Chapter 19 Bomb threat!

195 9 2
                                    


At 2:00 PM in the Mansiyon of Fuentaverdes.
Nasa sala ang señora Maria kasama ang mga ginang na asawa ng mga anak nila ni Nathane II. Mapapansing abala ito sa pag aayos ng mga rosas na bagong pitas. Napakarami ng na - harvest at minabuti ng ginang na si Althea na maglagay sila sa bawat paso at maibenta ng mura lang para makabili ang lahat. " Alam mo Althea, maganda na ang negosyo mo at nakaka relax. " puri mg señora Maria sa kaniya.

Mapapangiti na lamang ito. " Maraming salamat, ma. At saka tinulungan din naman ako nina Jucivel. Teka, kamusta na pala iyong negosyo niyo? Mama Maria? " usisang tugon niya rito.
" Well, ayon at madaming customer at iyon nga masaya naman. Nakakapag pangiti ka ng tao. Teka Reina, kamusta na pala iyong negosyo mo? Balita ko may bagong dating na mga alahas? " usisa niya sa asawa ng anak niyang si Athane.
" Mama, nakaka mangha nga eh. Si Athane kasi ang nagmodel ng mga iyon. Syempre ayaw niyang magpapigil kaya ayon ang daming bumili na mga babae. " tuwang tugon ng ginanng na si Reina.
" Iyan talagang anak ko. " tawa ng señora.
" Tapos sabi niya may libreng hug daw. " dagdag pa nito na ikinatawa ng lahat.
" Si Athane talaga! Teka Jucivel, kamusta iyong negosyo mo? Balita ko marami na kayong branch sa bayan. Masasarap kasi ang luto at nakakain na ako doon. " usisa niya sa asawa ng anak niyang si Diego.
" Ma, ewan ko kay Diego at pinalawak pa niya. Basta sabi niya lang ay gusto niya pang palakihin para daw sa mga anak namin. Eh hindi na nga siya maka alis sa kadami - dami niyang trabaho. " tugon ni Jucivel.
" Kakausapin ko talaga iyang si Diego at hindi na nga siya makauwi sa tamang oras. " wika naman ng señora.

Sa kabilang banda naman.
Pababa na ng hagdan ang dalagang si Athena mula kwarto. Kakamot kamot siya sa ulo nito na tila may kasamang dabog. " Mama, " tawag ng dalaga na halatang hindi maganda ang gising nito.
" My Princess, ayos ka lang ba? " usisa ni Althea sa anak niyang dalaga.
" Mukhang badtrip ang gising niya, Althea.." puna ng señora.
" Kainis! Kainis! " dabog pa ng dalaga at agad siyang pinaupo ng mama niya.
" Ano bang problema at ganiyan kabusangot ang mukha mo? " usisa niya sa anak nito. Napasubsub na lang si Athena ng yakap sa mama niya at humikbi ito.
" Mama, " tangis nito na ikinagulat ng lahat.

Mapapansin ang pag alala ng lola at mga tita niya. Ang mama niya ay panay ang patahan sa kaniya.
" Sabihin mo masama ba ang panaginip mo? " usisa ng mama niya at ayaw niya pa ring tumahan.
" Apo, dalaga kana at hindi ka dapat umiiyak ng ganiyan. Baka maabutan ka ng kuya at asarin ka pa lalo." payo ng lola Maria nito.
" Nasaan ba si papa? " usisa niya na tila gulat ang lahat.
" Bakit mo naman hinahanap ang papa mo? Nasa trabaho pa iyon at nakatitig na naman sa picture frame natin. " sabat ni Althea sa anak.
" Ma, pwede ko bang puntahan si papa? " paalam ni Athena na ipinagtaka naman nito.
" Anak, ano ba talaga ang problema? " usisa niya ulit sa anak nito.
" Namimis ko lang po siya. Sige na ma at may sasabihin ako kay papa. " pilit ni Athena.
" Sige, pero sasamahan kita kay manong at sa mga bodyguards mo. " tugon niya rito.

Kaagad na pumasok si Athena sa loob ng kotse at ipagmamaneho siya ng Manong na si Ed. Matagal na rin ito sa kanila at mula pa sa angkan nito ay nagtatrabaho na sa mansiyon. " Señorita, may problema ba kayo? Kagagaling niyo lang sa therapy pero umiiyak na naman kayo. " puna ni manong Ed sa kaniya.

Magpupunas naman ng luha ang dalaga at sabay na ngingiti. " Manaong talaga napaka ano sa akin. Ayos lang ho ako saka namis ko lang si papa. Bilisan niyo na manong baka maabutan ko pa ang break time ni papa. " wika niya sa manong driver na agad naman itong pinabilisan ang takbo.

Sa likuran naman ng kotse nila ay nakasunod ang mga armadong ginoo na purong naka itim. Ang mga ito'y for hired na mga interpol at mga batikang bodyguards na mula sa Spanya at Amerika.

Sa Isang daang palapag na gusali na pagmamay ari ni Mr. Ethane Fuentaverdes. May mga bodyguards na naroon na tila bantay sarado ang sinumang papasok sa entrance door. Huminto naman sa unahan ng mga ito ang mga kotseng tila lulan sa isa sa mga iyon ang kanilang señorita.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon