Chapter 33 Little thing called Love

174 13 4
                                    


Pauwi na ang magkakapated at nagkakatuwaan ang mga ito. Mapapansin namang karga - karga na ni Diego si Cassandra at panay ang tawa nila.
" Grabi, naalala ko pa 'yong naihi sa pants niya si Diego. " sambit na tawa ni Athane.
" Hala. Totoo 'yon? " usisa ni Cassandra sa kumakarga sa kaniya.
" Oo, pero maliit pa ako noon. " tugon nito.
" Nilalamig na ako. " mahinang wika ng dalaga na ikina-saklob ng jacket sa kaniya ng dalawa niyang kamukha.
" Heto, " ayos pa ng pagka-saklob nito.
" Ganiyan boys at h'wag niyo nang asarin si Cassandra. " wika ni Ethane sa mga kapated nitong pilyo.
" Titigil lang kami kapag nagka-jowa na 'yan. " lokong tugon ni Jake na may dalang tawa.
" Oo nga, " gatong pa ni Jack na mahilig ngumisi na parang pang aasar ang dating.
" Sabi ko naman kasi sa inyo na may nagugustuhan ako. " pagtatapat nito.

Napahinto na lamang sina Ethane at umusisa sa bunso nilang kapated na babae sa triplet na iniingatan.
" At sino naman? " pa irap nitong tanong kay Cassandra.
" Oo nga, " sang ayon ni Athane.
" Humanda talaga iyang lalaki na napupusuan mo. " banta ni Diego.
" Ay, h'wag na lang nga at baka suntukin niyo pa. " bawi ni Cassandra.
" Hep hep! Ipakilala mo na sa akin. Para naman makilatis namin. " ani Ethane.
" Pwede bang mamaya na. Nilalamig na ako eh. " nginig nito.
" Sinabi mo 'yan ha. Ayaw ka naming mapunta sa lalaking walang respeto. Hindi na baling hindi mayaman basta nirerespeto ka. " wika pa ni Ethane sa kapated nitong dalaga.
" Tama. Mas ayos siguro kung kilala namin iyong lalaki. " dagdag pa ni Athane.
" Kilala niyo kaya 'yon. " tugon ni Cassandra.

Pagdating nila sa venue ay agad na inabutan ng tuwalya si Cassandra ng papa niya.
" Salamat ho papa. Alam na ho nina kuya na may gusto akong lalaki. " balita niya sa papa Nathane II.
" So, kinulit ka ba ng mga kuya mo? " usisa sa anak niya.
" Oo papa pero mamaya ko na sasagutin ang mga tanong nila. Inaasar nga ako nila at pina-iyak nila ako kanina bago pinatahan. " balita pa niya.
" Ganun talaga ang mga 'yon at na-mis ka nila. Sige na magbihis kana at dito lang ako sa labas ng tent. " wika niya sa pinakamamahal nitong bunso.
" Thank you ho, papa. " pasok na nito sa tent niya.
" Oo nga pala, inimbitahan kong pumunta dito iyong superman mo. " balita nito sa anak niya nq ikinagulat nito habang nagbibihis.
" Po-po? To-totoo papa? " usisa nito na tila hindi makapaniwala sa narinig.
" Oo, mabuti 'yon para masubok namin. Excited na akong ikasal ka sa kaniya. " advance nitong pag iisip.
" Papa talaga. " tugon nito.
" Tapusin mo muna ang pagbibihis mo. " tugon ni Nathane II sa tapat ng tent kung saan nagbibihis sa loob ang bunso nitong dalaga.

Fast Forward.....
Sa hapag ay naroon ang lahat habang nag iihaw ng barbeque si Nathane IV na sinamahan ng isaw. Mapapansin naman ang pag uusap sa hapag at ang topic ay patungkol sa buhay nila at karanasan.
" Teka. Hindi ba sasabihin mo sa amin kung sino iyong tinutukoy mo, Cassandra? " usisa ulit ng mga kuya niya.
" Teka? Totoo ba iyong narinig namin? " usisa ng mga Maria niyang ate.
" Magandang araw ho! " bati ng ginoong dala ang munti nitong anak na ikinatayo agad ni Athena.
" My gosh... Ashley. Mis na mis na kita. " karga ni Athena sa batang ampon ni Mr. Barrot.
" Ehem. Maupo kana, Mark. " yaya ni señore Nathane II sa binata.

Nagkatitigan naman ang magkakapated na Fuentaverdes at nilibot ang mga mata. Nagkangisian na lang ang mga ito ng mapansing nakayuko si Cassandra habang kumakain ng dragon fruit.
" Magandang umaga po! " bati naman ng bagong dating na munting dalagang si Aeriel.
" Hi my baby Aeriel. " hug na salubong ni Athena dito.
" Aba. Parang anak niyo lang ni singkit. " wika ng papa niya na ikinatawa ng lahat.
" Papa talaga. Gusto ko kapag nagka-baby ako ay singkit iyong mga mata niya. " tugon ni Athena na ikinatilian ng lahat.
" Teka. May iba tayong pag uusapan ngayon. " awat agad ni Ethane at naghudyatan sa mga kapated niya.
" Mr. Mark Barrot, balita ko tinulungan mo ang prinsesa naming si Cassandra doon sa kalye. Totoo ba 'yon?" usisa ni Ethane sa ginoong napakaba na lamang.
" Oho sir Ethane. " tugon nito ng may paggalang.
" So? Ano ba talaga ang nangyare? " usisa naman ni Athane na tila nag-iba ang tono ng pag uusisa.

Mark Barrot Pov's
Hayst. Nanginginig ang bou kong kalamnam ngayon. Ewan ko ba. Nasa harap kasi ako ng mga señorito at señoritang nirerespeto ng lahat. Bakit ba kasi kinakabahan ako. Basta iku-kuwento ko ang nangyare.
" Pauwi na ako noon at galing ng trabaho. Nadaanan ko si señorita Cassandra habang dinudukutan. Nagmamaneho ako ng motorsiklo kaya hinintuan ko silang dalawa. Nagtataka nga ako kung bakit walang bodyguards ang señorita. Hindi ko na nga maalala kung anong ginawa ko basta tinulungan ko lang siya. " kwento ko sa kanila.

My ghad. Mukhang pangit ata pagka-kwentu ko at nakatitig silang lahat sa akin. Hayst. Pinagpapawisan ang kamay ko ngayon. Parang nasa hot seat ako.
" Teka. Hindi mo ata nabanggit na nagkasugat si Cassandra sa kamay at ginamot mo. " paalala ni señore Nathane sa akin. Hala. Oo nga no.
" Pasensya na ho, señore. May pagka-ulyanin na ako. " tugon ko naman.
" Iyon lang ba talaga? Baka may nakalimutan ka pa? " usisa ni sir Athane sa akin.
" Mayroon pa pala. " hiya kong tugon.
" Kabado ka ata, Mark? " puna pa ni sir Ethane. Lagot na!
" Cassandra, bakit ka tahimik diyan? " usisa ni señorito Diego. Bakit nga pala tahimik siya?
" Baka may tinatago. " asar naman nina señorito Jake sa kapated nila.
" Ehem. I smell something fishy. " wika ni señorita Yessa na ikinalunok ko. Humanda kana self at ikaw ang pinariringgan nila.
" Oo nga eh. " sang ayon naman ni señorita Maria Yassey na iisang titig paroon sa kinauupuan ko. 
" Mr. Mark Barrot, isang tanong! Isang sagot! " kaba ko bigla sa winika ni sir Ethane.

Umupo na lang ako ng maayos at bumaling ng titig kay señorita Cassandra. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kaniya pero iisa ang nakuha kong ibig sabihin nilang lahat.
" Ikaw ba'y may pagtingin sa prinsesa naming si Cassandra? " tanong ni sir Ethane na ikinahinto ko bigla habang ang mga mata nila'y nakatitig sa akin na parang buwitri sa gitna ng parang.

Ayusin mo ang sagot mo, Mark. Baka mali ang maisasagot mo sa kanila. May kalalagyan ka talaga.
" Ano? May gusto ka ba sa kapated namin? " usisa naman ni sir Athane. Sagutin mo na kasi Mark para naman ay huminahon sila.
" Oho, " tipid kong tugon na ikinanlaki ng mga mata nila.

Ayan. Nagkatitigan sila sa isa't-isa. Maging si señorita Athena ay nagulat rin. Tahimik pa din si señorita Cassandra at kumakain pa din ng dragon fruit. Kinabahan pa ako lalo ng nagpa-ekis ng mga braso nila sina sir Ethane. Nagkakabulungan pa silang magkakapated.

Ilang sandali pa ng umimik na sila.
" Sa tingin mo ba ay karapat dapat ka para sa kapated namin? " usisa ni sir Athane sa akin.
" Hindi sir Athane dahil napakataas niya. Sa tutuusin ay marami ibang binata ang nababagay sa kaniya. Alam ko naman kung saan ako lulugar. " kabado kung tugon.

Walang ano - ano'y nagtawanan sila at nagbatuhan ng mani sa hapag. Ay grabi. Napaka-kabado ko kaya tapos pagsasalang lang pala iyon.
" Teka. Wala pa ding imik ang isa diyan. " padinig nila kay señorita Cassandra.
" Naka apat nang dragon fruit iyan. " puna ni ma'am Althea.
" Ayieee.... Cassandra niyo inlove. " pabirong sabi ni señorita Athena.

Nagtawanan na lang kami at nawala ang pangamba ko. Napaka strikto kasi ng mga kuya niya.
" Mga kuya, " tawag ni señorita Cassandra na ikinahinto ng mga kuya niya sa pagtawa.
" Bakit? Magpapakasal ka na din? " sabat ni sir Ethane. Ay grabi. Legit talaga ang tawa kapag siya sumabat.
" Sige pero dapat sa nagligtas sa akin. " tugon niya na ikinagulat namin.

Bigla nalang nag-seryoso ang mga mukha nila. Nagtayuan ang mga ito at pumunta sa dakong banda ng mga tent. " Hala ka Cassandra! " pananakot sa kaniya ni sir Jake.
" Bakit? Masama ba 'yong sinabi ko? " usisa naman niya.
" Mr. Barrot, " tawag sa akin nina sir Ethane.

Mas lalo pang nanlamig ang mga kamay ko sa oras na iyon. Hindi ko talaga alam kung bakit ako kinakabahan ngayon. Mukhang kakausapin lang naman ako nila eh. Kumalma ka lang kasi Parrot este Barrot para hindi sila makahalata.

*///**
Thank u☺☺😘

BS 5: THE BILLIONNAIRE'S LOVE ( Trilogy)Where stories live. Discover now