Chapter 30 Tawanan, Lambingan at Asaran❤

180 7 4
                                    


Grace Mondalo Pov's
Tskk. Si kuya napaka-ano talaga sa akin. Gusto ko lang naman tumulong. Ayan. Pinapunta ako rito sa lilim tapos siya andoon. Masyado naman niya akong bini-baby.
" Hi ate, mag isa ka lang po? " usisa ni Thea na may dalang tumblr na may lamang tubig.
" Oo eh. Teka. Anong ginagawa mo dito? " usisa ko sa kaniya. Andoon kasi ang papa niya nag aayos din ng tent.
" Ate Grace, ikakasal na si ate Athena. Tapos si kuya kasal na din. Paano na ako? Iiwan na ba nila ako? " usisa ni Thea sa akin.

Hala. Itong batang 'to. Daig pa ang matanda kong mag isip. Paano naman niya naiisip ang bagay na 'yon?
" Ilang taon ka na nga, Thea? " usisa ko sa kaniya.
" Magsi-seven na ate. Si ate at kuya ay 21 na bukas. " sabi pa niya sa akin.
" Bakit ka malungkot? Hindi ka ba masaya para sa ate at kuya mo? Hindi ka naman nila iiwan. " usisa ko naman sa kaniya. Alam kong mami-mis niya ang mga ito.
" Masayang masaya po ate pero iniisip ko iyong sinabi ni ate Athena. Sabi niya na may isa sa hanay natin ang mawawala. Natatakot ako ate Grace kaya malungkot ako. " balita niya sa akin.

Niyakap ko na lang siya at pinayuhan.
" Thea, maaring salungat ang mangyayare kaya maghanda lang tayo. Sabi nga nina papa na kapag sama - sama ay walang impossible. " sabi ko at hinawi ang buhok niya. Tinali ko ito at niyakap siyang muli.
" Teka. Kinulit ka ba ng anak ko? " usisa ni kuya Ethane. Anak kasi ng kambal ni papa. Si papa Yhuan at ang papa niya ay mag kambal.
" Hindi naman ho, kuya. Nalulungkot lang si Thea. " tugon ko naman.
" Halika dito Thea at nagda-drama ka naman. " kalong niya sa bunso nila ni ate Althea.
" Grace, halika ka muna dito. " tawag ni kuya Nathaniel sa akin.
" Maiwan ko muna kayo, kuya. Sige Thea. " paalam ko sa kanila.

Tumayo na ako at pinuntahan si kuya. Ano na naman kaya kailangan niya. Siguro na-mis na naman ako.
" Babe, halika dito at may surprise si ako. " hala, surpise daw.
" Andiyan na. " pasok ko sa tent.

Walang ano - ano'y may humila sa akin papasok at inihiga sa malambot na kutson. My ghad. Si kuya na naman. Dinaganan na naman ako at nakatitig siya sa akin.
" Kuya, ang bigat mo. " palo ko sa braso niya. Ano na naman pakulo nito?
" I love you. My Grace Mondalo. Ayoko nang ibang babaeng makasama maliban sayo. " sabay halik niya sa noo ko.
" Mahal na mahal din kita, kuya. Pero ang bigat mo. " reklamo ko na ikinatawa niya.
" Ang cute mo talaga, Grace ko. Heto nga pala. " sabay bigay niya ng parihabang kahon na kulay puti.
" Anong laman? " usisa ko habang pa-bangon sa kinahihigaan ko.
" Open mo kasi para malaman mo. " sabi niya sa akin.

Napa-ilang na lang ako ng biglang yumakap si kuya sa baywang ko. Ayan. Naka-patong ang ulo niya sa balikat ko. " Buksan mo na dali. " excited niyang sabi.

Binuksan ko na lamang ang kahon. Napa-lukso ako sa tuwa ng makita ang laman nito. My goshh. Isang relo at ang lagi kong hiling kay papa.
" Kuya. Gustong - gusto ko talaga ito. Kuya naman. " hikbi kong sabi sa kaniya. Nasira kasi ang relo ko at wala akong tinitingnan ng oras.
" Happy ka na ba? Para talaga sa 'yo 'yan. Sabi ni papa ay ako nalang daw ang bumili para sayo. " hug niya sa akin. Huhuhu. Ang saya - saya ko talaga.
" Kuya, thank you talaga dito. " harap ko ng bahagya sa kaniya at humalik sa pisngi niya.
" Wow naman. Ang sarap ng suhol ko. " ganti niyang halik sa pisngi ko.
" Thank you talaga, kuya. I'm so luck dahil ikaw ang naging kuya ko. " yakap ko sa kaniya ng mahigpit.
" Gagawin ko lahat para maging masaya ka lang. " haplos niya sa buhok ko.

Doon ko naramdaman ang haplos ni papa sa akin. Parang si kuya ay si papa. Mamaya pa kasi sila darating at madami silanh ka-business deal. Ginagawa nilang lahat para sa amin ni kuya.

Napataliko na lang ako ng hawakan niya ang buhok ko. Kinuha ang suklay at itinali ito.
" Labas na tayo at mami-mingwit kami nina Nathane. Ano? Sama ka? " yaya niya sa akin.
" Sige, pero dapat kasama sina Athena. " sabi ko naman. Para naman kasi may girls talk.
" Oo ba. " una niyang labas at sunod naman ako.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon