Chapter 12 Nathaniel's Ultimate Love!

209 10 0
                                    

Kinabukasan.
Araw na ng mga puso at naghahanda ang lahat ng napakagandang pagsalubong sa kung sino man ang dadaan sa San El Vador na may kasamang kasintahan o asawa ay bibigyan ng tatlong pulang rosas at tatlong matatamis na tsokolate.

Samantala, sa mansiyon ng mga Fuentaverdes.
Sari - sariling suot ng damit ang lahat base sa kulay ng kanilang damit ang nararamdaman sa araw na iyon.
Nagbigay naman tatlong kulay na damit ang bayan ng San El Vador kaya no choice ang iilan kundi ang magsuot ng nababagay sa kanila.
Pula para sa may mahal na o di kaya'y may nagmamay ari na ng puso nila.
Puti para sa mga walang jowa at pag aaral muna ang inaasikaso.
Itim para sa mga broken na hindi pa rin maka move on.

Ang pinaka aabangan ng lahat ay kung ano ang susuotin ng señorita Athena sa araw na iyon.
Bulung - bulungan kasing may balak na magpro - pose si Doc. Leo sa kaniya kaya balitang - balita na sa boung bayan.
Maririnig naman ang paghanga ng kalalakihan sa dalaga ngunit tila may nanalo na sa puso ni Athena. Gaya ng kambal nitong si Nathane na ikakasal na sa babaeng mula sa simpleng pamilya.

Sa Mansiyon Fuentaverdes.
Naroon ang magkambal na sina Nathaniel at Grace Fuentaverdes at doon sila muna pansamantala dahil nasa ibang bansa ang mama at papa nila.
Mapapansing namang may hawak na tatlong rosas si señorita Grace na ikina galit ng kambal niya.
" Bakit ka nila binigyan ng ganiyan? Tell me, who's the hell is that? Makakatikim talaga siya ng sapak. " pagkainis niyang usisa sa kambal nito.
" Kuya, ang sabihin mo nagseselos ka. Matanda na ako kuya at kailangan ko din namang magpakasal. " paliwanag niya sa kuya nito.
" I don't care! Basta hindi ako papayag! " pagtutol ng binata.
" Bahala ka basta nakapag paalam na ako kay papa at mama. " tugon ni Grace.
" Kapag tinuloy mo iyan. Kalimutan mo na ako at kalimutan mo na rin na may kuya ka. " sabay iwan nito sa kambal niya.
" Oh, anong nangyare doon? Nag away ba kayo? " usisa ni Althea sa dalaga.
" Hindi kasi siya pumayag na magkanobyo ako. Hindi ko rin nga maintindihan si kuya. Nagseselos kasi siya kaya tumutol siya. " tugon ni Grace rito.
" Hayaan mo at kakausapin ko siya. Oo nga pala, nasa labas na sina Athena at hihintay ka. Maglalaro daw kayo. " pa alam nito sa dalaga.
" Sige ho ate Althea. " tugon ni Grace at lumabas na.

Sa kabilang banda.
Sa kwarto ng binatang si Nathaniel. Nagwawala ito sa galit at pinagbuntungan ng galit ang mga gamit niya. " Argghhhh..... " pagbabato ng phone niya at laptop nito sa lapag na ikinabahala ng nakarinig na manang na napadaan sa kwarto niya.

Kaagad itong ibinalita ng manang kay Sir Ethane.
" Señorito Ethane, narinig kong kumakalabog ang kwarto ni sir Nathaniel. Mukhang may kung anong ibinato siya at nagwawala ito. " balita nito na ikina alma ni Ethane.
" Pa, anong gagawin natin? " sangguni niya sa papa nito.
" Ako na ang pupunta at asikasuhin mo muna sila. " tayo ng señore at umakyat ito sa hagdan para puntahan ang anak ng kambal niya.

Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad ang basag na phone at laptop nito sa sahig. Wala na roon si Nathaniel at nag iwan ng sulat.
  
Dear tito Nathane,
Pakisabi nalang ho kay papa na hindi na ako uuwi sa bahay. Tutal ay may napili na ang kambal ko na papakasalan niya. Hindi ko maunawaan ang sarili ko pero nasasaktan ako. Gusto kong makasama si Grace at hindi ko kayang makitang may ibang lalaki siyang gusto. Tito, paumanhin sa ginawa ko pero ganun talaga kapag nasanay kana ay mahirap mo itong bitawan. Mahal na mahal ko ho ang kambal ko pero mas mainam na lalayo ako para sa ikaliligaya niya. Pakisabi ho kay papa at mama na huwag silang mag alala sa akin. Lalaki ako at kaya ko ang sarili ko. Maraming salamat tito at kayo muna ang bahala sa kapated ko.
           --- Nathaniel

Kaagad na tumawag si señore Nathane sa kambal niya para ipaalam ang ginawa ng anak nito.
" Tol, anong gagawin mo? " usisa niya sa kambal nito.
" Hindi ko alam kuya at hindi ko alam na hahantung sa lahat  ito. Alam na ba ni Grace na naglayas ang kuya niya? " usisa ni Yhuan sa kabilang linya.
" Hindi pa at nasa labas sila ni Athena. " tugon ng kuya Nathane niya.
" Hindi ko alam pero uuwi ako diyan. Actually nasa airport na kami. Gusto sana naming mag Valentine's ng buo pero paano? Paano kuya? Hindi ko kayang nag aaway silang dalawa. Gusto ko silang magkasama lagi at iyon lang ang hinihiling ko. Sana hindi nalang ako pumayag sa paalam ng kapated niya. Eh sana hindi naglayas si Nathaniel. " pagsisi nito sa sarili.
" H'wag kang mag alala at aayusin natin ito. " tugon niya sa kambal nito.
" Kuya, maraming salamat sayo. " tugon nito.

Sa labas ng Mansiyon.
Habang naglalaro ang dalawang dalaga ay mapapansing puting dress ang suot ni Athena. Na agad namang pinagkaguluhan sa social media. Pero bakit kaya puti ang isinuot niya?
" Ay hala, ang daya talo ako! " sambit ni Grace na walang alam sa nangyayare sa kuya niya.
" Grace at Athena, pasok muna kayo sa mansiyon at may pag uusapan tayo. " wika ni señore Nathane.
" Lolo, may nangyare ba? Pansin ko kasing nasa loob sina kuya. " usisa ni Athena.
" Mamaya niyo na malalaman. " tugon nito.

Nasa loob na ang lahat at nasa sala na ito. Habang ang dalawang dalaga ay abala sa pagkain kasama si Scarlett. Magkatabi naman sina Doc. Leo at Nathane IV habang nakatitig ang mga mata sa mga dalagang mahal nila. " Andito kayo lahat para sa isang komplikadong problema. Padating na din sina Yhuan at Yhuna. May nangyare kasing hindi maganda na sana makapagbigay tayo ng solusyon. " wika ni señore Nathane.

Napahinto na lamang si Grace sa narinig.
" Ano po ang nangyayare, tito? " usisa ng dalaga.
" Mamaya pagdating ng mama at papa niyo. Scarlett, kmausta ang sugat mo? Humilum na ba? " usisa ng señore Nathane sa babaeng mapapangasawa ng apo niya.
" Ayos lang ho señore Nathane saka maliit nalang ho at pahilum na. " tugon ng dalaga.
" Mabuti naman kung ganun. Ethane, kamusta ang negosyo mo? May balak ka bang palawakin pa ang negosyo mo? Kung saan - saan na nakakarating ang mga branch ng company mo. May balak ka bang isalin lahat ng property mo sa tatlo mong anak? " usisa nito na tila nabaling na ang usapan sa mana.
" Pa, naka ayos na ang lahat at nasa last will and testament ko na iyon. Alam niyo naman na isa lang lalaki pero sabi ni Nathane ay hindi na siya kukuha ng mana niya. Ibibigay daw niya ito sa charity. " tugon ni Ethane.
" Oo nga lolo saka may sarili naman akong trabaho. Kina bal nalang iyon saka si Thea ang dapat niyong bigyan, papa. " sabat ng binatang si Nathane.
" Ay hindi ko naman kailangan ng mana niyo, papa. Gusto kong mabuhay sa simple lang kasama ang papakasalan kong lalaki. Pa, handa na akong magnobyo. " pagtatapat ng dalaga na ikina gulat ng lahat.

Napangiti na lamang si Ethane. Pati ang lahat at napangiti habang nanlaki naman ang mga singkit na mga mata ni Yjune. " Pwede bang mamaya na iyan, apo. Ayusin muna natin ang problema ng kambal ko. " wika ni señore Nathane.

Dumating naman sina señore Yhuan at señora Yhuna sa sandaling iyon.
" Ma, " salubong nitong yakap ni Grace sa mama niya.
" Kuya, nasaan na si Nathaniel? I need to locate his phone. " pag alala ni Yhuan sa anak niya.
" Si kuya ba? Hindi kasi siya sumang ayon kanina sa binalita ko. Nagseselos ho siya sa sinabi ko. Ayaw niyang ikasal ako. " wika ng dalagang si Grace.
" Ito ang iniwan niyang liham. Hayst, nakakaloka talaga ang pag ibig. Sweetheart, pahiram nga ng phone at ita - track ko iyong kotse ni Nathaniel. " wika ng señore Nathane.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Kde žijí příběhy. Začni objevovat