Chapter 38 (Pamamasyal)

151 5 0
                                    

Kinabukasan ay namasyal ang bagong kasal sa hacienda. Naghanda ng simpleng date venue si Yjune sa wife niya. Mapupuna ang lahat na abala sa kanilang pamamasyal. Ang mga Vergara na magkakapated ay nagja-jogging sa harapan ng mansiyon. Samantala ang mga Fuentaverdes ay naghahanda sa pamamasyal nila. Kinansela muna nila ang mga gawain sa opisina at araw iyon para sa bonding nilang magkakapamilya.

Mapapansin ng lahat ang paglalakad ng bagong kasal sa pathway ng mansiyon. Patungo na ito sa hacienda.

" Tingnan mo nga naman at kasal na si Athena. So, si Thea ba ang susunod? " lokong usisa ni Athane na tila aasarin na naman ang kuya niya.

" Subukan lang niyang magpaligaw. Lulumpuin ko talaga ang lalaking magbabalak na ligawan si Thea. " banta ni Ethane habang nililinisan ang tako niya sa larong bilyar.

Magtatawan na lamang ang mga ito. " Papa, magto-tomboy na lang po ako. " sabat ni Thea na suot ang puting bestida.

Lalakas pa ang tawanan ng mga ito sabay batuhan ng mani na nasa harapan nila. " Damned! Wala ako sa mood makipag batuhan ng mani. Hampas ko sa inyo itong hawak kong tako, eh. " inis na wika ni Ethane na natamaan ng mani sa pagbato ni Diego.

Sasali naman sa usapan ang mama at papa nila. Bihis na bihis ang mga ito at mukhang mamamasyal.
" H'wag niyo nang asarin ang kuya niyo. " wika ng señora Maria sa mga anak niya.

" Ma, pikun si Kuya kasi nga wala na siyang Athena. " sabat ni Athane.

" Oo nga, Mama. Kawawa naman si Kuya Ethane. " inis pa ni Diego.

Magkakasalungat na lamang ang mga kilay ni Ethane sa sandaling iyon.

" Tumahimik nga kayo! " sumbat niya sa mga kapated at pinaikot sa mga daliri niya ang tako.

" Nanghahamon ka ata ng bilyar. " puna ni Señore Nathane II sa anak niyang panganay.

" Pa, hindi naman sa ganun. May gusto lang akong turuan ng leksiyon. Wala na naman si Althea rito. For sure, may hinuhuli na naman 'yon. " baling niya ng usapan at biglang umalis sa sala.

Napaisip ang lahat sa winika ni Ethane na tila iniisip na naman niya ang asawa nitong biglang nawawala sa tabi niya.

Sa Date naman ng bagong kasal. Patungo sila sa inihandang munting date venue ni Yjune para kay Athena. Ang kanilang mga ngiti sa labi ay simula ng bagong pag asa.

Yjune Pov's
We are going to the tent na ihinanda ko para sa kaniya. Espesyal ang araw na ito kaya naman ay marami akong dalang food para sa kaniya. Sana naman magustuhan niya ang surprise ko para sa kaniya. Kahit na simple pero mula naman sa pagod at pawi ko.

" Yjune, tulungan na kasi kita sa dala mo. Ang bigat kaya niyan. " sabi niya sa akin. Ayoko kasi siyang patulungin sa dala ko. Ang bigat kaya nito.

Sa halip ay inakbayan ko siya. " Kaya ko na ito, Athena. Mag asawa na tayo at simula ngayon ay hindi ka pwedeng magbigat ng mabubuhat. Señorita ka nila at iyon din ang ituturing ko sa iyo. " wika ko sa kaniya.

Nginitian niya ako bigla sabay halik sa pisngi ko. " Masyado mo akong bini-baby. Baka masanay ako, Yjune. " tugon naman niya.

" Baby naman kasi kita. I promise I won't hurt you. Thank you sa pagtanggap sa akin, Athena ko. " ganti kong halik sa pisngi niya.

Namula na lang ang pisngi ko ng hawakan niya ang kamay ko. " Nakikita kong magiging dabest kang ama sa mga anak natin. " malumanay niyang sabi na may kamasamang matamis na ngiti.

I can't imagine na hawak niya na pala ang kamay ko. I love her very much. Money is useless and Love is worth it. Para akong paulit ulit na nanalo sa lotto sa tuwing kasama ko siya. Ang babaeng hinahangaan ng lahat ay pagmamay ari ko na. Ano pa nga ba ang mahihiling ko?

