Chapter 35 Kasal nina Yjune at Athena

142 10 1
                                    


Kinabukasan..
Naganap na ang kasalan nina Yjune at Athena. Napaka simple ngunit elegante. Sa harap ng mansiyon idinaraos ang selebrasyon ng kasal. Kapwa nagsasaya ang lahat. Ang mga medya naman ay nakapokus ang mga camera sa bagong kasal.

Mapapansin naman ang mga panauhin na tila noon lang nagpakitang muli. Binati nila ni sir Ethane na puno ng pagkagalak. " Kamusta, Vergara Brother! " pakikipag kamay nito.

Tuwa at galak ang narinig mula sa kanilang pagbati. " Ay grabi, na-mis ka namin sir Ethane. " tuwang wika ni Alex Vergara na biglang nagtawanan.

Aabutan sila ng mga munting kahon ni sir Ethane. " Heto, pinabibigay ni Athena. Para namang walang pinagsamahan. " tuwaan nila habang nakikipag usap rito.

Mapapansin ang mga pagbati ng mga ginang na Vergara kay Athena. " Hi Athena, ang ganda mo naman. Congrats nga pala sa inyo ni Yjune. " bati ni Rosemarie at nakipag yakapan sa kaibigan.

Matutuwa na lamang si Athena ng masilayan pa ang mga kaibigan nito. " Maraming salamat talaga sa pagpunta. Wow naman. Ang gaganda ng mga anak ninyo. Mamaya ay mag usap tayo ha. Na-mis ko kayong lahat. " pakikipagbatian niya kina Lea.

Sandali namang tatayo si Yjune at lalapitan niya ang mga kuya nito. " Mga kuya, kamusta na kayo. " sabay yakap sa mga ito. Matagal din silang hindi nagkita at nangungulila sila sa isa't - isa.

Yjune Pov's
Gusto kong ipagsigawan sa boung mundo na pinakasalan ako ng babaeng gusto ko. Ang babaeng pinapangarap ng lahat. Ang babaeng laman lagi ng pahayagan dahil sa angking kakayahan na kung tutu-usin ay simpleng babae lamang. Siya si Athena, ang aking babaeng bukod na minahal noong una pa.

Hindi ko alam na inimbitahan pala sina kuya ni sir Ethane. Heto at panay ang batian ko sa kanila. Kasama nila ang mga magaganda kong pamangkin. Puro babae at ang gaganda. Kambal ang anak nina kuya Alex at may opposite din. Si Rose ay parang si kuya Alex at si Xandra ay parang si ate Maria Rosemarie. Nakakatuwa silang pagmasdan ngayon.

Ang saya ko ngayon habang hinahanap ang aking Athena. Iniwan ko siya kanina doon sa upuan namin. Pero wala na siya doon. Nasaan kaya iyon?

Nagulat na lamang ako ng may kumalabit sa akin. " Damned! Nanggugulat ka, Athena. Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap? " bulong kong usisa sa kaniya. Gulatin pa naman ako ngayon.

Ngingitian lang niya ako at may ituturo sa akin. " Look, ang cute tingnan nina tita Cassandra at Mark. Alam mo nakikita ko ang future nila. Hindi niya sasaktan ang tita ko. He loves tita Cassandra at pupusta ako sa kaniya. " Sabi niya sa akin ng ganun.

Napahanga na naman ako ni Athena at ang ngiti niya na parang nasisiyahan siya sa kaniyang nakikita. Ang future kaya namin ay nakikita niya din?

Niyaya ko nalang siya na bumalik sa upuan namin. " Hindi mo ata ginalaw ang pagkain sa harap mo. " wika ko sa kaniya. Hindi pa ba siya nagugutom? Ni hindi nga siya uminum ng tubig na inabot ko sa kaniya kanina. Hindi ko nga pinabigay sa kaniya ang alak at pinalitan ko ito ng juice pero hindi niya rin ginalaw.

Maririnig na lamang namin ang pagtunog ng orchestral. Hudyat na iyon na isasayaw ko na ang aking wife para sa tradisyon ng kanilang pamilya. " Shall we dance? " tayo ko ng bahagya at inabot ang aking palad sa kaniya.

Kaagad naman niyang inabot ang palad niya sa akin. Inihated ko siya sa gitna habang nakatitig ang mga mata nila sa aming dalawa. Napangiti na lamang ako ng bahagya dahil sa pagkagulat niya ng hinawakan ko ang baywang niya.

For a man sides like me. This is my most happiest part of our life. Dancing with my wife wearing the gown that I brought for her. " You're so beautiful, Athena. I'm so happy because you choose me over and over. I'll promise you'll never regret. " wika ko sa kaniya.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now