Chapter 22 Wedding Preparation

168 5 0
                                    


Isang napaka abalang umaga para sa pamilya Fuentaverdes. Ang araw na iyon ay preparasyon nila para sa kasal kinabukasan ng binatang si Nathane. Abala ito at puno ng kulitan habang nag aayos. Tuksuan at puno ng kalokohan ang mga ginoo. Pinuno naman ng hagikhikan ng mga munting señorita ang pag aayos sa venue ng pagdarausan ng kasal.

Mapapansin naman ang pagharap ng binatang si Nathane sa isang video call at seryoso ito. Sino kaya ang kaniyang kausap at wikang English ang kaniyang gamit. " Ok sir, so may I help you? " usisa niya pa habang ang papa niya ay nakikinig lang sa usapan nito.

Maririnig ang isang tugon, " Mr. Fuentaverdes, your business is so good. We have a lot of products here, so I want to offer you for the good price. By the way, congratulation and you're getting marriage soon." bati nito sa binata.

Ngingiti naman ang binata, " Oh, Thank you sir. It such an honor! So, how's the deal? Do you want to set an appointment? " usisa pa niya sa kausap sa video call.

" Maybe later and tomorrow, I have a flight. So, see you at monday Mr. Nathane Fuentaverdes IV. I was not wrong to business associate with you. Thenk you for responding my video call. " paalam nito.

Napalukso na lamang sa tuwa si Nathane. " Pa, mag e - invest daw siya sa company ko. " lapit niyang balita sa papa niyang kanina pa nakikinig habang inaayos ang mga vase na paglalagyan ng bulaklak.

" Kita ko nga at napakaseryoso mo. Congrats talaga sayo, Nathane. Foreign investors iyon at good luck. " suporta niya sa anak sabay tapik sa balikat nito.

Nathane Pov's
Ang saya - saya ko at nakabingwit ako ng malaking isda. Well, sino ba naman ang mag aakala na mag e - invest sayo ang isang billionaire's business man na mula pa sa Amerika. Isang malaking karangalan iyon para sa akin at sa business kong nagsisimula pa lang. Ewan ko ba kung bakit ako kasama sa Billionare Rank List.

Napabaling bigla ang mga mata ko sa dalagang papakasalan ko. Uy, nakaputi pala siya at labas na labas ang kayumanggi niyang kulay. I can't wait na kasama siyang matulog at makatabi sa kama ko. Napuno ko na ng damit ang kalahati ng kabinet ko at para iyon sa kaniya. Nakabili na din ako ng mga pambabaeng gamit at personal needed niya.

Lumapit ako ng bahagya at umupo sa tabi ni bal. " Hi kuya, gumagawa kami ni Scarlett ng lumpia at ang dali niyang matutu. Oo nga pala, may nakalimutan ako. Sandali lang, " sabay tapik niya sa balikat ko.

Teka, parang sinadyang iwan niya talaga ako sa harap ni Scarlett. Tskk. Nahiya pa ito at lagi naman niya akong nakikita. " Nahihiya ka pa rin sa akin?" usisa ko sa kaniya. Nasa lumpia lang kasi ang buo niyang atensiyon. Paano pa kaya kung mag asawa na kami? Naku! Itong babaeng ito!

Ayan, tinitigan lang ako ng babaeng ito. " Sir Nathane, napaka pormal niyo kasi samantalang ako parang dugyutin. " tskk. Ang liit ng tingin sa sarili niya. Sarap niyang titigan kahit walang ganda.

" Kamusta iyong pagpili mo ng wedding gown? " usisa ko sa kaniya. Napaka tahimik kasi at wala kang makukuha na sagot sa kaniya.

" Ayos lang naman sir at ang mamahal nong gown. Si Athena nalang ang pumuli para sa akin. " tugon niya.

" H'wag kang manghinayang sa pera kasi pwede namang kitain iyon. Pero ang kasiyahan ng tao ay walang katumbas. Sanayin mo na ang sarili mo na magsuot ng dress. Tuturuan ka ni Athena kung paano kumilos sa harapan ng mga tao. Tuturuan ka niya kung paano ang kilos namin dito. Oo nga pala, ihanda mo ang sarili bukas at isasayaw kita sa harapan ng lahat. " pa alam ko pa sa kaniya.

" Sir, kailangan ko pa bang magpaganda? " tanong niya sa akin. Napatawa naman ako bigla at naisip niya talaga iyon.

" Simpleng make up lang ang ilalagay sa mukha mo pero elegante. Tapos aralin mo ang kastilang lengguwahe. Ibibigay ko sayo ang schedule ng klase niyo ni Athena. At wala ka nang dapat ipag aalala. " balita ko pa sa kaniya.

Napayuko nalang siya sa harap ko na kung may anong ayaw niya akong titigan. Sa pogi kong ito! Ayaw niyang titigan. " Handa ka na ba bukas? Para kasing takot kang ikasal sa akin? " puna ko sa kaniya. Hindi ko naman siya sasaktan ah!

" Kinabahan ako sir baka kasi matisod ako sa paglalaakad ko. " tugon niya sa akin. Ang advance nito mag isip eh. Paano naman siya matitisod? Napaka praning talaga nito! Kape kasi ng kape!

" Alam mo h'wag ka ngang iinum ng kape dahil napaka praning mo. Maggatas ka kaya! Gusto mo bang timplahan pa kita? " ay, ano ba itong pinagsasabi ko? Mas praning pa ata ako kaysa sa kaniya.

Aba! Tinawanan ako, " Tssk. Ang gulo mo eh! Bahala ka diyan! " sabay walk out ko. Tskk. Napaka pangit ng babaeng papakasalan ko. Hindi ko maunawaan ang ugali niya.

Napikun na nang tuluyan ang binatang si Nathane at tumungo sa mga tito niya.
" Oh, ba't ganiyan ang mukha mo? " usisa ng tito Athane niya.
" Paano nakakainis ang babaeng iyon! " pabato nitong tugon. Napahalakhak naman ang mga tito niya sabay tutuksuin pa ang binata.
" Ganun talaga! Sige ka, baka umatras iyon bukas. Wala kang Scarlett na ihaharap sa altar! " asar pa ng mga tito niya.
" Subukan niya talaga! " pabato na naman nitong tugon.
" Teka, bumalik kana doon kay Scarlett at kausapin mo ulit. H'wag ka kasing gumaya sa papa mo nananakot. " payo ni Althea sa anak nito.
" Ayoko na, pasok na ako sa mansiyon at titingnan ko iyong susuotin ko. " paalam ni Nathane.

Sa kabilang banda.
Sa umupukan ng mga dalagang Fuentaverdes. Naroon sina Cassandra, Grace at Athena. Nag aayos sila ng dekorasyon. " Athena, ikaw na ang susunod na ikakasal. " wika ni Cassandra sa pamangkin niya.
" Oo nga eh! Kayo naman ang bibihis sa akin ha. " tugon naman ni Athena.
" Basta ako lang ang bride's maid.." sabat naman ni Grace.
" Ang bad talaga ni kuya at iniwan na naman si Scarlett. " puna ni Athena ng matanaw ang kaibigan sa kabilang banda.

Tatawagin nila si Scarlett, " Besh, halika dito. " yaya ni Athena sa kaibigan.
" Loko talaga si Nathane eh. Siguro napikun siya. " tawang sabi ni Grace habang magpipin ng kurtina.
" Sinabi mo pa at gaya siya ni kuya Ethane. " gatong naman ni Cassandra.
" Hi, " bati ni Scarlett sa mga dalaga.
" Upo ka muna at hayaan mo iyong pikun na si Nathane. Ganun lang iyon at di niya ma express ang sarili niya sa harap mo. " yaya naman ni Cassandra sa kaniya na umupo.
" Scarlett, anong impression mo kay kuya? " baling naman ng usapan ni Athena.
" Nahihiya ako sa kaniya. Tapos ang pormal niya kapag kaharap ako. Para nga akong makahiya at tiklop na tiklop pag siya ang kaharap. " tugon naman niya.
" Scarlett, turuan kita kung paano tumayo at paano ang kilos mo. Si Cassandra sa tindig, si Athena sa pagkain at ako naman ay gagabayan kita ng tamang kilos. " yaya ni Grace sa kaniya.

Scarlett Pov's
Grabi, ang gaganda nila. Para akong lunod pag sila ang kasama ko.
" Ganito dapat ang upo! " demonstrate ni señorita Grace sa akin. Ang ganda - ganda niya pero wala pa siyang nobyo. Ayaw kasi ng kambal niya at muntik na itong lumayas.

Uupo naman ako ng bahagya. " Chest in and stomach out. Tapos magkasing taas ang mga balikat mo. " pagtatama pa niya sa upo ko. Napangiti na lamang ako bigla ng sumulpot si Nathane sa harapan ko.

Para siyang babae na sobrang taray. May dala siyang box na medyo may kalakihan. Ano kaya ang laman niyan? " Huy babae, nakalimutan kong ibigay sayo. " sabay abot niya sa akin at umalis agad.
" Ayieee.. Ano kaya ang laman? " usisa nila sa akin.
" Hindi ko siya maintindihan. Ang taray niya sa akin. " tugon ko ng bahagya at hawak - hawak pa rin ang kahon.
" Hayaan mo muna si kuya at mataray talaga siya kapag ganitong araw. " sabi naman ni ate Athena.
" Hi girls, hihiramin ko muna ang babe ko. " sabi naman ni sir Nathaniel at inakbayan si señorita Grace.
" Maiwan ko muna kayo. " paalam niya sa amin.

Grabi, ang swerte naman ni señorita Grace sa kambal niya. Mahal na mahal siya nito at hindi nag asawa dahil ayaw niyang makitang may ibang nagmamahal sa kambal niya.

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now