CHAPTER 59- Of Typhoons, Disasters, Chuas, and Cervanteses (Part 3)

220K 5.9K 7.8K
                                    

Continuation...

(K)night's POV

Kakatapos lang maglatag sa sahig ng mommy ni Sausage. "Pasensya na mga iho, kita n'yo naman, masyadong maliit ang kama ni Mika para sa inyong dalawa, kaya may isang kailangang matulog sa lapag." Tiningnan n'ya kaming pareho ni Chua. "Ayos lang ba?"

Sabay kaming tumango ni Chua. 

"Okay, mabuti. So pano, bahala na kayong magdesisyon kung sinong tutulog sa baba ha?" Bumaling s'ya kay Sausage na kasalukuyang may hawak na kandila, mukhang natatae ang itsura (haha weirdo talaga). "Mikaela, iwan mo d'yan sa table 'yang kandila para may ilaw sila." 

Matapos sumunod ni Sausage sa utos ng mommy n'ya, tumingin ulit sa amin ni Chua ang mommy ni Sausage. "Wag n'yong kakalimutang patayin ang kandila pag tutulog na kayo ha? Baka magkasunog."

"Yes mam!"  Matapos naming sumaludo ni Chua, nagpaalam na silang dalawa ni Sausage. 

Kami na lang ni Chua ngayon sa kwarto.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

MIKA's POV

"Sana po buhay pa sila bukas."

"Sana po buhay pa sila bukas."

"Sana po buhay pa sila bukas."

Paulit-ulit ang dasal ko habang nakahiga sa kama. 

Mabilis mang umoo si Hell at K noong tinanong sila ni mommy kanina kung okay lang bang may matulog na isa sa baba, alam kong hindi totoo 'yon.

Si Hell, papayag na matulog sa baba? Imposible.

Si K, well-- posibleng pumayag 'yon, KUNG HINDI SI HELL ANG KASAMA N'YA SA KWARTO.

Aaaaaaaaaaah!

Siguradong nagtatalo na ang dalawang 'yon ngayon kung sinong tutulog sa kama!

Ugh T__T Sana wag silang magkasakitan (KAHIT PARANG SOBRANG IMPOSIBLE).

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

(K)night's POV

Pagkasaradong-pagkasarado ng pinto, agad nawala ang mabait at masunuring maskarang kanina pa naming suot-suot ni Chua. Sabay kaming tumingin sa kama, tapos...

Takbo!!!

Nag-unahan kaming dalawa pahiga roon. 

Ako ang nauna, of course.

"Get off that bed right now, Cervantes," maangas na sabi ni Chua, nakatayo sa may kama. 

Mas dinama ko ang paghiga. Nagkumot pa ako at niyakap ang teddy bear na nakuha ko sa kama.

"Sinabi ko na sa'yo di'ba? Hindi ako sanay sumunod sa utos ng iba," sabi ko sa kanya. Ugh, ang lambot nitong teddy bear.

"I already told you too, I don't adjust for other people. I make other people adjust for me. So adjust, Cervantes. Get off that bed right now." 

Kalmado man ang itsura n'ya sa labas, alam kong unti-unti nang napipikon si Chua. Dahil mabait ako, mas lalo ko s'yang inasar sa pamamagitan ng pagpikit at 'di pagpansin sa kanya. 

"I said 'move'! Not 'sleep'!" sigaw n'ya. Tutulog na sana akong may ngiti sa labi kasi pikon na s'ya- kaso king ina. Hinablot n'ya bigla ang yapos-yapos kong teddy bear.

"Hoy! Ibalik mo 'yan!" sigaw ko, badtrip na badtrip. Sobrang unfair ng king ina. Hindi ko s'ya inistorbo no'ng yakap-yakap n'ya si Sausage, tapos ngayon, may gana s'yang istorbohin ang yakapan session namin ng teddy bear?! Nakakalalaki na!

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon