Chapter 24 The Wedding!

259 12 12
                                    


Kinabukasan.
Ika - pito noon ng umaga at oras ng pagtungo sa simbahan ng San El Vador para saksihan ang pinaka mahalagang pangyayare sa buhay ng isang babae. Ang maikasal sa taong pinili niyang makasama boung buhay niya. Ang venue ng kasal ay naka-ayos na rin at handa sa pagdaraos ng kasal doon.
" Anong oras na. Labas kana Nathane at mauna na kayo sa simbahan. " wika ng mama Althea niya na naghihintay sa babaeng papakasalan ng anak niya.
" Mama naman. " kamot ng binata at saka lumabas na ng sala.
" Scarlett, labas kana at lumabas na si Nathane. " tawag niya sa manunu-gangin niya.

Dahan - dahang maririnig ang tunog ng shoes sa hagdan. Ang mahina niyang hakbang na tila nag iingat na maapakan ang laylayan ng wedding gown niya.

Napangiti si Althea ng masilayan ang dalaga.
" Nakikita ko talaga ang sarili ko sa 'yo. Thank you talaga, Scarlett. " yapos niya sa dalaga.
" Mama Althea talaga. " tugon lang nito.
" Hali kana at sabik na siyang suotan ka ng singsing. " hawak niya sa kamay ng dalaga at sabay silang lumakad.

Scarlett Pov's
I can't imagine myself na maglalakad ako ngayong araw patungo sa lalaking mahal ko hindi dahil sa kayamanan nito. Pinili ko siya dahil napaka-bait niya sa akin. Hindi ko maikakaila ang kaligayan ko ngayong araw. " Pagkatapos niyong ikasal ng anak ko. Isa lang ang paki-usap ko sayo. Sermunan mo ang anak ko kapag late siyang matulog. At kapag nagta-trabaho siya kapag gabi. " paki-usap ni mama Althea sa akin.

Hala. Kaya ko kaya iyon? Napaka- sungit kasi ni sir Nathane at minsan naman mabait. Basta susubukan ko ang paki-usap ni mama Althea sa akin. Lakasan mo ang loob mo Scarlett at may asawa kana mamaya.

Magkatabi kami ni mama Althea sa loob ng sasakyan at ang dami pa niyang sinabi sa akin. Sina-ulo ko na nga sa utak ko para ma-aplay ko mamaya kay sir Nathane. Susubukan ko talaga kung kaya kong barahin si sir Nathane. Kaya mo 'yan Scarlett.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na kami sa simbahan. Ang daming security guard's at parang napaka-special ng araw na ito. " Handa ka na ba, anak? " usisa ni mama Scarlett sa akin na ikina kaba ko.
My goshhh.. She called me, anak. Ay, nakaka-tunaw sa pandinig.

Noon ay inakala kong isang pantasya lang ang maging parte ng bahay nila. Pero ngayon ay ikakasal na ako kay sir Nathane Fuentaverdes IV. My ghad... Abot hanggang tenga ko ang kilig. Ang saya-saya ko talaga. Mas lalo na nang papa-akyat ako sa hagdan at tumapat sa malaking pintuan ng simbahan.

Ayon na si mama at dumaan siya sa kabilang banda. This is it Scarlett. Kalma lang at maging handa. Mas lalo pa akong kinabahan ng marinig ang pagbukas ng pintuan.

Ready na ako sir Nathane na maglakad patungo sa 'yo.

Iniyuko ko ng bahagya ang ulo ko at tumitig sa naggagandahang bulalak na hawak ko. Kasing ganda daw ako ng mga bulaklak sabi niya. Natatawa na lang nga ako sa sinabi niya sa akin. Pero pilit niyang pinapaliwanag kung bakit ganun ang tingin niya sa akin.

Inihakbang ko na ang mga paa ko at iniangat bahagya ang mga titig ko. Ang daming dumalo at napaka-pormal nila. Halos kilala at ang yayaman. Andito rin iyong de la vega family at ang po-pormal. Mga desente at kilos elegante. Nakakahiyang tumitig sa kanila dahil baka malusaw ako.

Itinuon ko nalang ang mga mata ko sa lapag. Hindi ko pa natatanaw si sir Nathane at sina ate Athena. Siguro nasa unahan sila banda. Nakakahiya talaga at nakatuon ang atensiyon nila sa akin. Kaya dapat hindi ako matipalo at baka mapahiya si sir ng dahil sa akin.

Ilang sandali pa ng salubungin ako ni sir Ethane. " Ako na ang maghahated sayo sa kaniya. " alok niya sa akin. My ghad....nakakahiya na nakakakilig. Si sir Ethane talaga ang maghahated sa akin? My ghad... Nakakahiya ka Scarlett. Wala ka na ngang may ipagmalalaki tapos wala pang tatay.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now