CHAPTER 38- Run.

215K 5.7K 1.4K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is knowing you are screwed for the rest of your life, but you can't help but smile, anyway.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 38- Run.

HELL's MEMORY BOX

When did I start falling for Heaven?

Was it the first time I met her and she made me do all those crazy, cool pranks with her?

Was it that moment on the school's rooftop, when she pointed that dirty mop on me, and said the coolest line I have ever heard, while looking so fvcking cool?

No...

I guess... it was around that time...

Around that one chilly night, on the month of December... 

"Do you really need to drag me out, just so you could have someone to spend your birthday with?" I asked, as I walk side by side with the fvcking student council president, who always drags me whenever she feels like dragging someone. "Are you really that alone in life?"

She immediately stopped walking after hearing what  I said, and then she gave me "the eye". Yung tingin n'yang parang may laser beams, na binibigay n'ya sa akin sa tuwing may sasabihin akong hindi n'ya nagustuhan. 

"Hindi ba dapat binabati mo 'ko ngayon ng happy birthday imbis na sinasabi yan sa 'kin, huh, kiddo?" singhal n'ya.

"Kiddo'? Sabi ng repeater lang ako kaya mas mataas ang year mo sa akin, pero magkasing tanda lang tayo."

"At talagang proud ka sa pagiging repeater mo huh?"

"Hindi ako proud, pero di hamak na mas okay yun kaysa sa isang tigang na student council president, na ginagamit ang pwesto n'ya, para lang may makasama s'ya sa birthday n'ya." Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa, "Fvcking forever alones." 

"Aray! Aray! Fvck! Bitaw! Wag kang pikon!" sigaw ko dahil bigla n'yang pinilipit yung isang braso ko.

"Mr. Chua, would you like to repeat what you have just said?"

"What? The fvcking forever alone thing?--aw! Fvck!" Mas pinilipit n'ya pa yung braso ko. Fvck! 

"At talagang inulit mo pa huh?"

"Fvck! Bitawan mo na! Ang sakit!"

Noong makita n'yang seryosong nasasaktan na ako, binitawan na nga n'ya yung braso ko. Agad kong hinilot yun. Fvck, ang sakit talaga.

Nagtuloy na ulit kami sa paglalakad.

"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad ah," reklamo ko.

"Dahil birthday ko ngayon, ititreat kita."

"Manlilibre ka ng pagkain?"

Binigyan lang n'ya ako ng isang ngiti, tapos nagtatakbo s'ya palayo sa akin, papunta doon sa tulay na karugtong noong kalsadang nilalakaran namin.

"Saan ba talaga kami pupunta?" Napakamot na lang ako sa ulo ko at labag sa loob ko s'yang sinundan. Masakit na ang paa ko kaya binagalan ko lang ang takbo.

Tanaw kong tumigil s'ya sa isang parte noong tulay, at saka s'ya umakyat doon sa platform sa gilid noon. Delikado dun ah! Ang taas noong tulay! Malalim na tubig ang babagsakan n'ya pag nahulog s'ya! Nasisiraan na ba s'ya?

Binilisan ko nang sobra ang kanina ay mabagal kong pagtakbo. The fvcking student council president is just standing there on top of the bridge, looking down on the deep and shallow water beneath her. Puro mabibilis na sasakyan lang ang dumadaan dun sa tulay, walang mga tao sa side walk kaya walang nakakapansin sa kanya kund hindi ako lang. Fvck! 

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon