Chapter 25 Wedding Celebrations

143 6 0
                                    

Habang nagsasaya ang lahat at nagku-kwentuhan sa selebrasyon ng bagong kasal. Mapupuna naman ang pagka-walang imik ni Scarlett sa tabi ng husband nitong si Nathane.
" Are you ok? Kanina ka pa walang imik diyan. You're not eat your foods. " usisa niya sa wife nito.
" Naninibago lang ako sir Nathane. " tugon ni Scarlett at bahagyang uminom ng tubig.
" Hindi ko na nga pinarating sayo ang wine dahil masyadong matapang. Just calm at your seat at maraming camera ang nakatuktuk sa atin. Just smile. " ngiting bahagya niya sa asawa na may kasamang ngisi.
" Sir hindi naman 'yan ngiti. " puna ni Scarlett na biglang napatawa ng bahagya.
" Ganiyan dapat. Ngiti lang at pinapanood nila tayo. Tingnan mo nga naman sina bal. Mukhang may war na naman sa pagitan nila ni singkit. " baling ng usapan nito.
" Eh sir Nathane, anong oras ba matatapos ito? " usisa niya.
" Mga dalawang oras pa at wala pa nga ang pagsayaw ko sayo sa harapan nila. " tugon naman niya.
" Sir naiihi ako eh. " hiyang wika ni Scarlett na ikinatawa naman ni Nathane.
" Ang cute mo talaga. Halika samahan na kita. " tayo niya sabay abot ng kanang kamay sa babaeng pinakasalan niya.
" Sir naman. " inis nitong tugon.

Nathane IV Pov's
Grabi, kanina pa pala siya naiihi pero ngayon lang nagsabi. Heto nasa pintuan ako ng Cr habang hinihintay ko siya. " Hey mi wife, ayos ka lang ba diyan? " usisa ko sa kaniya. Napaka tahimik kasi.
" Sandali na lang sir Nathane. " tugon niya. Sir Nathane na naman ang tawag niya sa akin.
" Just call me Nathane na lang kasi para namang employee kita. " tugon ko naman sa kaniya.
" Ok po. Hindi kasi ako sanay. " dagdag pa niya.
" Masasanay ka rin at mas lalo na dahil araw - araw mo akong makakasama. " pa alam ko pa sa kaniya.

Wala na akong hihilingin pa. Mamaya sa kama ko na siya matutulog. Mahahawakan ko na ang buhok niya. Makukumutan ko na siya. At higit sa lahat ay kabiyak ko na siya. Ito ang pinaka challenging na parte ng huhay, ang pag aasawa. Sabi nga ni mama na gagabayan niya kami ni Scarlett. Si papa daw ang magpapayo sa akin kung anong mainam na gawin kapag nag-away kami ni Scarlett. Naisip ko tuloy na aasarin ko lang siya tapos susuyuin. Pinangako sa sarili ko na hindi ko siya aawayin.

Napa- atras ako sa pintuan ng marinig ang yabag niya.
" Tapos ka na ba? Baka maihi ka na naman sa kagwapuhan ko. " inis kong sabi sa kaniya. Ayan siya at napatitig bigla sa mukha ko.
" Saan banda, sir? " usisa niya. Damned! Saan daw banda? Anak nang.. Hindi siya nagwa-gwapuhan sa akin?
" Tskk. Tara na nga. " inis kong yaya sa kaniya.

Sa Kabilang banda naman.
Sa mesa nina Yjune at Athena. Wala pa ring kibo ang nangyayare. Nagtatampo pa rin si Athena sa nobyo nito. " Uy, galit ka pa rin sa akin? Sorry na. " suyo ni singkit sa kaniya.
" Sorry ka doon sa hospital mo. Hindi ka man lang nag-text na mali-late ka pala. " tampo pa ng dalaga.
" Athena, sorry na oh. Kanina ka pa walang kibo sa akin. " suyo ni Yjune sa kaniya na halos ilang oras na ding hindi siya pinapansin ng nobya.

Walang nagawa si Yjune kundi makikipagtitigan lang sa nobya niya. Napatayo siya ng bahagya at pumunta sa wine area. " Oh, naka-usap mo na ba si Athena? " usisa ni sir Ethane ng makasalubong ang binata.

Napatitig siya sa nobya bago sumagot. " Hindi pa nga sir Ethane at mukhang malalim ang tampo niya. " wika ng binatang problemado sa nobya. Hindi niya kasi ito masuyo-suyo.

Yjune Pov's
Hayst. Ayusin mo kasi singkit at kasalanan mo. Nangako ka pa naman sa kaniya na sabay kayong tutungo sa simbahan. Tapos na-late ka pa.
" Oh, ba't alak ang kinuha mo? Maglalasing ka ba? " usisa ni sir Ethane sa akin ng mapuna ang kinuha kong alak.
" Ayaw akong pansinin ni Athena kaya iinum na lang ako. " tugon ko naman.
" Sesermunan ka talaga ng nobya mo. Sige ka, " paalala ni sir Ethane sa akin.
" Ayos lang sir at hindi naman ako matiis ni Athena. " ngisi kong tugon.

