Chapter 20 Moment at the hospital!

181 11 4
                                    

Habang nasa labas si Mr. Ethane ay nagising naman si Athena na ang unang sinambit ang pangalan ng papa niya. " Ma, nasaan ho si papa? " unan niyang hanap at agad na tinawag si Ethane ng anak niyamg binata.

Magkahalong tuwa at pag aala nag sinalubong niya sa anak ng makitang gising na ito. Kaagad siyang tumabi at niyapos ang anak. " I'm so glad at nagising kana. Ano ba kasi ang pumasok sa ulo mo at nagawa mo akong tulakin kanina? Muntik ka nang madamay sa sabog, Athena. Pakiusap, mag ingat ka naman. " Wika niya sa anak nito.

Mangingiti na lamang siya na ikinagulat naman ng lahat.  " Don't worry mama at papa. Lolo at lola, saka hindi ako titigil hangga't may panaginip akong hindi maganda. Ayaw ko namang sumabog iyong bomba sa opisina mo papa at ayokong mawalan ng papa ulit. Mahal na mahal ko kayong lahat at gagawin ko lahat para maprotektahan kayo. Gagamitin ko ang kakayanan ito sa tamang paraan. " paliwanag ni Athena na ikina lungkot ng papa niya.

Napalabas ito na wala sa oras na tila hindi sumang ayon sa winika ng anak niya. Hindi niya nais na mapahamak ang mahal niyang anak sa ganung paraan. " Hindi pa ako handa, Athena. " ang pananambitan ng isang amang ayaw na laging napapahamak ang pinakamamahal niyang anak.

Athena Pov's
Hindi ko alam pero nagtatampo si papa sa akin. Ayaw niya kasing lagi akong napapahamak at sang ayon din sila lahat. " Ma, uwi na tayo saka galos lang naman ito. " bangon ko bigla at wala akong pakialam kahit pigilan ako nila. Malayo pa naman ito sa bituka at kailangan ng lahat ang tulong ko kaya mananatili akong private interpol.

Alam kong ayaw nilang maging Interpol ako pero gusto ko ito. Gustong labanan ang lahat ng mga taong gustong pumatay sa mga inosente. " My Princess, hindi ka pa pwedeng umuwi. Hindi ka pa pinapayagan ng doktor mo sa pag uwi. " pigil ni mama sa akin.

Nilapitan ko siya, " Ma, don't worry about me kasi kaya ko ang sarili ko. Ako ata ang anghel na pinadala mula sa kalangitan. Nabuhay ako ng paulit ulit kaya dapat lang na suklian ko ito. Hindi ko babalewalain ang mga panaginip ko. " paliwanag ko kay mama.

Ganun din sina lolo at lola. " Lola, ayos lang po ako. Kuya, hindi mo naman kasalanan saka mag isa kong haharapin ang nakatadhana sa aking kapalaran. H'wag na kayong mag alala at hindi naman ako mawawala. " suyo kong paliwanag sa kanila.

Si lola kasi ay hindi rin sang ayon at mas lalong si papa. Lumabas nga siya kanina dahil sa sinabi ko.
" Ma, labas lang ako saka gusto ko nang umuwi. Kasal na kaya ni kuya sa susunod na araw. " paalala ko sa kanila ng ganun. Aba, ayaw ngumiti ni kuya.
" Oo nga, si Thea nalang ang mayayakap ko. " padinig ni mama. Hala, nag eemote din tulad ni papa.
" Ma, basta ako ayoko pang ikasal at magtatapos muna ako. Puntahan ko lang ho si papa sa labas." paalam ko ulit habang naka suot ng patient dress.

Paki ba nila at nakakalakad naman ako. Galos lang naman ang natamo at pag uuntugin ko talaga ang ulo ng hayop na lalaking iyon. May balak talaga siyang patayin ang papa mo. Para ano? Para maging sa kaniya ang company na pinaghirapan ng papa ko. Aba! Hindi ata pwede! Siya muna ang una kong papasabugin! Lagot talaga siya!

Andito na ako sa labas at nakita ko si papa na nakikipag usap doktor ko. Ang singkit kong nobyo na halos napagkamalan ng intsik! " Pa, " tawag ko sa kaniya na at lumingon sila sa akin.

Ayan, nagtaasan ang mga kilay nila. Tskk, galit na naman sila sa akin.
" Pa, uwi na tayo. " yaya ko sabay yakap sa bisig ni papa at inirapan si singkit. Nakakainis ang mga mata niya.
" My princess, hindi pa nagbibigay ng permiso ang doktor mo. " tugon ni papa sa akin.
" Magaling naman ako ah. Galos lang naman ang natamo ko. " tugon ko habang nakikipag eye to eye kay singkit. Ang singkit na ito! Sarap niyang untugin este nakaainis pala.
" Tskk.. Pasaway ka! Wait for my advice bago ka umuwi. " sabay walk out niya. Tskk. Kinilig lang naman sa mga titig ko at ayaw pa niyang aminin.
" My princess, hindi ko gusto ang ginawa mo kanina. You're putting your life in danger. Dapat pinaubaya mo na sa akin. Naitulak mo pa ako at masakit ang likod ko. " reklamo ni papa sa akin. Ay, kailangan niya din ng suyo.
" Pa, sorry na po saka sabihan ko si mama para masahiin kayo mamaya. Sorry po talaga saka love na love ko kayo. Ayokong mawala ang pinaka pogi kong papa. " yakap ko habang sinusuyo siya sabay pa cute ng mga mata ko.
" Aba, dinadaan mo na naman ako diyan. Halika at sa loob na tayo. " sabay buhat sa akin ni papa na ikinabigla ko.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Kde žijí příběhy. Začni objevovat