Chapter 34 Ang nakaraan ni Cassandra

135 8 0
                                    

Bago ang kasal nina Athena at Yjune ay mga panauhin na dumating. Ang triplets na mga binatang de la vega na sina Red, Blue at Third. Kapwa sila walang nobya at nakikipag asaran pa rin sa mga pamangkin nilang kasal na pero sila ay wala pa ring balak na magkapamilya.

Sa pagpi-piknik ng mga Fuentaverdes ay dumating sila para kausapin si Cassandra. Makikipagbatian ang mga ito. " Hi sir Ethane, we missed this place. " panimula ni Red at inikot ang paningin.

Mauupo naman sina Third at Blue at mang aasar kay Athena. " Woah, ang ganda pala din ng crush natin. Kaso nga lang ikakasal na kay singkit. " lokong sabi ni Third na dahilan ng tuksuan.

Sasali naman sa usapan si Cassandra. " Gusto ko nang ikasal ma at pa. Gusto ko sa taong handa akong protektahan kahit hindi walang yamang ihaharap sa akin. " pabated niya na ikina tinginan ng mga kuya niya.

Mapapansin ang bulungan nina señore Nathane II at señora Maria sa hapag. Nakikipag usap naman sa mata sa mata ang mga kuya at ate ni Cassandra.

Sina Maria Yassey, Maria Celine at Yessa ay nagkatinginan sabay hudyat sa mga kamay nila. May kung anong may pinag uusapan na ilingan at kumpasan ang gamit nila sa pag uusap.

Magsisimula naman ng usapan si Athena. " Lola, kapag ba kinasal si ate Cassandra ay masisira na ang old tradisyon na kasunduan sa pamilya natin? " usisa niya na ikinahinto ng lahat.

Babalik sa pagka upo ang mga ginoong Fuentaverdes na mula sa pag uusap. " Oo nga naman mama at saka si Cassandra ang huling hanay ng babae sa aming henerasyon. " sang ayon ni Ethane.

Magkakatitinginan sina Jack at Jake na tila may kalokohan na namang gagawin. " Pa, ayos lang sa amin kahit hindi na magkajowa ang importante si Cassandra. " seryoso wika ni Jake sabay titig sa binatang si Mark Barrot na hindi maka imik sa usapang Fuentaverdes.

Magkakasalungat ang mga titig ni señore Nathane II at señore Yhuan. Ang magkambal na mula sa lahi ng mga amerikano. " Alam niyo kasi mga anak, mga apo at sa inyong lahat. Hindi basta bastang ibibigay ang kamay ng bunso naming si Cassandra. " wika ni señore Nathane II na mat gustong iparating.

Magkakatinginan sina Red sa bawat isa. Sabay - sabay silang magsusuot ng salamin at kapwa pareho ang hawi at suot na damit. " Sa akin sana ipagkasundo si Cassandra kaso nalaman kong may laman pala ang puso niya. At ayaw ko namang ikasal sa babaeng may ibang mahal. " paalala ni Third na ikinatawa ng lahat.

Sino nga bang hindi mata-tawa sa kalokohan ng tatlong Villaro. Maging ang kilos nila ay pareho at malilito kang talaga. " Grabi, kayong tatlo talaga parang pinag biyak na pakwan. Ang triplets na Villaro. Wala ba kayong balak na magjowa? " usisa ng señora Maria.

Sabay na kakamot ang tatlo at magtatawanan. " Alam niyo ho ba na may hindi pa sinasabi si Cassandra sa inyong lahat. Tungkol doon sa buhay studyante niya. " balita ni Third na ikinatutol ni Cassandra.

Sasabat agad ito. " Third naman. " saad nitong sabat na tila may tinatago sa lahat. Ayaw niya kasing pag usapan ang buhay niya studyante. Napa-simangot naman ito bigla na parang gusto na niyang umalis sa hapag sa hindi malaman na dahilan.

Mapupuna naman ng lahat ang pagpalit ng awra ng mukha ni Cassandra. " Ayos ka lang ba, Cassandra? May hindi ka ba sinasabi sa amin? " usisa ng kuya Ethane niya.

Mag aalala naman ang lahat mas lalo na ang papa nito. " Cassandra, tinatanong ka ng kuya mo. May dapat ba kaming malaman? " usisa ng papa niya.

Cassandra Pov's
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Hindi naman kasi nila alam ang mga nangyare sa akin. Masyado silang busy sa trabaho nila. Ni hindi ko nga ipina alam na may masamang nangyare sa akin no'n. Ayoko nang kalkalin pa ang nangyare sa akin. Nagka phobia na ako at ayoko nang maulit pa. Hindi nila ako maintindihan. At ayoko din namang sabihin.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें