Chapter 32 Asaran

116 7 0
                                    

Sa kabilang banda naman.
Sa tabi ng sapa ay naroon ang dalawang bagong kasal. Namimingwit pa rin si Nathane at may huli na itong tilapia sa balde.
" Sir, tama na ho 'yan. Mainit na ho. " pigil ni Scarlett sa asawa niya.
" Sandali na lang at nakakarami na ako. Masarap 'tong gataan mamaya. " tugon niya rito.
" Sir, para na kayong kamatis diyan. " paalala ulit nito.
" Sus, pogi naman. " ngisi nitong tugon.

Scarlett Pov's
Paano kaya mapapasunod itong si sir Nathane. Namumula na kaya siya ngayon. Teka. May dala ba siyang payong kanina? Parang mayroon nga.
" Scarlett, diyan ka lang sa lilim at baka umitim ka. Pangit ka pa naman. " asar na naman niya sa akin.
" Ayos lang sir at matagal na akong maitim. " sabat ko naman.
" Tsk. Ako lang may karapatang tawagin kang pangit. Diyan ka lang kasi sa lilim at kumain ka lang diyan. " sabi pa niya.
" Sir, hindi kayo makakahuli kapag maingay kayo. " sabi ko naman.
" I know right. " taray niyang sabi. Hala. Daig pa ako.

Hahaha. Loko ka Scarlett at hanapin mo na ang payong baka maging kamatis ng tuluyan ang asawa mo. Kinakalkal ko na nga ang bag niya. Lagot talaga ako nito kay sir Nathane. Gulong - gulo na ang bag niya.

Heto palapit na ako kay sir Nathane habang binubuklat ang payong.
" Sir, namumula na ho kayo. " payong ko sa kaniya.
" Tskk. Pasaway ka. " Hila niya sa akin.
" Ay! " gulat ko. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung inupo ka sa kandungan niya.
" Diyan ka lang. " kulong niya pa sa akin sa mga bisig niya.
" Sir, paano 'yong pamimingwit niyo? " usisa ko naman. Ako ata nabingwit niya. Hindi 'yong isda.
" Gusto kitang bingwitin eh. " ngisi niya pa.

Hala. Parang nakahithit siya. Nakangisi habang nasa kandungan niya ako. Feel na feel niya ata ang kabigatan ko. " Sir, ibaba niyo na ako. " sabi ko sa kaniya.
" Ayoko, behave ka diyan. " mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkayapos ng mga braso niya sa baywang ko.
" Sir, hindi na ako makahinga. " palusot ko sa kaniya. Naaamoy ko na kasi ang pabango niya.
" Tskk. Ayusin mo naman ang palusot mo para maniwala ako. " sabi ko na nga ba at hindi siya naniwala sa palusot ko.
" Hindi nga kasi ako sanay na lagi kang nakayapos sa baywang ko. " sabi ko ng ganun.
" Masanay kana Scarlett at asawa na kita ngayon. Mas gusto ko lagi ng may kayakap. Ikaw kasi ang nasa tabi ko kaya masanay kana ha. " sabi niya at may ini-abot sa akin.
" Kwi-kwintas? " sambit ko ng makita ang makinang na kwintas na may pendat ng name ko.
" Halika at isusuot ko sa 'yo. Ingatan mo 'to at napaka-special ng kwintas na 'to. " paalala niya agad.
" Ang ganda naman. Siguro napaka-mahal nito. " tingin ko sa kwintas habang nasa leeg ko.
" Mahal nga pero mas mahal kita. " sabay tayo niya at hinawakan ang kamay ko. Saan kaya ako dadalhin nito?
" Saan ba kasi tayo pupunta? " usisa ko habang naglalakad kami.
" Doon sa lilim. " tugon niya.

Sa lilim daw. Doon sa may nilatagan ng tela kanina. Natanaw na lang namin sina Athena paparating at ganun din sina Grace. Nagtitilian sila nang makita kami ni Nathane. Panay kasi ang lambing sa akin.
" Ikaw kuya ha. " tukso ni Athena sa kaniya.
" Tskk. H'wag niyo nga akong tuksuan. " yapos pa niya sa akin.
" Ehem. Ikaw tol ha. " tapik ni Doc Yjune sa kaniya.
" Teka. Anong ginawa niyo dito? " usisa naman ni Nathaniel sa amin.
" Namingwit. " pabatong tugon niya. Hala. Galit na naman ba 'to?
" Sus, baka si Scarlett ang biningwit mo. " kantiyawan nila.
" Pagbabato ko kaya sa inyo ang mga huli kong tilapia. " hala, napikun na siya.

Magtatawanan na lamang kami habang siya ay pikun na naman. Ang taray na na naman niya. Naglingunan na lang kami ng marinig ang pagtawag sa amin.
" Mga anak, bumalik na kayo sa venue. Sasali ba kayo sa palaro? " usisa pa ni mama Althea.
" andiyan na, ma. " tugon naman ni Nathane habang inaayos ang dala niya.
" Tulungan na kita, sir. " kuha ko ng bag niya.
" Teka, mabigat 'yan. Heto ang dalhin mo. " kuha niya sa akin ng bag at pinalitan ng payong.
" Ay. " sambit ko.
" Tsk. H'wag ka nang magreklamo baka ikaw pa kargahin ko. " hala, ano daw? Ako kakargahin niya?

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now