Chapter 9 Breakfast!

217 14 0
                                    

Hindi na lamang nakaimik ang binatang si Nathane na tila tinamaan nga talaga sa pormal na ayos ng dalagang si Scarlett. " Ehem, baka matunaw si Scarlett. " padinig ng lahat sa kaniya.
" Tskkk... " sambit lang ng binata na tila halatang nagkunware pa at bumalik sa kusina.
" Wahahaha.. Nakita niyo iyon? Ganun ang reaksiyon ng nagagandahan at laglag mga mata ng isang binata. " wika ni Ethane at nagtawanan ang mga ito.
" Halika ka Scarlett at maupo ka muna. My princess, mukhang pinaganda mo talaga si Scarlett at alam mo naman na namangha talaga ang kambal mo. " wika ng mama Althea nito.
" Eh ma'am, bakit ganun ho ang reaksiyon niya? Magpapalit nalang kaya ako ng damit. Ang haba - haba nito at baka maapakan ko. " pag alala ng dalaga.
" Ikaw talaga Scarlett at wag mo nang palitan iyan dahil mas gusto ni Nathane na mahaba ang suot mo." wika sa kaniya ni ma'am Althea.
" Pa, kailan magsisimula pag aaral namin ni Scarlett? " usisa ng dalagang si Athena. Mahihinto ang papa niya na nagbabasa ng diyaryo.
" Ah, sa susunod pa na linggo. Oo nga pala, bukas ay therapy mo at sasamahan ka muna ng kuya mo. Isama niyo na din si Scarlett. " balita nito.
" Eh pa, pwede bang mag aral ako ulit. Gusto ko sanang kumuha ng General Academic Strand. " pa alam ng dalaga sa papa niya.
" Hala, mag uulit ka ulit? Paano iyan mahuhuli ka? " usisa niya sa anak nito na ikinagulat din ng lahat.
" Oo papa saka gusto kunin iyon ulit at matapos ko. Pero pagkolehiyo ko ay kukuha ako ng Financing at tutulungan ko kayo, papa. " paliwanag ni Athena na ikinangiti ng lahat.
" Baka mahirapan ka, anak. Lahat ng subjects ay binibigay sa GAS at dapat walang atrasan. " wika ng mama niya.
" Oo nga naman at mahirap iyon dahil maraming subjects. Naranasan mo na din iyon dati diba at pinapagalitan kita dahil sa anong oras ka na natutulog. " paalala niya sa anak nito.
" Pa, gusto ko nang tapusin iyon at gusto ko mag explore. Sige na please, " pagmamakaawa ni Athena sa papa niya.

Mapapa isip na lamang si Ethane sa sandaling iyon ng biglang may tumawag mula sa kusina.
" It's breakfast time na! " sambit na tawag ng binata na ikinatayo ng lahat.
" Maya na tayo mag usap, anak. " tugon ni Ethane rito.
" Halika na Scarlett at maagang nagising si Nathane. Alam mo ba tinapos niya ang mga papers work niya at nagluto pa. At dahil iyon sayo kasi nga sasamahan niya kayo ni Athena sa pamamasyal. " kwento ni ma'am Althea sa dalaga habang papasok ng hapag.
" Mama Althea, maraming salamat ho! " sambit nito na siyang dahilan ng paglingon ng lahat.
" Woah, ang cool ng pagsambit niya. Paano kaya ako? Ano kaya ang itatawag sa akin? " padinig ni Ethane na tila gustong niyang tawagin na siyang papa ng dalaga.
" Tama na iyan at mag umagahan muna kayo. " asikaso ni Nathane ng umagahan nila.
" Kuya, maganda ba si Scarlett? " usisa ni Athena sa kaniya.
" Bal, umupo ka lang nga! " sabat niya sa kapated nito

Titigan naman ng lahat si Nathane na tila halatang nagpapaka abala para hindi masulyapan ang dalagang na siyang dahilan ng pagkamangha niya kanina.

Nathane Pov's
Matapos kong magserve ng sopas sa kanila ay inilabas ko na ang mga gawa kong omelet egg with rice. Inilagay ko sa harapan nila ang mga gawa kong breakfast sandwich.
" Heto papa para sa malamig na umaga. " lagay ko ng mainit na sopas sa mangkok niyang pinggan.
" Mumhang masarap ito! Thank you, anak. " tugon ni papa.
" Hi my little Princess. Heto ang sa'yo at wag kang makalat. " payo ko sa kapated naming bunso ni bal na kapag kumakain ay laging basa ang damit niya.
" Thank you po kuya! " sabay suhol niya ng kiss sa akin.
" Hi lola Maria! Anong gusto niyo? " usisa ko kay lola na nakangiti lang sa akin.
" Apo, lola is so proud of you! " kurot ni lola sa pisngi ko.
" Lola talaga, " tugon ko at nilagyan ang mangkok niya.
" Apo, ang ganda ni Scarlett at napaka pormal niya ngayon. " wika ni lolo sa akin. Sus, sinasadya talaga niyang sabihin para lumingon ako.
" Nathane, umupo kana at magbreakfast dahil kanina pa dito at alam kung gusto mong pagsilbihan itong magandang dilag. " si papa talaga ayan na naman. Ako na naman ang nakita niya.

Umupo na nga ako sa pwesto ko sa tabi ni Scarlett. Ewan ko ba kung bakit binihisan ito ni bal. Ayaw ko pa namang tinititigan siya. " Ayieeee.. May LQ ang dalawa. Lingon - lingon din pag may time. Sayang naman ang bihis ni Scarlett kung hindi mo papansinin. " tskk.. Si papa talaga napaka ano sa akin. Ako na naman ang nakita. Hay naku!

Napa ekis ang mga braso ko sa sabdaling iyon. Katabi ko kasi si mama sa right side ko at sa left side ay si Scarlett. Unti - unti kong inilingon ang mga mata ko sa left side ko.
" Ayiiiee, si kuya oh! " tukso pa ni bal. Isa pa ito at siya talaga ang puno't dulo ng lahat.
" Scarllet, kamusta ang sugat mo? " usisa ko ng ganun. Aba, nagtilian sina tito at si papa ang pasimuno.
" Ayos lang naman sir saka sugat pa rin! " pilosopo niyang sagot na ikinatawa nina papa.
" Aperrrr! " aba, nagkita ang dalawang ito. Ay naku! Ayoko ng mag usisa at walang matinong sagot kang makukuha.
" Bal, " saad kong tawag. Ano nalang ang tinuturo dito kay Scarlett.
" Kuya, tama naman ang sinabi ni Scarlett. " pagmamalaki pa niya. Isa pa ito! Ang utak ng kalokohan.
" Hm, ang sarap ng pagkaluto ng gulat saka nong macaroni. " puri ni lola.
" Masarap po ang omelet saka masustansiya kasi may ampalaya. Hindi ho siya masyadong mapait. " wika naman ni Sabel, ang anak nina tito Deigio at tita Jucivel.
" Gusto ko po iyong sandwich at maraming gulay. Thank you po, kuya Nathane. " wika naman Reina, ang girl na bunso nina tito Athane.
" Anak, anong oras ka ba nagising? " baling ng usapan ni papa. Ay, anong oras nga ba?
" Quarter 3 papa at may ginawa pa ako. " tugon ko naman.
" Siguro kuya iniisip mo si Scarlett kaya nagising ka agad! Siguro hindi ka nakatulog ng maayos. " ayan na naman si bal. Lagi talaga akong napapahamak at magaling siyang manghula.
" Alam mo Scarllet parang paniki itong si Nathane. Gising siya sa gabi pero sa araw inaantok iyan. " laglag na naman ni papa sa akin. Wala talaga akong kawala at ako nalang lagi ang topic nila.
" Baka ho magkasakit kayo sir Nathane. " tskk.. Isa pa ito at tinawag na naman akong sir.
" Isa pang tawag mong sir sa akin at bubuntisin kita ng wala sa oras. " saad kong sambit na pinagtawanan na naman nila ako.
" Wahahahah.. That's a good news! " hala, si papa talaga nanggagatong pa.
" Manang mana lang ang pagiging pikun. " sabat ni mama na ikina irap ni papa sa kaniya.
" At bakit naman? Manahimik ka pangit! " saad na bara ni papa sa kaniya.
" Ikaw ang manahimik! Ulyanin! " saad na sabi ni mama na dahilan ng pagtawa nina tito.
" Ahhh, Ulyanin? Humanda ka sa akin mamaya at aanakan kita ng sampu! " banta ni papa sa kaniya. Hala, napikun na rin si papa kay mama.
" Sus, sauluhin mo muna lahat ng schedule mo. Ulyanin! " saad pang sabi ni mama sa kaniya na bigla nalang nagtaasan ang mga kilay ni papa. Lagot na! Morning War na naman ito!
" Sauluhin pala ha! " sabay hudyta ni papa sa amin na tila pinatatkpan ang mga mata ng mga batang nasa tabi namin.

Kaagad na tinakpan kong hinudyatan si bal na takpan ang mga mata ni Thea. Walang ano - ano'y hinila ni papa si mama at sabay na kinagat sa leeg. " Aray Ethane! " paghampas ni mama sa kaniya. Hala, mukhang nasugatan. " Well, hindi ka pwedeng umalis ng mansiyon and that's an order. " saad pa na sabi ni papa na hindi sinang ayunan ni mama.

Magtatalo na naman sila ng biglang umawat si lolo. Kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.
" Pa, maiwan ko muna kayo at may gagawin lang ako sa taas. " paalam ko na halata namang wala akong ginalaw sa breakfast ko.
" Anak, hindi mo nga nagagalaw iyang breakfast mo. " puna ni mama na pahabol sa akin.
" Busog pa ako, ma. Mauna na ako lola at lolo. " paalam ko pa at saka lumabas.

Dumiretso ako sa labas dahil kanina pa ako hinihintay ng secretary ko. Kahit na 20 years old pa lang ako ay madami na akong hinahawakang trabaho. Idagdag ko na din ang pagpapasaway ni bal dahil at paghated at pagsundo kay Thea. Ang dami ko nang ipon pero worth it lahat iyon kasi nga I found my soon to be wife. Kahit na mas mahirap pa siya kaysa sa status na inaasahan ko. Ano naman ngayon? Gusto ko siyang pakasalan eh.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Kde žijí příběhy. Začni objevovat