Chapter 23 Sir Nathane

190 9 4
                                    

Nagpaalam naman ako sa kanila at pupuntahan ko si sir. Yakap - yakap ko iyong kahon habang papaakyat sa hagdan. Saan kaya si sir Nathane at nang makapagpasalamat ako sa kaniya.

Ang laki kasi ng mansiyon na ito at maraming kwarto. May susunod pang mga palapag. Walang tao sa taas at tanging mga guest lang ang nanunuluyan doon. Sabi kasi ni ate Athena na palagi iyong ginagamit kapag may okasyon. Nakapunta na ako roon at nakakapagod pero napakaganda ng view kapag nasa teres ka.

Marami kang makikita na magandang scenery at isa na doon ang rose garden at ang malawak na hacienda. May mga kabayo pa sila at nakapunta na ako doon. Niyaya na ako ni ate pero takot akong sumakay baka kasiahulog ako mahirap na. " Sir Nathane, " tawag ko habang naglalakad sa hallway.

Maglalakad pa ako ng at paglagpas ng apat na kwarto sa gawing kanan ay kwarto na ni sir Nathane. Bukas pala ito at alam kong andiyan siya sa loob. Nasa baba kasi lahat ng tao at abala sa paghahanda sa kasal namin bukas. Kinabahan nga ako at nahihiya. Naiisip ko tuloy na hindi ako bagay sa kaniya.

Pagtapat ko sa pintuang bukas ay agad akong kumatok, " Tuloyn! " agad din niyang tugon sa katok ko. Be ready self at h'wag kang mahiya sa pagharap sa kaniya ngayon.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin si sir Nathane na nasa harap ng salamin at sinusukat ang isang suit. Ayan, napalingon siya ng bahagya habang inaayos ang kurbata niya. " How do I look? My future wife? " sabi niya sa akin ng ganun at hinawi ng bahagya ang buhok niya.

Napatitig nalang ako sa porma niya. Kahit anong anggulo tingnan napaka pormal niya at napaka desente. Ang pogi niya din at mapagmahal. " Ang ayaw na ayaw ko talaga ang tinititigan ako. " at napatalikod na siya ng bahagya. " Maupo ka muna! " dagdag pa niya.

Uupo muna ako at yakap - yakap ko pa rin ang inabot niyang box kanina. Hindi ko pa nabubuksan kung anong laman nito. " Nabuksan mo na ba ang box na iyan? " usisa niya habang hinubad ang suit niya.
" Hindi pa ho sir! " tugon ko ng bahagya.
" Buksan mo na at isukat mo. " utos niya sa akin.
" Sir, anong laman nito? " sabay alog ko. Parang baliw lang ako eh.
" Tskk. Alugin mo ba at nang masira iyang laman. " inis niyang sabi sa akin.
" Sorry sir at confuse lang ako sa laman nito. " bubuksan ko na nga lang at galit na naman siya. Mahilig kasi akong alugin muna ang regalo bago buksan.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita ang laman ng kahon. Wow, isang makinang na sapatos na kulay puti at flat siya. Hinaplos ko ito. Grabi, ang lambot nito na parang tela. Hala, galing pa ng Amerika ang shoes na ito. " Sukat mo na at kung di magkasya ay palitan natin agad. Iyan din ang susuotin mo bukas para hindi ka matipalo. Iwas sugat iyan sa paa at may kasamang foot sock iyan. " sabi pa niya.

Ang ganda - ganda nito at napaka lambot. Siguro mahal ito. Dahan - dahan kong itong sinukat sa paa ko. Tumayo ako, " Ang ganda niya sa paa at napaka komportable. Magkano ba ito, sir? " usisa ko sa kaniya at alam kong nakatingin siya sa akin.

Napalapit siya ng bahagya, " Bagay pala sayo. H'wag mo nang alamin kung magkano iyan. Ang mahalaga ay komportable ka sa pagsuot niyan. " tugon niya sa akin at binuksan ang kabinet niya.

Napanganga nalang ako sa mga nakita. " Binili ko itong lahat para sayo. Pinili ko ang mga simple at ayaw mo naman ng magara pero eleganti. Ano? Kulang pa ba ito? " paliwanag niya sa akin na ikina lukso ng puso ko.

Sa boung buhay ko. Hindi ko naranasan ang ganung paghahanda para sa akin. I never expected this things! " Sir, ang dami - dami niyo nang inihanda para sa akin. Paano ba ako makakapagpasalamat sa inyo? " usisa ko sa kaniya habang nakikipagtitigan sa kaniya.

Napangiti naman siya at parang ewan. " Just finished your study first at tuparin mo lahat ng mga pangarap. Iyon lang ang hinihingi ko. Saka na iyong love kung gusto mong gantihan ang pag ibig ko para sayo. Halika at may ipapakita ako sayo. " yaya niya sa akin sa harap ng salamin.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now