Chapter 28 Inaasam na pagmamahal

171 8 4
                                    


Napatitig ako kay bal na tila may nais siyang sabihin sa hapag kainan. Kanina pa siya tahimik at nakikinig lang. " Bal, may sasabihin ka ba? " baling ng usapan namin sa kaniya.
" Gusto ko nang lumpia at sandwich. Gusto kong kumain ng kumain at magpapataba ako. " loko niyang sabi na ikinatawa namin bigla.
" Paki-ulit nga, my princess? " sabi ni papa at napakamot na lang bigla si bal.
" Papa naman. Gusto ko ng sandwich at lumpia. " inis niyang sabi na ikina-tayo ni papa.
" Yjune, samahan mo ako at para naman malaman mo kung anong gusto ng anak ko. " sabi ni papa.
" Sige sir Ethane. " tayo nito.

Nagtuksuan na lamang kami at bahagya kong nahawakan ang kamay ni Scarlett at sinadyang ipinakita ko sa kanila. " Ayiee.. " tilian nilang tuksuan nila sa amin.

Hinalikan ko pa ng bahagya ang kamay niya na mas lalong nagtilian sina tito sa amin. Pati nga si Scarlett ay kinikig na rin. " Ma, katabi ko na siya matulog mamaya. " sabi ko habang nakangiti kay mama.
" I'm so happy for you, anak. " hug ni mama sa akin at inabutan ng litle box ang wife ko.
" Thank you ho, mama Althea. " pasalamat niya.
" You're welcome, Scarlett. " tugon naman ni mama.

Nang makarating sina papa galing ng kusina ay agad nagtilian ang lahat. Nabaling na naman ang atensiyon nila kay singkit na may dalang sandwich para kay bal.
" Para sayo señorita at paumanhin sa ginawa ko kanina. " abot niya ng bahagya na ikina-ngiti ni bal.
" Salamat. " tugon niya na halatang natakam sa sandwich na gawa ng mahal niyang nobyo.
" Ehem. Langgamin kayong dalawa diyan. " puna ni papa sa kaniya.
" Teka, saan na ang lumpia? " hanap ni bal kay papa.
" Heto at baka ubusin mo 'yan lahat baka masubrahan ka. " paalala ni papa.
" Hindi ko naman uubusin 'to. " sabi ni bal at puno pa ang  bibig niya.
" Apo, h'wag magsasalita kapag puno pa ang bibig. " sabi naman ni lola sa kaniya.
" Inuman na tayo. Labas na 'yong wine diyan. Let's celebrate at hindi muna tayo papasok bukas. " sabay toast ni papa sa lahat.

Nagsaya kami matapos ang hapunan. Kwentuhan at biruan. Naglabas ng snacks si mama at busog na busog na kami. Isang shot lang ang natanggap ko baka daw malasing ako.
" Thank you Scarlett at pinasaya mo 'tong anak namin. " sabi ni papa at namumula na ang mukha. Lasing na siya at lagot siya kay mama.
" Walang anuman ho, papa. " tugon niya.
" Ethane, akyat na tayo at lasing kana. Hindi kita mabubuhat at mabigat ka. " Sabi ni mama sa kaniya.
" Tol, maiwan ko muna kayo. Mga anak, magpapahinga na si papa. Good night sa inyo. " paalam ni papa at nakaalalay sa kaniya si mama.
" My princess, mag usap pa kayo ni Yjune at para magkaunawaan kayo. " bilin ni mama kay bal.
" Huy singkit, baka nakawan mo na naman ang anak ko ng halik. Sasapakin na talaga kita. " banta ni papa kay Yjune na nasa tabi ni bal.

Yumuko na lang si Yjune kay papa at napatayo ako ng bahagya. Kinuha ko iyong kamay ni Scarlett.
" Paano maiwan muna namin kayo at pagod na ang wife ko. " paalam ko sa kanilang dalawa.
" Kuya, congrats ulit sa inyo ni Scarlett. " tayo ni bal ng pagbati at yakap.
" Maraming salamat, ate. " tugon naman ni Scarlett.

Hindi pa nakakahakbang si Scarlett ng bigla ko siyang binuhat na ikinagulat niyang lubos. She's so cute kapag kinakabahan. " Behave ka lang diyan at alam kong pagod ka rin.

Hindi na lang siya umimik sa pagkabuhat ko sa kaniya. Para siyang kuting na napaka-amo ngayon. Sa wakas ay sa kama ko na siya matutulog.

Scarlett Pov's
Para pa din akong nanaginip ngayon. Buhat - buhat ako ni sir Nathane sa mga braso niyang matitigas. My ghad... Magtimpi ka Scarlett baka ka niya marinig sa pagtitimpi mong 'to.
" Sir Nathane, naayos na ho namin ang kama niyong mag-asawa. " sabi nong manang na nakasalubong namin.
" Ok, " tipid niyang tugon at pumasok na sa kwarto niya.
" Wow, " react kong sambit sa bumungad na desenyo ng kama sa akin.
" Welcome to our home, Scarlett. " at bahagya niya akong ibinaba sa kama.

Ang lambot niya talaga kaya siguro ay masarap ang tulog niya palagi.
" Here, palit kana at magpahinga. " abot niya ng pantulog na damit sa akin na parang dress pero napakahaba.
" Thank you sir. " tugon ko ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at bahagyang hinubad ang shoes kong masakit na sa paa.
" Heto suotin mo at malambot ito sa paa. Pagkatapos mong magpalit ay matulog kana at may titingnan lang ako sa email ko. " pagkasabi niya ng ganun at hinagkan ako sa noo.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora