Chapter 18 Three kinds of Love!

181 7 0
                                    

Pagsapit ng tanghali ay dumating ba ang result na pinakahihintay ng lahat. Ang laboratory results na dala ni Doc. Leo para sa nobya niyang si Athena. Itinago muna ito ng ginang na si Althea at sa pag uwi pa ng lahat nila ito bubuksan.

Habang ang dalagang si Athena ay nasa kwarto ito nagpapahinga. Hindi pa rin siya bumabangon at hindi pa nakapag tanghalian. " Ma'am Althea, maari ba akong umakyat sa kwarto ni señorita Athena para dalhan siya ng pagkain? " paalam ng binata mama ng nobya niya.

Kaagad namang pumayag ang ginang at inihanda ng tanghalian ng mahal nitong anak na dalaga.

Doc Leo Pov's (Yjune Xell Dell Vergara)
" Ano ba ang nangyayare sa kaniya at hindi siya nagtanghalian? Masama kaya ang pakiramdam niya?" Mga tanong na sumasagi sa aking isipan. Hindi naman kasi ganun siya kanina. Hay, ang hirap ng ganito ang sitwasyon niya. Masyadong mahirap para sa akin.

Pagkarating ko sa tapat ng pintuan niya ay agad akong kumatok. Pero walang sumagot kaya nagpaalam muna ako bago pumasok. " Señorita Athena, si singkit ito at papasok ako sa kwarto mo. " malakas kong paalam para magising siya.

Pagdating ko sa loob ay bumungad sa akin ang nobya kong tulog. Masama kaya ang pakiramdam nito? Sabay dampi na rin sa noo niya at inilapag ko muna ang dala kong pagkain para sa kaniya. Teka, hindi naman mataas temperature niya. Siguro napagod lang ito kanina.

Kaya minabuti ko siyang gisingin, " señorita, " tawag kong tapik sa braso niya. Kapag ito talaga hindi nagising hahalikan ko talaga ito. Ay loko ka talaga Yjune! Umayos ka nga at trespassing ka!

Aba, di ako narinig. " Señorita Athena, " tawag ko pa at tinapik ulit. Hampasin ko kaya ng unan. Ay maawa ka naman Yjune. Babae ito eh! Ano kaya problema nito at ayaw pang magising. Anong oras na oh.

Sa kabilang banda.
Sa May Hacienda, naroon ang magkambal na sina Grace at Nathaniel. Namalagi muna sila sa San El Vador. Naglalakad ang dalawa habang panay ang suyo ni Nathaniel sa kambal niyang napaka ganda sa pinaghalong morena at kutis amerikana.
" Kuya, tigilan mo na 'yan. " inis na sambit ni Grace na napipikun na.
" Ayoko nga, ikaw nag bebe ko. " yapos pa niya dito na lubos ng ikina pikun ng dalaga.
" Kuya, sabi ng kalasin mo na eh. " inis nitong tugon na tila nagtatampo na.
" Teka, bakit ayaw mo nang nilalambing kita? " pranka niyang usisa sa kapted.
" Eh kasi nga naiilang na ako. " sabat nito.
" Kung ayaw mo na ata akong maging kambal. Doon na nga, " tampong alis ng binata.

Grace Mondalo Pov's
Hala, nagseselos na naman siya. Napaka ano talaga ni kuya. Naiilang lang naman ako. Panay tuloy ang away namin. Bakit ba kasi nasa akin ang lahat ng atensiyon niya? Ayaw ba niyang mag asawa? Hayst, naalala ko tuloy iyong nangyare nong nakaraang mga araw. Dahil sa akin ay lumayas siya at naglasing. Ayaw niya talaga akong magmahal ng iba kasi ang selfish niya pagdating sa akin.

Susundan ko nga siya at nagtatampo pa. Iyong nag aaral nga kami ay binabatukan niya ang mga boy classmates na lumalapit sa akin. Pinagselosan niya lahat at wala siyang sinanto. Lagi siyang nakabuntot sa akin. " Kuya, hintayin mo ako at mainit. Nangangati na ang binti ko. " arte ko ng bahagya.

Tingnan lang natin kung hindi siya babalik. " Aba! Nag iinarte ka na naman diyan. Palibhasa ikaw ang weakness ko. " balik niya sa akin na may dalang sermun. Ayieee.. Si kuya Nathaniel talag napaka rupok pagdating sa akin.

Niyakap ko siya bigla ng mahigpit na mahigpit. " Kuya, wag ka nang magtampo at gurang ka na. " saad kong inis sa kaniya. " Gurang pala ha! " sabay hawak niya sa baywang ko at hinila bigla.

Mama ko! Galit na naman siya at kilala ko ang titig niyang ganiyan. Para siyang mangangagat ng tenga. Huhuhu, " Kuya, iiyak talaga ako at magtatampo. " sabi ko sa kaniya. Tutuhanin niya talaga ang binabalak niya sa akin. Isusumbong ko talaga siya kay mama at lagi nalang siya ang nasusunod.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now