Ilang sandali pa ng paglalakad namin ay narating ko na ang inihanda kong venue para sa mahal kong si Athena. " Wow, ang cool naman. May tent tapos may padate ka pang nalalaman. Ang ganda ng set up nito. Nakaharap pa siya sa Rose Garden. Thank you so much, Yjune. " hug niya sa akin ng mahigpit.

Ibinaba ko na lang ang dala ko sabay buhat sa kaniya. Dadalhin ko siya sa loob ng tent. May gagawin daw kami. Wahhhh. Hindi naman sa marumi ang isip. Basta. H'wag masyadong advance.

Napa react naman siya ng dinala ko siya sa loob ng tent. " Ang gara ng desenyo niya. May tedy bear saka unan. " puna niya sa loob nito.

Well, nilagyan ko ng kutson, tedy bear, unan, may flowers na nakatago sa gilid ng unan, may chocolates, my gitara at pagkain. Pero hindi mawawala ang tubig. Balak ko kasing dito na kami magdamag kaso mukhang malayo sa mansiyon. Pero nagpaalam ako kay Papa Ethane at magpapadala daw siya ng Psg dito.

Ayan si Athena at manghang mangha pa rin sa desenyo ko. Ako naman ay inayos ang mga dala ko. Hindi pwedeng hindi siya uminom ng tubig. Baka mamula na naman ng sobra ang pisngi niya. Nasa responsibilidad ko na siya at maingat talaga ang mga kinukuha kong pagkain para sa kaniya. Dapat masustansiya at gusto kong maging healthy siya lagi.

Natuwa na lamang ako ng makita ang asawa kong enjoy na enjoy sa paghiga niya loob ng tent. Para siyang bata na nakikipag titigan sa tedy bear na kulay pink. Nagagandahan naman siya dito. Pero mas maganda talaga siya kaysa sa roon.

" Yjune, akin na ba itong tedy bear? Ang cute niya talaga. " panggigil niya dito.

" Oo naman. May chocolates diyan at kumain ka lang. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko. " sabi ko sa kaniya.

Ayan siya at hinahanap niya ata ang chocolates. Bahala ka siya at may bomba riyan, Athena. Hala. Hindi niya ata mahanap ang chocolates. " Wala naman, eh. " kamot niya.

Hahaha. Para siyang ewan sa paghahanap. Nakatago lang naman iyon sa unan. Teka nga at malapitan siya sa tent. Mukhang takam na takam siya sa chocolates na tinago ko.

I know na mahirap mahanap pag ako ang tumago. May pagkaloko loko ako minsan. Minsa din naman ulyanin. Nakakalimutan ang mga bagay bagay na tinatago ko.

" Heto, oh. " abot ko kay Athena.

She's beautiful na parang scenery na hindi mahalaga ang labas niyang anyo sa akin. I like her the way she act. Hinawakan ko ang palad niya at hinalikan.

Tumitig siya sa akin at ngumiti bigla. " Yjune, Thank you! " sabay halik sa pisngi ko.

" Why sa pisngi? Pwede namang dito! " turo ko sa labi ko.

" Kunan mo muna ako ng manga. " kondisyon niya.

" Sige ba. " sang ayon ko.

Saan nga ba ang may mga manga ngayon? May bunga pa kaya sa Manggahan nila? Challenging ata ito. Nanginginig pa naman ako kapag umakyat ng puno.

" Dito ka lang sa loob ng tent. Punta lang ako doon sa Manggahan. Lagot ka sa akin kapag lumabas ka. " bilin ko sa kaniya.

Ayaw ko pa namang laging pula pisngi niya. Kahit na umaga ngayon ay hindi ko pa rin siya papayagan na umalis sa tent.

Naglalakad na ako ng makasalubong ko sina ate Grace. " Hi Yjune, " bati niya sa akin.

" Si Ate Athena? " hanap naman ni Scarlett kasama si Nathane.

" Nasa tent at kukuha lang ako ng manga. " tugon ko.

" Samahan na kita. Scarlett, samahan mo si Bal sa tent. " sabi ni Nathane.

" Ikaw din Grace at kukuhaan din kita ng manga. " sabi naman ni Nathaniel sa kambal niya.

" Ingat kayo ha. Sa tent lang kaming tatlo. " pahabol na wika ni ate Grace.

Ayon na sila. Habang kaming tatlo ay dumiretso sa Manggahan. Mabuti nga at mababait ang pamilyang nakapalibot sa akin. Hindi basta basta nang iiwan sa gitna ng pangangailangan.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant