Chapter 3 Gaano ka katapang pagdating sa pagmamahal?

441 18 4
                                    


Napa ahon na lamang sa tubig ang binatang si Yjunne at nilalamig na ito. Ililigaw nalang nito ang mga titig sa kabilang dahil sa binatang dumaan na walang damit pantaas.
" Uwi na tayo! " yaya ng binatang singkit na halatang nilalamig na.
" Bal, sumama ka lang talaga dito para makita ang abs ni Yjune. " lokong wika niya sa kambal.
" Kuya, malamig naman kasi ang tubig. " katwiran ni Athena at tumayo sa inuupuan niya.
" Uwi na tayo, bal. " yaya nito sa kapated.
" Kuya, dadaan ako kina Mark Barrot. Matagal ko na siyang hindi nakakausap eh. " paalam nito.
" Teka, magpaalam ka muna kay papa. " tugon niya sa bal nito.

Athena Pov's
Kinuha ko muna ang phone ko at tatawagan ko si papa para magpaalam. May dala akong prutas dito.
" Hello pa, pupuntahan ko ho si Mr. Barrot. " paalam ko sa kabilang linya.
" Ok sige, ipapadala ko nalang ang sundo mo. Mag ingat ka ha! " tugon ni papa sa akin.
" Opo papa at thank you po! " tugon ko at ibinaba ko na ang tawag.

Dumiretso na ako sa paglakad para puntahan si Mr. Parrot este si Mr. Barrot pala. Ang tagal ko ding hindi ko siya nakita. Heto, paliko na ako sa daang patungo sa kabahayan.

Namangha na lamang ako dahil ang lalaki na ng mga bahay dito pero ganun pa din. Ang mga bata ay naglalaro pa rin sa ilalim ng mga punong manga. Grabi, namis ko pa rin ang dati rito.
" Magandang araw señorita Athena! " bati nila sa akin ng may paggalang.
" Hi rin sa inyo. " bati ko at nilapitan sila.
" Señorita, naligaw ata kayo? " usisa ng isang manong.
" Ano kasi hinahanap ko ang bahay ni Mr. Barrot. " sabi ko.
" Iyon ba señorita? " turo niya sa akin. Andoon pa din pala sa dati pero lumaki na.
" Maraming salamat ho! " pasalamat ko sa kaniya.

Dumako na ako sa bahay na tinuro sa akin. Hm, mukhang may tao ata.
" Tao po! Namamasko po! " loko kong sabi. Yay, tinutupak ako ng pagkaloka ko.
" Papa, may namamasko daw! " rinig kong sabi nong boses ng batang babae.
" Ashley, hindi pa pasko ngayon. Tingnan mo nga kung sino ang tao. " utos nong boses na tila si Mark iyon.

Paglabas nong bata ay agad na yumuko sa akin.
" Papa, si señorita Athena! " tawag niya sa papa niya. Narinig ko na lamang ang nagmamadaling yabag na padungaw sa akin.
" Hi Mr. Parrot, kamusta kana? Wow, wala ka nang suot na salamin. " bungad ko sa kaniya na bahagya niyang ikinangiti.
" Si señorita talaga sabi ng Barrot ang surname ko hindi Parrot. " pagtatama niya sa akin.
" Patuluyin mo naman ako sa bahay mo. At gusto kong makilala ang mapalad na batang ito. " baling ko ng ng aking mga titig sa munting bata na napaka cute. Mana sa papa niyang cute.
" Tuloy kayo, señorita! " tugon niya sa akin.

Wow, ang cool at gawa sa makintab na kahoy ang loob nito. Grabi, ang ganda at nakakamangha. Hala, may graduation picture siya oh. Ibig sabihin nakapagtapos siya ng kolehiyo.
" Teka, nag aral ka pala? Hindi ko talaga alam iyon! " sambit ko.
" Oo, naalala ko kasi iyong sabi mo dati sa akin. Nag aral ako ng engineer at nagpatayo ng bahay na gawa sa kahoy. Ako din ang nag design nito at inampon ko ang cute na batang ito. Her name was Ashly Athena kasi nakuha ko iyon sa pangalan mo, señorita. " kwento niya sa akin.
" Wow, nakaka proud ka naman. Ako nga nasa senior palang at alam mo na. Kakambal ko talaga ang kapahamakan. " kwento ko din sa kaniya.
" Alam mo tinulungan ako ng papa mo. He's said na magiging masaya ka kapag lahat ng mga tao na nasa paligid mo ay masaya. Akala ko nga hindi kana babalik. Pero mala anghel ka! " dagdag pa niya. Hala, di ko ata alam na ginawa iyon ni papa.
" I'm so proud of you, Mr. Barrot. Grabi, ang layo na ng narating mo. Teka, pakilala mo naman ako sa anak mo. " baling ko ng usapan.
" Anak, pakilala ka sa señorita. Maiwan ko muna kayo at maghahanda lang ako ng meryenda. " paalam niya.

Nakipagtitigan ako sa cute na si Ashly at magkapareho kaming name. Ay, ang sarap niyang ilagay sa bulsa at iuwi. " Señorita, kaibigan niyo ba si papa noon? " usisa niya sa akin.
" Oo naman. " tugon ko.
" Alam niyo po ba na crush kayo ng papa. " balita niya sa akin. Hala, crush daw? Athena, wag kang mamula at nakakahiya.
" Totoo ba? "
" Opo, hindi nga po siya nag asawa dahil sa inyo. " balita pa niya.
" Ikaw talaga! " kurot ko sa pisngi niya.
" Wag niyo po akong isumbong ha! " sabi niya sa akin.
" Oo ba! Heto oh, dinalhan kita ng apple. Nag aaral ka na ba? " tanong ko sa kaniya.
" Opo, hinahated sundo po ako ni papa sa school. " tugon niya sa akin.
" Eh di mabuti. Mag aral kang mabuti ha. " payo ko sa kaniya.
" Opo señorita. " tugon naman niya.
" Meryenda señorita! " alok niya sa akin.
" Hm, banana que! " amoy ko ng ganun.
" Kinulit ka ba ng anak ko? " usisa niya sa akin.
" Hindi naman. Ang cute nga niya eh. " sabi ko.
" Kain ka. Nabalitaan ko iyong nangyare ba't ka pinauwi dito. Well, ang maipapayo ko lang ay wag kang magpapagod. Mahirap ang magkasakit. " payo niya sa akin.
" Salamat sayo, Mark. " tugon ko.
" Oo nga pala, balita ko din si Doc. Yjune ang doktor mo! " dagdag pa niya. Ang dami niyang alam eh.
" Oo, nakakainis nga siya minsan. Teka, bakit nga pala hindi ka nag asawa? " baling ko ng usapan.
" Wala naman señorita. Kontento na ako dito sa makulit kong Ashly. " tugon niya sa akin.
" Wow naman. " ang tanging tugon ko sa kaniya.

Niyaya niya akong magmeryenda at pinagbigyan ko siya. Pagkatapos ay nagpaalam na ako. Andiyan na kasi ang mga bodyguards sa labas. Lumakad na ako pauwi ng kasabay sila.

Sa Isla naman ng Sibuyan.
Sa isang barangay kung saan naroon ang dalagang si Sacrlett. Nagbabasa siya sa isang parke ng librong mula sa binatang si Nathane.
" Uy girls, andito iyong pangit na gf daw ni Mr. Nathane. " tawanan nilang lahat sa dalaga.
" Oo nga, she's ugly and a poor lady! " pangungutya ng mga ito. Magtatawanan sila habang minamaliit ang dalaga. Tatayo si Scarlett at aalis roon.
" Teka, wag mu nang umalis! " sabay hila sa kaniya ng mga ito na ikina punit ng damit niya.
" Ay, poor nga at marupok din pati ang damit. " at halakhakan nila. Hindi na lamang iimik ang dalaga.
" Kung ako sayo wag kang masyadong assuming hindi naman kasi maganda! " saad nitong sabi sa kaniya
" Oo nga, " sang ayon ng mga kasama nito na may dalang mga juice.

Mapapansing nagsilapitan na ang mga kasamahan nito at para ibuhos ang dala nilang juice sa dalaga.
" Ito ang bagay sayo, felingerang babae! " sabay akmang buhos ng magsidatingan ang mga grupo ng mga lalaking naka itim.

Isa - isa nilang hinuli ang mga babae.
" Sino ba kayo ha? " pagalit ng mga itong usisa.
" Dalhin lahat sila at sampahan ng kaso! " utos ng leader nila.
" Bitwan mo ako sabi! " pagpupumiglas ng babaeng puno't dulo ng inggit.

Lalapitan ng leader ng mga ginoo si Sacrlett at magtatanong.
" Ayos ka lang ba, Ms. Sacrlett? " ask nito sa dalaga. Walang naitugon si Scarlett kundi ang pagyuko sa kaniya.

Kaya tatawagan ng ginoo ang boss nito.
" Hello sir, " tugon nito sa kabilang linya.
" Ibigay mo sa kaniya ang phone at kakausapin ko. " utos nito.
" Ms. Scarlett, kakausapin ka ng boss ko. " abot niya sa dalaga ng phone nito.

Sa kanilang pag uusap.
" Hello, ayos ka lang ba? Just tell me? Nasaktan ka ba? Ano ba ang ginawa nila sayo? At pagbabayarin ko sila! " tonong puno ng pag alala ng binata sa dalaga.
Hindi na lamang iimik ang dalaga na tila ayaw niyang magsalita.
" Huy Scarlett, hindi mo ba ako kakausapin? Kanina pa ako dada ng dada dito! " sumbat niya sa dalaga.
" Ayos lang ako, sir. " mahina niyang tugon.
" Anong ayos? Pinaglalait ka ng mga iyon! " wika niya sa dalaga.
" Uuwi na ho ako sir! " paalam niya sa binata.
" Teka, hindi pa tayo tapos mag usap! Ang tigas ng ulo mo! Kaya ka inaapak - apakan ng mga iyan kasi mahina ka. Kunga andiyan ko! Pinaglalampaso ko ang mga iyon. " wika niya sa dalaga.
" Sige ho sir! " at inabot na niya ang phone sa ginoo.
" Hello, ihated niyo siya sa bahay niya. Kunin niyo iyong pinadala ko. Bilhan niyo siya ng maraming damit. Kahit isang sako pa iyan! At isa pa! Wag niyong patatawarin ang mga bruhang iyon kahit anak pa sila ng mga mayor diyan. " utos ni Nathane sa kabilang linya.
" Copy sir! " tugon ng ginoo.

Someone Pov's
How are they para paihayin ang babaeng mahal ko. Hindi ba sila nag iisip? Ang ayaw na ayaw ko talaga ang pagkutya sa babaeng napili ko. Wag na wag nilang maisip na ulitin uli. Makikita talaga nila ang tunay kong ugali.

Hanggang saan nga ba kaya mong ipaglaban ang salitang pinili? Madadala mo kaya itong hanggang dulo? Paano kung sumuko ang tao mong pinili? Paano kung hindi siya matatag gaya ng inaasahan mo? Ipaglalaban mo kaya kung siya'y lupa at ikaw nama'y langit?


**///****
Good morning po.. Thank u☺☺☺😘

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora