CHAPTER 78- Of little cracks, and warning signs, and red flags (1)

9.9K 555 625
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love... makes you prone to little cracks. 

It makes you ignore advisories and warning signs.

It makes you believe red flags... are not red flags.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 78- Of little cracks, and warning signs, and red flags | Part 1

{MONDAY}

MIKA's POV


Submission ng final requirement namin sa isang major music subject. 


Kung basta lang sana isa-submit 'yung requirement, hindi sana ako ganito ka-kabado. Ang kaso, kailangan namin 'tong i-perform nang live. 'Love song' 'yung requirement. Sariling compose at gawa dapat. And we are to submit it via performing it live.


Kasama ang stage presence sa grading, hindi lang 'yung quality ng voice mo, ganda ng lyrics, at complexity ng melody. Hindi lang sa prof nakasalalay ang grado mo, your fellow classmates will grade you as well. You need to impress them, too. Talk about nakaka-pressure!


"Ramos Mikaela!" 


Halos mapalundag ako mula sa upuan nang tawagin ng prof ang pangalan ko. Ako na ang magpeperform! Parang gusto ko maiyak dahil sa kaba. 


Pagtayo ko sa unahan, I took one good look at my classmates. Nang mapadako ang mga mata ko sa todo support na si Rocket, it somehow calmed me down.


Huminga ako nang malalim pagkatapos ay ipinikit ang mga mata. 


Pagkatapos, kasabay ng pagmulat ng mga mata ko, nagsimula na akong tumugtog at kumanta.


Dahil 4 mins max ang length requirement for the song, tapos ang performance ko nang wala pang 5 minutes.


Tahimik ng buong classroom matapos kong kumanta. Nakatingin lang silang lahat sa akin. Prof ko, pati mga kaklase ko.


Paluha na ako dahil akala ko hindi nila nagustuhan performance ko pero bigla ko na lang narinig ang pagpalakpak ng prof namin mula sa may tabi ko, na sinundan isa-isa ng mga kaklase ko. Nangunguna at pinakamalakas si Rocket.


"Grabe Miks, ganyan ba nagagawa ng in love? Damay pati performance at grades?" komento niya pagbalik ko sa upuan. "Huhu kailan kaya ako? Air myloves, baka naman!"


"Okay din naman 'yung sa'yo ah? Considering na rushed 'yon."


"Hindi, it's still not enough! Air myloves deserved better."


"Mas okay na 'yon kaysa wala. By the way, speaking of wala, si Ace, talagang walang balak mag-submit?"


"Ewan ko do'n sa jerk na 'yon. Bala siya sa buhay niya. Malaki na siya."


WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon