Chapter 7 Gabay at pagmamahal!

282 13 6
                                    


Kinagabihan.
Bago ang hapunan ay ipinaliwanag ni sir Ethane ang house rules sa bagong magiging parte ng pamilya nila. " Scarlett, strikto ang rules dito sa mansiyon. " paunang salita ni sir Ethane.
" Bawal ang babae at lalaking magkatabi sa kama kapag di kasal. Kaya doon ka muna sa kwarto ni Athena. " wika naman ng señora Maria.
" Hindi ka pwedeng tumabi kay Nathane sa pag upo. " wika ni sir Athane.
" H'wag kang magpapahawak ng kamay sa kaniya. " wika naman ni sir Diego.
" Dahil babae ka! Dapat kang umuwi bago ang ika - anim ng gabi. " wika ng señora Maria.
" At ang pinaka importante sa lahat. Walang binatang Fuentaverdes ang mananakit ng babae. " tugon ng señore Nathane.
" Pa, hindi naman lalabag si Scarlett at masunurin iyan. Hindi tulad ni bal na panay ang pasaway! " padinig nito sa bal niya.
" Tskk... Hindi mo na pala ako love eh. " tugon ni Athena.
" Sus, totoo naman kasi ang pasaway mo. Magpagaling ka muna at para makagala ka ulit. " payo niya sa kapated.
" Pa, inaaway ako ni kuya. " sumbong nito.
" Ikaw naman Nathane ay wag mong awayin ang kambal mo. Kumain na tayo at may pag uusapan pa kami mamaya. " wika ni Nathane, ang nakakatandang anak nina señore Nathane at señora Maria.

Matapos ang Hapunan ng mga Fuentaverdes ay may pinag usapan ang mga ito. Dinala naman ni Athena sa kwarto niya si Scarlett. " Besh, upo ka at dito ka muna sa kwarto ko. Gusto mo bang kumain ng biscuit? Madami ako rito at si papa ay lagi akong pinag iimbakan. Para daw hindi ako ma boring kapag nagbabasa." sabay pakita niya kay Scarlett.

Athena Pov's
Ang saya - saya ko kaya ngayon at makakasama ko si Scarlett sa pagtulog.
" Wow, ang laki ng kwarto mo at ang dami ng tedy bear. " mangha niya habang nililibot ang paningin niya.
" Gusto mo ba? Bibigyan kita! " sabi ko naman.
" Nakakahiya naman saka wag na, ate. Masaya na akong nakasama ka. " tugon niya. Hala, tinatawag na niya akong ate. Nakakatuwa talaga!
" Gusto mong magbasa? Madami akong books dito! " yaya ko sa kaniya.
" Sige ba! Para makatulog ako. " tugon niya.
" Ay bago ang lahat ay magpalit muna tayo ng pangtulog. Halika at binilhan ka ni kuya ng pang tulog na damit. " balita ko pa sa kaniya.

Dinala ko siya sa dressing room.
" Heto, " abot ko sa kaniya ng pantulog niya.
" Grabi, ang gara nito saka mukhang mahal. " puna niya. Ayan, tinitingnan pa niya kung magkano ang price.
" Isuot muna iyan, Scarlett. Sige ka magtatampo si kuya kapag hindi niya nakitang suot mo ang regalo niya. " sabi ko ng ganun.
" Dito na ba tayo magbibihis? " hiya niyang usisa.
" Oo, talikod ka lang at babae naman tayo. " tugon ko sa kaniya.

Patapos na ako sa pagsuot ko ng pantulog na damit habang siya ay dahan - dahan lang kasi may sugat siya sa tagiliran. " Tulungan na kita diyan. Oh, baka matamaan ang sugat mo. " pag alala ko sa kaniya.

Napamahal na ako kay Scarlett at hindi lang kaibigan ang turing ko sa kaniya kundi pamilya at wife ng kuya ko. " Maraming salamat, señorita. " ayan, tinawag na naman akong señorita. Si Scarlett talaga oh.

Kinuha ko iyong suklay at inayos ang buhok niya.
" Kapag natutulog ka ay magtali ka ng buhok baka maipit. " payo ko sa kaniya.
" Maraming salamat talaga, ate. " ayan, ate na naman ang tawag niya.
" Walang anuman. Tara na at magbabasa na tayo. " labas naming dalawa at inihanger ko ang damit naming dalawa.
" Masyadong mahaba ang pantulog na ito. " puna niya.
" Alam mo kasi na malamig dito kaya ganiyan kahaba ang pantulog natin. Tara at diyan ka muna sa kama. Anong gusto mong libro? Ah, alam ko na about love story ba? " usisa ko sa kaniya at pumunta sa dako ng mga book shelves ko.

Ang dami kayang libro dito. Heto pala at gusto niya ng love story. Kinuha ko na ito at bumalik sa kama.
" Heto, I hope na magustuhan mo. " abot ko sa kaniya.
" Maraming salamat, ate. " pasalamat niya.
" Maglalagay na ako ng mosquito net at magbasa ka lang diyan. " baba ko sa kama sabay hila ng nakasabit na mosquito net sa taas ng kama ko.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now