Chapter 8 Red Dress!

272 11 0
                                    

Maagang nagising si Nathane para tapusin ang papers work niya at samahan ang dalawang dalaga sa pamamasyal nito.
Mapapansing gising na rin ang magkakapated naFuentaverdes para sa kanilang maagang mga schedule sa trabaho.
Magbabatian ang mga ito habang nagkakasalubong sa sala.
" Good morning, Athane. " bati ni Ethane sa kaniya.
" Good morning kuya! " bati naman nito at saka umupo sa sofa.
" Good morning mga kuya! " bati ng ginoong si Diego kasama ang nagbibinata nitong anak na si DJ o mas kilalang Diego James Brylle Terrence Yhune Vel.
" Good morning po, mga tito! " bati ng nagbibinatang anak.
" Teka, nangangamoy chiks na si Dj baka may nobya na iyan. " pabirong wika ni Ethane sa pamangkin.
" Kuya, baby pa ito saka lagot siya sa mama niya kapag nagdala siya ng chiks dito. " wika ng papa nitong Si Diego Yjune.
" Mag aaral pa po ako saka aalagaan ko pa ang kapated ko. " tugon ni Dj na tinutukoy ang kapated nitong si Sabel.
" Good morning papa! Good morning mga tito! Kape muna kayo. " alok ng binatang si Nathane na galing sa kusina at dala ang isang tray ng kape.
" Aba! Mukhang may nagiging nagmamature na ang pag iisip diyan. " padinig ng papa nito.
" Pa, magiging husband na ako at sasamahan ko sila mamaya. " tugon naman ng binata.
" Ehem! Inlove kasi iyan! " wika naman ng tito Athane nito.
" Ganun naman talaga kapag natamaan ay hindi ka talaga makakailag! " dagdag pa ng tito Diego niya.
" Pinagdaanan din naman natin iyan. Mas nauna nga kayo sa akin. " wika naman ni Ethane.
" Oo nga at nakakatawa kung babalikan. " halakhakan ng mga ito sa kalokohan nila dati.

Maghihintuan na lamang sila ng marinig ang mga yabag na pababa ng hagdan.
" Good morning! " bati ng tatlong ginang habang hawak - hawak ang mga anak nilang babae na makukulit.
" Good morning! My lovely pangit na Althea! " tayong bati ni Ethane sinalubong.
" Papa, " tawag ng isang munting bata na nagpaiwan sa hagdan na halatang nagtatampo.
" Hala, Diego nagtatatampo ang prinsesa mo. " wika ni Athane.
" Hindi na ako love ni papa at si kuya ang kasama niya. " tampo nito na siya namang nagtawanan ang mga ginoo.
" Kausapin mo iyang anak mo at hindi mo siya napatulog kagabi. " wika ni Jucivel sa asawa niya.
" Ay, nakalimutan ko pala. Sus, magtatampo ka pa kay papa. " lapit nito sa anak na nakaupo sa lapag.
" Huhuhuhu...... I hate you papa! " hikbi na nito na siya namang narinig ng mga pababa mula sa kani - kanilang kwarto.
" Shhhhhhh... Tahan na. Baby Sabel naman! " pagtatahan nito sa anak.
" Papa, " sambit pa nito habang humihikbi.
" Oh, anong nangyare diyan sa apo ko? Ang aga - aga eh. " usisa ng mama nilang si Maria kasunod nito ang papa nilang si señore Nathane II.
" Umiiyak na naman ito. Matampuhin eh! Uy, babawi na si papa. " hawi nito sa luhang umaagos sa pisngi ng mahal niyang anak.
" Baby, busy lang talaga ang papa mo. " paliwanag nito sa anak.
" Ayos na po mama at papa. Naiintindihan ko naman po kaso nalungkot ako kagabi. Hindi ako matulog." balita ng munting señorita na si Sabel na pinag alala ng lahat.
" Apo, hindi ka nakatulog? Paano? Anong ginawa mo? " usisa ng lola Maria nito.
" Sabel, dapat pinuntahan mo kami ng mama mo. Andiyan naman ang kuya mo. " paliwanag nito sa anak.
" Eh papa, baka natutulog na kayo kaya nagbasa nalang ako. May natapos na nga akong libro. Nag advance study nalang ako kaysa sa tumunganga. " wika ng cute na si Sabel.

Napanganga na lamang ang mama at papa niya. Pati ang mga tito at tita nito. Ang lola naman niya ay napatitig sa asawa nito. " Grabi, ang good girl ng baby Sabel namin. Halika rito, ano bang gusto mong gawin ng papa para makabawi? " usisa niya sa anak nito.

Napaisip na lamang si Sabel, " Ahm, gusto ko pong maglaro tayo ng habul - habulan. Tapos gawan niyo po ako ng healthy sandwich. At maliligo tayo sa pool. " wikang bibo ni Sabel na ikinatuwa ng lahat.

Napakiss na lamang ang papa Diego niya sa pisngi ng anak nito.
" Sige at gagawin natin ngayon. Hindi muna papasok ang papa! Bonding tayo ng kuya mo. Jucivel, may lakad ka ba? " usisa nito sa asawa.
" Wala naman. " tugon nito.
" Eh di samahan mo kami at tuturuan natin silang lumangoy. Paano iyan mga kuya at hindi muna ako makakapasok. " pa alam ni Diego sa mga kuya niya.
" Ayos lang at tatawagan ko nalang secretary mo. " tugon ng nakakatanda niyang kuya na si Ethane.
" Maraming salamat mga kuya! " pakikipag yakap nito na tanda ng pasasalamat.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now