasiyahan sa magulong mundo ng kasalukuyan.










BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon