Chapter 37 (Unang Gabi)

188 7 0
                                    

Sa gabing iyon ay nakatulog ng mahimbing si Yjune. Samantalang nanatiling gising si Athena habang nakadagan sa kaniya ang asawa nito na nakayakap. May kung anong iniisip si Athena kaya hindi siya makatulog.

Sandali niyang iaangat ang ulo sa unan habang nakahaplos ang kamay sa ulo ni Yjune. Hindi niya inililihis ang mga titig kundi sa asawa lamang niya. Ang hindi niya alam ay pinakikiramdaman lang siya ng asawang nagkukunwareng mahimbing ang tulog.

Athena Pov's
Masayang masaya ako ngayon. Hindi dahil ikinasal kami ni Yjune. Kundi dahil sa ang saya - saya ng lahat. Sina mama at papa ay nakangiti kanina. Si Kuya Nathane at Scarlett ay nag enjoy sa kasal namin ni Yjune. Sina Mark at Ate Cassandra ay nag sisimula nang mahulog sa isa't - isa. Ano pa ba ang hihilingin ko? Siguro ay ang maging mabuting asawa kay Yjune. Pasasayahin ko siya at bibigyan ng mga supling.

'Hayst,' bulalas ko sa aking isipan. Malapit na ang aking mga pangitain at ayokong ipa alam sa kanila ang totoong mangyayare. Gusto kong maging masaya ang lahat. Gusto kong makita ang supling ko kay Yjune Vergara. Marami pa akong pangarap para sa aming magiging anak.

Napahinto na lamang ako sa pag iisip ng may dumamping palad sa aking pisngi. Si Yjune pala at nagising ko siya. Nakatitig na naman siya sa akin. Nakangiti pa nga siya at napakasaya ng dating nito sa akin.

Bumangon siya at tumabi sa akin. " Gising ka pa pala. Hindi ka ba inaantok? " usisa niya sa akin. Tumango na lamang ako at nginitian siya. " Gusto mo patulugin kita? " sabi pa niya sa akin.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Napaka kalma ng pakiiramdam ko ngayon. " Thank you, Yjune. " sabay higa ko sa bisig niya. " Mahal na mahal kita. Sabihin mo lang kung gusto mo ng honeymoon. " dagdag ko pa.

Nabigla naman ako ng bigla niya akong halikan sa noo at sa pisngi ko. " Athena, napaka saya ko sa sinabi mo. Pero hindi ba may usapan tayo. Magdi-date tayo bukas at boung araw iyon. " paalala niya sa akin.

Napakamot na lang ako sa sinabi niya. Hala, naalala pa pala niya iyon. " Eh, di bukas na lang ang honeymoon natin. " loko kong sabi. Na siyang naging dahilan ng pagngisi niya.

Napatakip unan na lang ako. Ano ba kasi pinagsasabi mo, Athena? Bakit parang nagpapahalata kang nagmamadali. " Nararamdaman kong may mali sa sinabi mo. Pero andito ako para damayan ka. Mahal na mahal kita, Athena. " kuha niya ng unan na pinantakip ko sa mukha.

Tinitigan niya ako na parang may ibig sabihin. " Gusto mo ng halik? " seryoso kong usisa. Alam kong halik ang gusto niya at sa noo niya ako hinalikan sa harap ng altar.

Hindi na lang siya tumugon at inayos ang unan ko. Naglagay siya ng harang sa likod ko banda. Hindi naman ako mahuhulog diyan at katabi ko siya.
Mahal namin ang isa't - isa pero may malaking trahedyang paparating. Paghahandaan ko iyon at walang mawawala sa hanay nang aming pamilya.

Pagkatapos niyang ayusin ang higaan ay tumabi siya sa akin. " Matulog na tayo, Athena. Pero gusto ko yakap kita. " sabi niya. Ang sweet niya, eh. Kulang na lang langgamin kami dito.

Humiga na ako at niyakap ko siya. Nailang na lamang ako ng bigla niya akong yapusin at tumapat ang mga mukha namin. " Pwede bang humalik sa iyo, Athena? " paalam niya sa akin.

