Chapter 6 Mainit na pagsalubong!

352 14 4
                                    

Mainit ang pagsalubong ng lahat sa dalagang si Scarlett kahit na may sugat ito sa tagiliran dahil sa pananakit sa kaniya ng mga naiinggit rito. Hindi naman pinapalampas ni Nathane ang mga sumakit sa dalaga. Naghanda ang mansiyon ng salo - salo para sa pagpapakilala nila sa bago nitong pamilya.
" Scarlett, ilang taon ka nga? " usisa ng señora Maria.
" 19 po, " tugon nito.
" Kilala mo ba kaming lahat? Parang malilito ka kasi puro magkakamukha ang supling namin ni Nathane II." paliwanag nito sa kaniya.

Scarlett Pov's
Hindi ko pinangarap ang ganitong buhay. Ang gagara nila't mga kilala ang pangalan kahit saan mang lugar. Nakakahiya nga at nakaharap ko sila. Si sir Nathane ay hindi naman ako iniiwanan at hindi kami magkalapit kasi daw hindi pa kami kasal.
" Lola, mahilig si Scarlett sa pagbabasa. Matalino po siya at mabait. Nakasama ko na ho siya sa Isla at may mabuti siyang puso. " wika ni señorita Athena. Grabi, nakakahiya naman.
" Kaya nga pangwattpad ang name niya. Name na nga lang ang maganda. " sabat naman ni sir Nathane. Hala, galit pa rin siya sa akin at naka ekis ang mga braso.
" So, ikaw ang babaeng pinili ng binata kong anak? " usisa noong ginang na nakapula. Wow, kamukha niya si Athena pero morena siya.
" Althea, mamaya muna paulanan ng tanung ang magiging daughter - in - law mo. Nakita niyo ba si Thea?" sabay usisa ni sir Ethane. Si Thea ba iyong little girl na nakasalubong ko kanina.

Naalala ko iyong sinabi niya na alagaan ko daw ang kuya niya. Nagtatampo kaya iyon?
" Kuya, umiiyak iyong bunso ninyo sa taas. Doon sa hallway! " balita nong ginoong kamukha ni sir Ethane. Hala, kambal ba sila?
" Ako na ang magpapatahan sa kaniya. Baka nagseselos iyon kasi ikakasal na ako. " tugon ni sir Nathane sabay tayo at umakyat ng hagdan.
" H'wag mong problemahin sila Scarlett at magiging bahagi kana ng pamilyang ito. " wika sa akin ni señora Maria.
" Nahihilo ho kasi ako sa mga mukha nila. " tanging tugon.
" Eh di, ipapakilala kita. Mga anak, simula sa mga panganay at sa mga bunso. Humanay muna kayo! " wika ng señora.

Mas lalo pa akong naguluhan ng makita ang ginoong kamukha ni señore Nathane. Grabi, nahihilo na ako.
" Hi Scarlett, ako nga pala si Yhuan Fuentaverdes at kambal ko ito. " pakilala nong ginoo. Ah kaya pala sila magkamukha kasi kambal sila.
" Scarlett, tatlong beses lang ako nanganak at lahat iyon ay triplets. Sa panganay, sina Ethane, Athane at Yessa. Sa pangalawa ay sina Diego, Maria Yassey, at Maria Celine. Sa pangatlo ay sina Jake, Jack at Cassandra. " sabay turo ni señora sa akin. Hala, ang lupit non!
" Ako naman si Yhuna at friends kami ni señora Maria at señora Mia since childhood. Iyong mga asawa naman namin ay magkakaibigan. " pakilala noong morena na napakaganda.
" Hi Scarlett, ako nga pala si Rena Flores at ito si Reina ang bunso namin ni Athane. Ito naman sina Kyllex at Ryllex, twin sila namin. " pakilala nong ginang.
" Hi ate, nice to meet you po! " tugon nong kambal na ang popogi. Ang cute nila at nagbibinata na.
" Hi po ako si Reina at ito si Sabel. " pakilala sa akin nong dalawang magagandang señorita.
" Ako naman ang mama ni Sabel. Ako si Jucivel at asawa ni Diego. " pakilala ng ginang na may balingkinitang katawan.

Napalingon na lamang ako ng bahagya ng mayroong bagong nagsidatingan. Para siyang doktor na may kasamang magkamukhang batang babae.
" Hi mama, paumanhin kung ngayon lang kami at itong mga makukulit ay nangulit na naman. " sabi niya.
" Mama, sino po siya? " turo nong isang cute five years na batang babae na may kambal.
" Ito si Ms. Scarlett at magiging fiance ng kuya Nathane mo. " pakilala ni señorita Maria Yassey sa akin.
" So, you're the lucky girl. Congratulations sayo magandang binibini. I'm Doc. Kyle Ocampo." bati sa akin nong ginoo na nakasuot ng pangdoktor at pakilala na rin.
" Thank you po! " tugon ko.
" Hi ate Scarlett, I'm Kyla at ito ang kambal ko si Kylie. " lapit niya sa akin sabay kiss sa pisngi ko.
" Masaya akong makilala kayo. " tugon kong yuko. Grabi, nakakahiya ang gaganda nila at ang cute.
" Papa Kyle! Pasalubong ko! " sabat ni señorita Athena na galing sa kusina.
" Teka, dalagang dalaga kana. Ang tanong pinayagan ka na bang magjowa ng papa mo? " usisa niya rito.
" Ayoko pa! Baka magselos si papa at mag aaral muna ako. Hi Kayla at Kylie, namis ko kayo. Hug niyo naman si ate oh! " wika ni señorita Athena.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now