Bumalik na ako sa upuan ko. Andoon pa din si Athena at hindi pa rin ako pinapansin. Kumakain siyang mag isa habang ako ay naghihintay na pansinin niya.

Tingnan ko lang kung hindi mo ako pansinin kapag nalasing ako sa alak kong iinumin. Malakas ang tama ng alak kong hawak at paniguradong wala akong maalala kinabukasan.

Sa Mesa naman ng mga ginoong Fuentaverdes. Nakatitig ang mga ito sa nagtatampuhang magkasintahan. Habang may hawak na wine.
" Kuya, ang astig talaga ni Athena. Napaka haba ng tampuhan nila ni Yjune. " ngising wika ni Athane.
" Ayan, may hawak na wine si Doc Yjune. Mukhang may maitutulak sa pool mamaya. " tawang dagdag ni Diego.
" Hayaan niyo sila at mukhang may balak si Athena. " tugon naman ni Ethane.
" Papa, " kalabit nang munting señorita suot ang puting dress na magarbo.
" Oh baby ko. Halika dito kay papa. " buhat ni Ethane sa baby Thea niya.
" Why po hindi nag iimikan sina ate Athena at Doc Yjune? May problema po ba sila, papa? " usisa ng inosenteng munting señorita.
" Ang kulit mo talaga. Hayaan mo sila at ganiyan talaga kapag magkasintahan. " paliwanag niya sa anak.
" Papa, " kalabit naman ni baby Sabel sa papa Diego niya.
" Mis mo agad si papa. " karga niya rito.
" Ang pogi niyo po papa. " hawak niya sa pisngi ng papa niya at saka hinagkan.
" Hindi na ba ako love ni papa? " wika naman ng munting señorita na si Reina. Iiyak na sana ito ng biglang inisin ng papa niya.
" Aba! Iiyak ang pangit kong baby. " asar pa ni Athane sa bunso nito.
" Your so bad papa. " hampas niya sa braso ng papa niya.
" Asus! Magsumbong ka doon sa mama mo. Mag-join force pa kayo. " loko pa niyang sabat sa anak ng biglang dumating ang mama nito.
" Ano na naman 'yan? " usisa ng ginang na may magandang katawan, mahaba na itim na buhok, at napaka gandang ginang na si Renarose.
" Mama, inaaway ako ni papa. Isa-sako niya daw tayo. Tapos itatapon. " sumbong nito.
" Damned. Hindi ko sinabi 'yon. " alma nito.
" Ewan ko sa 'yo. Hali ka baby Reina. " sabay irap sa asawa niya.
" Tskk. Magsama kayo ng anak mong pangit. " pahabol pa nitong asar sa asawa.

Magtatawanan na lamang ang magkakapated habang nakikipag kulitan ang dalawang naiwan na munting señorita. " Papa, eat na po kayo. " subo ni Thea ng pagkain sa papa Ethane niya.
" Papa, kayo din po. " subo naman ni Sabel sa papa Diego niya.
" Sana all! " sambit ni Diego at sabay na nagtawanan.

Sa magkambal namang sina Grace at Nathaniel.
Parang lalanggamin sa sobrang sweet ang dalaga habang nagsusubuan ng pagkain.
" Sandali, " kuha agad ng tissue at pinunasan ang bibig ng kambal niya.
" Salamat kuya. " ganting kurot ni Grace sa kuya kambal niyang si Nathaniel.
" Kain ka pa at puntahan natin si Athena. Mukha kasing hindi pa sila nagba-bati ni Doc Yjune. " puna ni Nathaniel na noo'y nahagip ng paningin niya ang dalawa.
" Hayaan mo kuya at magkakabati din ang mga 'yan. Look kuya, ang cool ng isang guest. " turo ni Grace sa umpukan ng mga panauhing spanyol.
" Tskk. Mas cool ako diyan. " pa-tampong inis na sambit nito.
" Ayie.. Selos ka na naman. " tukso niya sa kuya kambal nito.
" Tskk. Kumain ka nalang. " sabay subo niya sa kambal.
" Kuya, wala ka na bang balak na mag asawa? " usisa na naman niya sa kuya kambal niya.

Nathaniel Pov's
Tssk. Kainis si Grace at may nakita na namang iba. Andito naman ako eh. Mas cool pa nga ako doon sa tinuro niyang lalaking Spanish. Basta, ayokong tumingin siya sa iba. Gusto ko akin lang siya. Akin lang ang kambal ko. Kahit na tatanda akong walang kasama. Ayos lang dahil siya naman ang makakasama ko.

Habang ang lahat ay nagsasaya. Mayroon namang hindi maipinta ang mukha habang nagtatampuhan.
" Athena, sorry na oh. Maglalasing talaga ako dito. " wika ng binatang si Yjune na kanina pa sinusuyo ang nobya.
" Mag-lasing ka diyan at nang matulak kita sa pool. " tugon niya sa nobyo.
" Kausapin mo kasi ako bago pa maubos itong wine na hawak ko. " pakiusap nito sa kaniya.
" Diyan ka na nga at naiinis pa rin ako sayo. " iwan sa kaniya nito.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now