Chapter 15 Will You, Marry me?

250 12 4
                                    

Sa Pag uusap ng magkasintahang Doc. Leo na siya namang si Yjune Xell Dell Vergara at dalagang si Athena na kumakain kasama ang ampon ng nobyo niya. Mahilig siya sa bata kaya nahulog agad ang loob niya sa nagdadalagang si Aeriel na siya namang iniidolo nito.
" Oh heto pa. Kain lang ng kain Aeriel. Para naman sa mahal kong nobya. " abot ng sandwich na ginawa niya.
" Wow, thank you po papa saka ang sarap nito. " takam ng anak niya.
" Alam mo Yjune, akin nalang kasi si Aeriel. Gusto ko siyang matulog sa tabi ko. " pakiusap niya ulit sa nobyo.
" Hindi kasi siya pwedeng matulog dito at may school pa siya bukas. Next time nalang kapag wala siyang pasok. " tugon niya sa nobya.
" Mama Athena, kailan po kayo bibisita sa bahay? " usisa ni Aeriel.
" Ahm, di ko alam kasi may therapy ako bukas. " tugon ni Athena na ikina iyak ni Aeriel.
" May sakit po ba kayo, mama Athena? Bakit kayo may therapy? " napahikbing usisa ng dalaga.
" Shhhh.. My baby naman. Wag nang humikbi. Halika nga rito! " yakap ni Yjune sa anak niya. Hindi kasi alam nito na nagpapagaling si Athena kaya nabigla siya.
" Aeriel, nagpapagaling lang ako at soon ay gagaling na ako. Kaya tahan na at malulugkot ako. Wag nang umiyak oh! " hawi niya ng luha dito.
" Pagaling kayo, mama Athena. I love you po! " hug nito sa mama Athena niya.
" Ang sweet mo talaga. I love you, Aeriel. " kiss niya sa noo nito.
" Wala ba akong I love diyan? " padinig ni singkit.
" Saka na at bawal pa! " tugon ni Athena na ikina kamot na lamang ni Yjune sa ulo niya.

Aeriel Pov's
Noon, gusto ko lang manood ng news sa telebisyon para makita ang idol kong si señorita Athena pero ngayon ay mama Athena na ang tawag ko sa kaniya. Hindi ko akalain na may balak pala ang tadhana sa akin. At dinala niya ako sa pamilyang ginagalang at iniidolo ng lahat ng tao.

Nasa tabi ko si papa Yjune at kumakain ako ng sandwich kasabay si mama Athena. Ang sarap kaya ng gawa ni papa. " Aeriel, sama ka sa akin mamaya at ipapasyal kita sa mansiyon. " sabi sa akin ni mama.

" Ayt, di ba po bawal sa inyo ang mapagod sabi ni papa? " usisa ko ng ganun kay mama Athena. Naalala ko kasi ang sinabi ni papa Yjune noong isang araw.

Napatitig na lamang siya sa akin. " Oo, bawal akong mapagod pero ngayon lang naman ito. Pabigyan mo na ako at gustong gusto kitang maging anak. Ewan ko ba diyan sa papa mo at ngayon lang niya sinabi. Sana nakapaghanda man lang ako ng regalo. " wika ni mama Athena na halatang sabik na sabik pa rin siya sa pagpakilala ni papa sa akin sa kaniya.

Mangingiti si papa ng bahagya. " Oo na, ipasyal mo siya kahit saan mo gusto. Para kasing may balak kang nakawin itong si Aeriel sa akin. " tugon ni papa sa kaniya.

" Loko ka talaga! Ang gaan - gaan kasi ng loob ko sa kaniya at hindi ko mapigilan na yakapin siya. " hug na naman niya sa akin. Hindi na nga ako makahinga kasi ramdam ko ang higpit - higpit ng yakap ni mama Athena.

" Ubusin niyo na ito at bumalik na tayo doon sa hapag baka may mahalagang sasabihin si sir Ethane. " sabi ni papa. Napa isip ako bigla. Ang yayaman nila tapos ang lalaki ng pamilya. Ang dami ding imiidolo sa kanila. Nakaka inggit talaga kung iisipin.

Pagkatapos naming kumain ay agad naglakad at hawak - hawak ni mama ang kamay ko. Ayaw niyang bitawan. Nang makasalubong namin sina Ashly iyong anak ni sir Mark ay hinawakan niya din ang kamay niyo. " Mga girls, kung kailangan niyo ng tulong. Puntahan niyo lang ako ha. Tutulungan ko kayo sa financial problem niyo. Malalapit kayo sa puso ko at mahal na mahal ko kayong dalawa. Kaya dapat magturingan kayong magkapated. " wika niya sa amin ni Ahsly.

Pagdating namin doon sa malaking mesa ay naroon sina sir Ethane. Naglalaro sila ng truth or dare. Hala, bata lang kaya ang naglalaro niyan. " Uy, halika kayo rito. Ashley at Aeriel. " tawag sa amin ni sir Ethane.

Lumapit kami ng magkahawak ang kamay at pinaupo kami sa tabi niya.
" Thank you for giving my daughter happiness. Ang saya - saya niya ng makilala kayong dalawa. Kaya bilang kapalit ay tanggapin niyo itong munti kong regalo. " sabay abot sa amin ng isang maliit na kahon.
" Nakakahiya po ata sir Ethane. " tugon ko.
" Oo nga po saka hindi po kami humihingi ng kapalit. " tugon naman ni Ashley.
" Tanggapin niyo na at gamitin sa pag aaral niyo. Nakita niyo ba kung paano ang anak ko ngumiti kanina. Para siyang bulate na hindi mapigilan ang saya. Kaya thank you so much sa pagpapasaya sa kaniya. " wika pa ni sir Ethane.
" Thank you po, sir Ethane. " tugon naming sabay ni Ashley.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now