Chapter 27 Hapunan

138 7 0
                                    

Walang naging reaksiyon si Athena sa ginawang pagnakaw sa kaniya ng halik ni singkit. Hindi siya kumibo at bigla nalang itong umalis na tila nagalit siya sa ginagawa nito.
" Mukhang may tampuhang mangyayare ngayon. " puna ni Athane sa pamangking si Athena na biglang pumasok sa mansiyon.
" Hayaan muna natin siya at nag iisip pa ang anak ko. Binigla siya ni Doc. Yjune kanina at wala siyang naging reaksiyon. " tugon naman ni Ethane sa kamukha niya.
" Everyone, let's toast to the new wed couple. " panguna ni señore Nathane II sa pagtaas ng wine niyang hawak.

Maya - maya pa ay tumugtog na ang violen sa mahina nitong saliw na musika. Musikang akma sa pagsayaw ni Nathane sa wife niyang si Scarlett.

Habang nagsasayaw nag dalawa sa gitna ay may naglalapitan namang mga panauhin para sabitan sila ng pera. Kinaugalian kasi iyon sa pamilya nila at nag malilikom na pera ay ihahanda sa future nila.

Nathane IV Pov's
I can't imagine na masasayaw ko siya ngayon. I can't express myself right now. Kasama ko na siya sa kama at sa araw - araw. Bagay na bagay sa kaniya nag dress na pinili ni mama. She's so beautiful  and I can't deny it.
" How's your feeling? Kabado ka ata? " usisa ko sa kaniya.
" Sir Nathane, nanlalamig na nga ang kamay ko. " tugon niya sa akin. Tumawa na lang ako ng patimpi.
" You're so cute! " pasimple ngisi na ikinatawa niya ng bahagya.
" Sir naman. "
" Totoo naman e. " ayaw niya kasing aminin.
" Matagal pa ba? Masakit na kasi ang paa ko, sir. " sabi niya na parang masakit na ang paa niya.
" Be patient at hindi pa tapos ang ating pagsasayaw. " tugon ko sa kaniya.
" Sir, ganito ba talaga ang tradisyon sa inyo? Kanina pa kasi sila nakatingin sa atin at ang daming nakakabit na pera sa damit natin. " puna niyang sabi.
" Masanay kana Scarlett at isa ka nang Mrs. Fuentaverdes. Bukas na bukas ay aayusin ko iyong papeles mo sa school at sa Isla. No need to worry. Ang gagawin mo lang ay mag aral ng mabuti. " balita ko sa kaniya.

Napa-luha na lang siya sa sinabi ko sa kaniya. She's so fragile kaya iingatan ko siya tulad ng pag - iingat ko kay bal. I wish na sana maayos ang pagsasama naming mag asawa.

Nang huminto na ang musika ay agad kong hinawakan ang laylayan ng gown niya. Napatitig na lang sila sa akin. " Sir, nakakahiya. " bulong niyang sabi sa akin.
" Asawa na kaya kiya at baka maapakan mo pa. " katwiran ko sa kaniya.
" Sir naman. " kamot niya ng bahagya na parang si bal.

Sa pag-upo namin ay nagsalita na si papa pero si bal at si Yjune ay hindi ko nakikita sa mga oras na iyon.
" Magandang gabi sa inyong lahat. Maraming salamat sa inyong pagdalo sa kasal ng aming binatang anak na si Nathane IV. Sabi nga nila, walang babaeng makakapasa sa standard qualification ng anak ko. Well, binata siya at lahat ng babae ay ginagalang niya. Habulin ng mga babae pero nahulog pala sa isang studyante. Diba Nathane? " pasang ayon ni papa na ikinatawa naming lahat.
" Pa, nagmana ako sa inyo. Remember? " pa-sang ayon naman ko namang sabat.
" Anak nga kita. " lokong tugon ni papa na ikinahalakhak namin.

Grabi si papa talaga napaka-ano. Saan na kaya sina bal at singkit? Hinahanap ko nalang sa paligid pero wala sila roon. Mukhang mahabang tampuhan na naman ng dalawa. Manood lang talaga kami nina papa sa tampuhan nila.

Sa dako naman nina señora Yhuna at Yhuan. Kasama nila ang twin na sina Grace at Nathaniel. Ayaw ngang bitawan ni Nathaniel ang kamay ng kambal niya.
Sina lolo naman at lola ay nakaupo lang habang kausap ang mga kaibigan nilang de la Vega. Naririnig namin ang tawanan nila at tuksuan.

Bahagya akong lumingon paroon sa tabi ng wife ko. Kanina pa kasi siya nakatitig sa lahat at hindi pa ginagalaw ang cake na kinuha ko para sa kaniya.
" Ano bang iniisip mo? " usisa ko.
" Wala sir at parang nanaginip pa rin ako. " tugon niya.
" H'wag mo na akong tawaging sir at nakaka-pormal. Just call me Babe or anything pero wag lang sir. " sabi ko sa kaniya at bahagyang uminom ng wine.
" Ok, " tipid niyang tugon.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now