Chapter 17 Athena's therapy!

194 7 0
                                    

Kinabukasan.
Maagang nagising ang lahat dahil sa baik trabaho na ang mga ito. Maging ang mga dalaga at binata ay abala pala sa kanilang pag aaral.
Samantalang si Athena ay tutungo sa hospital para sa therapy niya. Sasamahan naman siya ng kuya niya at ni Scarlett. Habang naghihintay naman sa hospital ang binatang si Doc. Leo para paghandaan ang therapy ng pinakamamahal niyang nobya.

Sa bahay ni Doc. Vergara.
Nasa sala ang ginang na si Jane at naghahanda ng babaunin ng apo niyang si Aeriel. Mapapansin ang pagiging maalaga niya sa ampon ng anak niya. Nahulog din kasi ang loob niya sa nagdadalagang si Aeriel kaya't parang apo na niyang tunay ito.

Maririnig ang pagbaba ni Aeriel suot ang uniform nito.
" Lola, saan po si papa Yjune? " usisa nito sa lola niyang laging pinaghahandaan ang pagpasok niya sa skwela.
" Apo, maaga siyang pumasok sa trabaho kasi ngayon ang therapy ng mama Athena mo. Kaya ako muna ang maghahated sayo. Ayos lang ba sayo? " pa alam niya sa anak.
" Lola, ipagpray ko muna si mama Athena sa therapy niya. Sandali po! " dali - dali niyang dako sa mga santong nasa kabilang banda.

Kaagad siyang mananalangin doon at mananambitan sa harap ng mga santong poon.
" Lord, sana po maging good results ang therapy ni mama Athena. Sana po hindi siya malumpo. Ayoko na pong mawalan ng pamilya. Patawarin niyo po sana ako sa mga nagawa kong kasalan. Sana po ay gabayan niyo ako sa pagpasok sa school. Thank you po, Lord. Amen! " pagtatapos ng panalangin niya at agad na bumalik sa sala.

Kaagad niyang pauupuin ang apo sa sofa at itatali ang buhok nito.
" La, may exam kami ngayon. Hindi ko ho nasabi kay papa kasi nakalimutan ko. " pagtatapat niya sa lola nito.
" Eh di tawagan natin ang papa mo. Heto, baon mong pera at ginawan ka ng sandwich ng papa mo bago siya umalis. " lagay ng baon sa bag ng apo niya.
" La, wala naman ho akong pangggagamitan ng pera. Si papa naman kasi ang nagbabayad ng mga bayarin ko. Wala naman ho akong bibilhin kasi kompleto naman ako sa gamit. Si papa po kasi ay ini spoiled ako lagi. " paliwanag niya sa lola Jane niya.
" Ano ka ba. Para ito sayo at itago mo para sa kung may panggagamitan ka ay mayroong kang magagamit. Alam mo naman na busy pa ang papa mo. Ginagawa niya lahat para sa future mo. Halika na." yaya niya sa apo nito.

Aeriel Pov's
Si papa talaga ang dami ko nang pera sa wallet ko. Ano kaya panggagamitan ko nito? Basta itatago ko daw sabi ni lola Jane. Siya kasi ang maghahated sa akin at busy pa si papa Yjune.
" Manong, hated mo na kami sa school. " sabi ni lola sa driver.
" Pasok na kayo, ma'am Aeriel. " bukas ng pintuan ni Manong Angelo.
" Salamat po! " tugon ko.
" Dito ka sa tabi ko, apo. " sabi ni lola sa akin. Gusto niya talaga na magkatabi kaming dalawa sa upuan.
" La, alam mo ang swerte ko po sa inyo. Thank you po, la. " pasalamat ko kay lola.
" You're welcome, apo. Mag aral kang mabuti ha. Make your papa at wag mo siyang bibigyan ng sakit ng ulo. " payo ni lola sa akin.
" Opo lola, " hug ko sa kaniya.
" Ingat ka lagi ha. " halik niya sa noo ko.
" Kayo din lola. Thank you po ulit! " pasalamat kong muli at niyakap ang braso niya.

Mom and dad, don't worry about me saka nasa magandang kamay ako. Natagpuan ko na ang pangalawa kong pamilya at mahal na mahal nila ako. Sana maging proud kayo sa akin. I love you mom and dad.

Sa Hospital naman ng San El Vador.
Naroon na sina Athena, Scarlett at Nathane. Naghihintay ng oras na tawagin ng doktor na magte - therapy sa dalagang si Athena. Mapapansin namang kabado ang tatlo at iisa lang ang pananambitan. Na sana si Athena ay h'wag sanang malumpo dahil hindi nila makakaya ang ganoong sitwasyon.

Maririnig na lamang ang pagtawag sa pangalan ni Athena.
" Bal, good luck sa therapy mo. " yapos sa kambal niya bago pumasok sa therapy room.
" Ate Athena, sana gumaling kana. " wika naman ni Scarlett. Ngingiti na lamang si Athena sa sandaling iyon.
" Don't worry kuya at Scarlett. Hintayin niyo ako nalang ako dito. Thank you so much sa inyong dalawa. " yapos niya sa dalawa at nagpaalam ng pumasok sa therapy room.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now