Hala, nagpaalam pa talaga siya. Nagkakasundo nga kami lagi at naging komportable ako ngayon. Wala namang dahilan para pagbawalan ko siya. " Sayong - sayo ako, Yjune. Asawa mo na ako ngayon. " titig ko sa mga mata niya.

Nagkasalungat na lamang ang mga mata namin ni Yjune. Ang malagkit niyang titig sa akin. Alam ko ang mga titig niya na tila gusto niya akong halikan. " Pikit ka muna. " sabi niya ng ganun sa akin.

Si Yjune talaga parang ano pa rin. Hahalik lang tapos gusto pa akong papikitin. Pumikit na lamang ako ng bahagya.

Maya maya pa ay naramdaman ko na ang haplos niya sa buhok ko. Ang paghawi sa buhok kong nakalugay sa gilid ng aking tenga. Ang paghawak niya sa mga kamay ko at ang paghinga niya.

Bago niya ako hinalikan ay may sinabi siya sa akin. " Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na pakasalan ang babaeng bukod tangi kong minahal. Walang perang makakatumbas sa kasiyahan ko ngayon, Athena. Gusto kitang yakapin ng mahigpit nang mahigpit. Gusto kitang paulanan ng halik sa pisngi. Gusto kong kasama ka palagi. Gusto kitang yakapin hanggang sa mag-umaga. I love you, Athena. " wika niya sa akin.

Hindi ko alam ang itutugon kaya iminulat ko na lang ang mga mata ko. Ngumiti ng bahagya at kumalas sa pagkahawak niya. " Alam ko Yjune at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng gusto mo. Basta h'wag mo akong sukuan. Mamahalin kita ng walang hanggan. " at iniangat ko ang mga kamay ko. Bahagya ko siyang hinawakan sa pisngi niya.

Iniangat ko ang aking ulo at bahagyang hinalikan siya sa pisngi. " Ang singkit mo pa rin. " inis kong wika sa kaniya na ikinatawa niya bigla.

Nakikisabay na siya sa trip ko. " Pikit kana muna. " utos na naman niya sa akin. Sigurado akong hahalikan na niya ako. Kanina pa kasi siya naghihintay. Kaya pagbibigyan ko na.

Maya maya pa ay may dumampi na lamang ang labi niya sa labi ko. Ang mainit niyang halik sa akin kasabay ng pagyapos niya sa baywang ko. Ang halik na tumagal ng ilang minuto.

Nagkatitigan na lamang kami sabay tawa ko sa kaniya. " Tatawa - tawa ka diyan. Hindi ka naman marunong humalik. " sabi niya sa akin.

'Ano raw, Athena? Hindi ka raw marunong humalik.' Ang sarap niyang kurutin sa gilid. Pasalamat siya at husband ko na siya. " Ang sabihin mo, nabitin ka! " saad kong sabi na ikinasalungat ng mga kilay niya.

Ayan na si singkit na masungit. Nagtaasan ang mga kilay niya. Napikun siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi at gusto niyang ulitin.

Humiga na lamang ako at hindi siya pinansin. Niyakap ko iyong unan at ipinikit ang mga mata ko. Malalim na ang gabi at kailangan ko ng matulog ngayon.

Napangiti na lang ako ng yumakap si Yjune sa likod ko. Ang higpit ng yakap niya sa akin. Pinaharap niya ako sa kaniya. " H'wag mo akong talikuran. Ayokong hindi nakikita ang asawa ko. " pagksabi niyang iyon ay hinalikan niya ako sa labi.

Wala na akong nagawa kundi yumakap rin sa kaniya. Ngayon ay alam ko na mahilig siya sa halik. Malambing siya at hindi ako matitiis. Kinikilig ako sa kaniya at ang sarap niyang asarin.

Nagyakapan kami habang hinahaplos niya ang buhok ko. Ang isa niyang braso ay pinaunan niya sa akin.
" Bukas date tayo, ha. Gusto kong makasama kita boung araw. " paalala niya ulit sa akin. Kasabay ng mga titig niya na ikinahikab ko bigla.

Kung may hihilingin man ako ngayon ay gustong mapasaya ko siya. Gusto kong maging masaya ang lahat ng mga taong nakapaligid sa amin.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon