Chapter 31 Date sa Piknikan

126 13 1
                                    

Sa kanilang pagpi-piknik ay mapupuna ang kakulitan at tuksuan. Hindi nauubusan ng kalokohan ang mga ginoo at panay ang trip nila.
" Sinong may labo plastik na dala? " usisa ni Ethane.
" Ako! " sabay halakhak ni Yhuan.
" Hala. H'wag niyong sabihin mangbabato kayo? " usisa ng señora Maria sa mga anak nito.
" Napaka advance mo talaga, lola. " kantiyawan ng mga ito.
" Ano na? Anong lalaruin natin? Dapat iyong may thrill. " tawa pa ni Yhuan.
" May naisip na ako. Mga anak, sumali kayo at masaya 'to. " wika ni señore Nathane sa mga anak niya.
" Pa, sasali kami. " sabat nina Diego.
" Kami din. " sabat nina Doc Kyle.
" Boys, laro lang 'yan baka may mapikun. " paalala ng mama nila.

Sa kabilang banda.
Sa gilid ng sapa ay naroon ang tatlong pares ng magkapareha. Namimingwit ang tatlong ginoo samantalang ang tatlong binibini ay nagkukuwentuhan.
" Kwento ka naman, Scarlett. Ano bang nangyare kagabi? " usisa nito sa dalagang ikinasal na.
" Wala kaya. Masungit nga siya at parang boss. Ang pormal niya kapag nasa harap ko. " ang tugon niya.
" We? Hindi ka ba niyakap ni kuya habang natutulog kayo? " usisa ni Athena na halatang namula bigla si Scarlett.
" Ayieeee. Niyakap ka nga? " tuksu ni Grace sa kaniya.
" Oo, kaso ang suplado. Nailang nga ako kapag siya katabi ko. Parang ang liit ng tingin ko sa sarili. " dagdag pa niya.
" Ano ka ba. Si kuya ay malambing at mapagmahal. Kapag hinalikan ka niya sa noo ay ibig sabihin na irerespeto ka niya kagaya sa mga kapated niya. Kapag naman inihiga ka niya sa bisig niya. Alam mo bang ibig sabihib non? " pa-usisa pa ni Athena sa kaniya.
" Hala ka! Scarlett. " pananakot pa ni Grace sa kaniya.
" Ano ba ang ibig sabihin no'n, ate? " usisa ni Scarlett.
" Congrats talaga Scarlett at uunahin ka ni kuya over his busy schedule. " paliwanag ni Athena.
" Oh? Ano 'yang pinag-uusapan niyong tatlo? " sulpot bigla ni Nathane sa tabi ng wife niya.
" Ayieeee..  " tilian ng dalawa.

Napakaba na lang ang dalagang si Scarlett ng hawakan ang kamay niya ni Nathane. Magsisidatingan naman ang dalawa pang binata at mag-uupuan sa tabi ng mga dalaga.
" Babe, wala kang dalang panyo? " usisa ni Nathaniel sa kambal niya.
" Ayieee. Kayong dalawa ha. " tukso nila rito.
" Sus, inggit lang kayong dalawa kasi mahal na mahal ko 'tong kapated ko. " sabay yapos niya pa dito.
" Tara pasyal tayo? " yaya ni Nathane sa kanila.
" Ehem, kawawa naman ang isa diyan. Hindi makahawak sa kamay ni bal. " padinig ni Nathane kay Yjune na nasa tabi lang ni Athena.
" Ayos lang naman. " tugon naman ni Yjune na nagtawanan ang mga ito.

Nathaniel Pov's
Date ito ng magkakaibigan pero nagka-ibigan. Sabi nga nila. Bakit ko daw laging kasama nag kambal ko? Well. Isa lagi ang tugon ko sa kanila. I love my twin at ayokong mahiwalay sa kaniya.
" Paano 'yan? Punta lang kami doon sa manggahan ni Grace. " paalam ko sa kina Nathane.
" Sige sa harden nalang kami. " tugon ni Athena.
" Eh kayo, Nathane? " usisa ko sa kanila ni Scarlett.
" Dito nalang kami ni Scarlett at marami kaming pag uusapan. " tugon ni Nathane.
" Sige mga tol. " paalam ko sa kanila.

Habang papunta kami sa manggahan ay panay ang kulit ko sa kambal kong ang sarap ibulsa. Manang mana kay mama at ang ganda. Hindi ko nga pinalampas mga manliligaw niya.
" Kuya, kunan mo ako ng mangga ha. " sabi niya habang nakahawak sa bisig ko.
" Sige. " bahagya kong kuha sa kamay niya at hinawakan.
" Thank you talaga kuya ha. Sa lahat ng pagmamahal at pag aalaga sa akin. " baling niya ng usapan.
" Walang anuman. Tandaan mo palagi na kahit anong mangyare ay andito lang ako sa tabi mo. " hinto ko at niyakap siya ng mahigpit.
" Kuya, mahal na mahal kita. Gusto ko sanang mag-ampon tayo. Para may tagapagmana sina mama at papa. " sabi niya sa akin.
" Sige. " tipid kong tugon sa kaniya.

Pagdating namin sa manggahan ay agad akong naghubad ng tsinelas.
" Mag ingat ka, kuya. " hawak niya ng phone ko.
" Teka. Dapat may suhol ako mamaya. " ngisi kong kondisyon sa kaniya.
" Sige ba. Pero dapat madami ang makukuha mo. " aba, humirit din siya.
" Bakit ilan ang gusto mo? Isang sako ba? " loko kong usisa sa kaniya.
" Loko ka talaga, kuya. Umakyat ka nalang kasi at kanina pa ako nangangasim. " kulit na niya sa akin.
" Heto na. " tingala ko sa taas ng puno.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Kde žijí příběhy. Začni objevovat