Chapter 10 Love is patiently waiting!

218 12 0
                                    

Ayan na pala siya, " boss, good morning! " bati niya sa akin. Ano kaya ang dala nito?
" Oh, kamusta ang schedule? " usisa ko sa kaniya.
" Boss, gaya ng sabi niyo na ipa cancel ang schedule this morning. Kaya I move it on other day. Sabi niyo na may pupuntahan kayo bukas for therapy. " paliwanag niya sa akin.
" So, anong oras ang appointment ko mamayang hapon? " usisa ko sa kaniya.
" Boss, quarter 1: 00 PM with Mr. Del Mundo. Then, next hour ay pupunta kayo sa Sa bayan ng San de los Santos para makipag kita kay Sir Leandro IV for proposal. Next, may meeting kayo at 4:00PM sa Dean ng university of San El Vador. At may dinner kayo with Mr. Sandy Ching. " pa alam niya sa akin.

So, loaded na naman ako mamayang hapon. " Ok, just send me a message para sa Schedule ko. Here is your salary. May dagdag iyang 30% for being the best secretary. " abot ko sa kaniya ng envelop.

" Boss, ang laki naman ng sahod ko baka masanay ako nito. " sabi niya. Ito talagang classmate ko napaka reklamador. Siya kasi ang kinuha kong secretary noong isang taon kasi nga tamad iyong dati kong secretary kaya siya ang pinalit ko.

" Deserve mo iyan. Sige na at send mo sa akin iyong schedule ko para may titingnan ko. Good work! " tapik ko sa balikat niya at iniwan ko na siya.

Dadaan lang ako sa may garden. May didiligan lang akong halaman. Syempre, Scarlett ang name niya kasi kasing ganda at linis niya si Scarlett. Hindi naman kasi nakikita sa anyo ng isang tao ang tunay na kagandahan kundi sa panloob.

Pagpasok ko sa garden ay naabutan ko doon si Manang Aida.
" Good morning, señorito. " bati niya sa akin habang nagdidilig siya ng mga halaman ni mama. Mahilig si mama magtanim eh.
" Good morning, manang. Mukhang ang dami na naman ng pipitasing rosas. " puna ko. Well, malawak ang garden at puro rosas ang karamihan. Pulang rosas na gaya ni mama na mahahalintulad ang tinik at ganda sa pulang rosas. Dito rin nga kumukuha ng mga rosas ang ibang bayan para sa mga okasyon.
" Oo nga señorito Nathane at mukhang maraming darating na mag o - order. Ang mama niyo kasi ay ang hilig dito. " tugon ni manang. Kinuha ko na iyong pandilig at diniligan ang alagang kong flower.
" Tingnan niyo manang at ang ganda ng alaga ko. Katulad ng mapapangasawa ko. Scarlett din ang name niya. Kinakausap ko nga na sana wag siyang mamatay. " sabi ng ganun kay manang.
" Ang taba - taba kaya ng bulaklak na iyan at malapit ng mamukadkad. " puna ni manang.
" Parang isasabay sa kasal namin ni Scarlett. " tugon ko naman ay manang.

Pagkatapos kong dumilig ay nagpaalam na ako kay manang at pupuntahan ko na sina bal. Baka kanina pa ako hinihintay ng mga iyon. Malapit na kasing bumungad ang araw kaya masarap maglakad.

Nakasalubong ko si papa na patungo na sa kotse niya kasama si Thea. Siya daw muna ang hahated sa kapated naming makulit. " Hi kuya, papasok na ako saka maraming thank you sa sandwich. " pasalamat niya na may dalang kiss sa pisngi ko.

Tumapik naman si papa sa balikat ko.
" Nathane, ikaw muna ang bahala doon sa dalawang dalaga. Keep an eye sa kanilang dalawa baka umakyat ng puno. Sigurado akong sasama iyon sa kalokohan ni Athena. " bilin ni papa.
" Sige ho papa at ingat kayo. " tugon ko.
" Hi kuya Nathane, thank you po sa sandwich at papasok na po ako. " kalabit ni Reina sa akin. Ang cute ng isang ito at bagay sa kaniya ang pony tail.
" Ingat ka! " tugon ko naman.
" Pasok kana baby. " bukas naman ng pintuan ng kotse ni tito Athane sa anak niya.
" Bye kuya! " sabi niya saka pumasok.
" Thank you, Nathane. " sabay kaway ni tito sa akin
" Sige ho, " tugon ko naman.

Papasok na ako sa mansiyon ng makasalubong sina Ryllex at Kyllex. Wala kasi silang klase ngayon kaya panigurado akong magbi - billiard ang mga ito ay may dala silang tako.
" Hi kuya Nathane, bilyar tayo saka wala naman kaming assignments at natapos na namin kagabi. " yaya ni Ryllex sa akin. Hindi talaga nagkakalayo ang mga mukha namin kasi magkamukha ang mga papa namin.
" Sige lang at sasamahan ko kasi sina Athena. Oh Kyllex, baka iba na naman ang panggamitan mo ng tako." paalala ko sa isa kambal niya. Paano kasi imbis na gamitin ang tako sa pagtira ng pitias. Eh sa pagsungkit ng manga niya ginamit.
" Kuya, hindi na ako mamunungkit ng manga baka pagalitan na naman kami ni mama. " tugon niya.
" Sige, maglaro lang kayo doon at kalilinis lang iyon. " tugon ko sa kanila.
" Sige kuya, " lakad na nilang dalawa.

Bago pa ako nakapasok sa mansiyon ay may nagsidatingan na Van. Sigurado akonh sina señora Mia iyan. Magka - camping daw sila mamayang gabi at mag iihaw - ihaw. Saktong - sakto at nakabili ako kahapon ng karne. " Hi ma, saan na sina bal? " usisa ko ng maabutan si mama sa sofa. Mukhang mamimitas si mama ng mga tanim niyang rosas.

Pinaupo ako ni mama ng bahagya. " Anak, hindi ka pa nagbre - breakfast kaya kumain ka muna. " wika niya. " Ma, busog pa ako saka hindi pa ako nagugutom. " nagkape kasi ako at nagtinapay bago nagluto ng breakfast nila kaya hindi pa ako gutom.

Ito kasing si mama ay masyado akong binibaby. Siguro ay ako lang ang nag iisang lalaking anak nila.
" Ma, ayos lang talaga ako kaya wag na kayong mag worry sa akin. Si bal dapat ang inaalala niyo kasi may sakit iyon. " paalala ko kay mama.
" Uminom na siya ng gamot pero ikaw ay hindi ka pa nag aagahan. Hindi talaga kita titigilan hangga't hindi ka nakapag umagahan. Umalis na nga ako sa trabaho ko sa company ng papa mo para subaybayan kayo. Kaya sige na wag ng matigas ang ulo. Pumunta kana sa hapag. " paliwanag ni mama sa akin.
" Ma, seryoso kayo? Umalis talaga kayo? " usisa ko na hindi rin makapaniwala. 
" Oo, kaya ikaw wag kang magpapaliban ng pagkain. Sige na, " tugon pa ni mama.

Hala, si mama talaga napaka ano. Paliko na ako at papasok na sa hapag. Nabigla na lamang ako ng nanlaki ang mga mata ko. " Teka, sinong naghanda nito? " pagkagulat konv usisa sa breakfast na bumungad sa akin. " Señorito, ang future wife niyo ang naghanda ng breakfast niyo. " tugon ni manang sa Ane sa akin.

Hm, omelet egg with rice. May nilagang talbos ng kamote, okra at talong. Woah, may sawsawan na maanghang. Teka, paborito ko ito ah? Paano niya naman nalaman? Ang sarap - sarap kaya nito at masustansiya. Mukhang mapapa breakfast talaga ako ngayon.

Tulad ng nakagawian ko. Kapag ganito ang breakfast ay maghuhugas muna ako ng kamay at magkakamay sa pagkain. Ang sarap kaya nito at hindi ko talaga ini - expect na alam niya ang paborito ko.

Isang kurot ng okra at isasawsaw sa maanghang na sawsawan at calamansi. Wow, ang sarap at nakakatakam. Mukhang mapaparami ang kain ko nito. Well, kahit na bilyonaryo ang pamilya namin pero hindi mawawala ang menu na ito. Simple lang pero masustansiya. Thank you talaga at ang espesyal ng breakfast ko.

Sa kabilang banda naman.
Nakasilip ang dalawang dalaga na tila sila ang may pakanan ng lahat.
" Scarlett, look si kuya oh at alam mo na paborito talaga niya ang hinanda mo. " tuwang tugon ni Athena.
" Oo nga eh. Alam mo ate paborito ko din iyon at iyon lagi ang umagahan ko. May tanim kasi kaming mga gulay kaya nilaga lang at sawsawan ay sapat na. " tugon naman ni Scarlett.
" Mga anak, " tawag ni Althea sa dalawang nakasilip.
" Po, mama! " sabay nilang tugon at magtatawanan.
" Aba, ang cute ng tugon niyo. " ngiti ni Althea.

Pauupuin niya sa tabi ang dalawang dalaga at aakbayan.
" Masaya ako na lagi kayong magkasama. Oo nga pala at papalitan na iyang bondage ng sugat mo. Athena, samahan mo muna siya at kanina pa naghihintay si Doc. Leo doon. " pa alam nito.
" Sige po mama! Tara Scarlett! " hawak niya ng kamay ng dalaga na magiging sister - in - law na niya.

Sa Room kung saan naroon na ang singkit na doktor at kanina pa naghihintay.
" Good morning, Doc. Leo! " bati nilang sabay.
" Humiga kana Scarlett at itaas mo iyong dress mo. " sabay abot ng kumot para tabunan ang katawan ng dalaga.
" Tulungan na kita Scarlett at baka magalaw iyang sugat mo. " alalay ni Athena.
" Maraming salamat, ate. " ani Scarlett.

Doc Leo Pov's
Nakakainis talaga eh. Kanina pa ako dito at naiinis ako kay Athena. Hindi man lang ako pinapansin. Hindi ba ako na mis nito? " Ayos na ba? " usisa ko sa kanilang dalawa.
" Ayos na doc! " tugon ni Athena sa akin.
" Tingnan ko nga ang sugat mo kung pahilum na. " lapit ko sa sugat ni Scarlett at dahan - dahan kong tatanggaling ang bondage nito.
" Doc, bakit ngayon lang kayo? " usisa ni Athena sa akin. Tskk, ngayon lang siya nag usisa sa akin.
" Ahmm. Busy ako at wala akong time sa ibang bagay. " sabat ko sa kaniya habang tinatanggal ang bondage sa sugat ni Scarlett.
" Doc, sino ka date mo sa araw ng mga puso? " usisa na naman niya. Aba, ang babaeng ito ang daming alam na kalokohan.
" bakit mo natanong? " usisa ko naman. Humihilum na ang sugat ni Scarlett kaya papalitan ko na ang gamot niya.
" Wala lang baka may date ka. Hanapan mo na din ako. " loko niyang sabi na ikinatawa ko bigla. Ang babaeng ito hahanap pa ng iba. Andito naman ako.
" Scarlett, dalawang araw nalang ay hihilum na ang sugat mo. " sabi ko sa kaniya.
" Maraming salamat ho, doc. " tugon niya.

Matapos kong palitan ang bondage ng sugat niya ay agad akong tumalikod dahil ibababa na niya ang dress niya. " Sige mauuna na ako at may duty pa ako. " ayos ko ng mga gamit ko.

Hindi na lamang tumugon sa akin si Athena. Ay, hindi man lang ako namis ng babaeng ito. Sayang tuloy ang kapogian ko. Tskk, pero kung wala ako hinahanap pero kapag andito na. Deadma lang!

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now