CHAPTER 74- School Fest! [Day 4: 'Performance in front of the gods'(5)]

13.3K 741 1.1K
                                    

CHAPTER 74- School Fest! [Day 4: 'Performance in front of the gods' | Part 5]

(K)NIGHT's POV

Pagkatapos ng mga pito o walo (?) na yosi... bumalik na ako sa unit.


Hindi 'yon ang plano ko no'ng umalis ako do'n sa park though, to be honest. Balak ko sanang dumaan kila Sausage. Para kamustahin si Dark, that is, of course.


Ang kaso, no'ng ando'n na ako malapit sa may gate nila, konting harurot na lang, bigla akong nakaramdam ng-  tawag ng kalikasan, so... 'yon. Change of plans. Balik na lang sa condo unit.


May kumakati pa rin sa akin at the moment. Hindi ko pa rin makamot. Bukas pa rin 'yung switch at hindi ko pa rin malaman kung nasaan, kaya eto, kahit malalim na ang gabi, hindi pa rin ako makatulog! I feel restless. Pero at the same time, weak. Tired. Pagod. Sa lahat-lahat...


♫♪Stepped into the shadow land, there was no paradise ♫♪

♫♪The rusty old remedies, I'm not sure what's the right thing anymore ♫♪


Nakatihaya ako sa kama. Tamang soundtrip sa gitna ng dilim. Tamang hintay na dalawin. Ng antok. O ng... ni...


♫♪But still I go up the river ♫♪

♫♪Just hold on to the ladder ♫♪


Habang nakikinig, may gusto akong puntahan. Sobra. Hindi ko alam kung saan. Kung ano. Kung sino. Kung lugar ba. O tao. Basta... basta may sobra akong gustong puntahan, habang nakikinig. King ina.


♫♪Only the flame in your tear is the sign, is the light  ♫♪


Si Sausage...


Sa...


Sa mga gabing sobrang gusto ko siyang puntahan...


♫♪I'll keep singing for you even in the endless night ♫♪


Parati ko na lang iniisip  na,

she suddenly turned into a cat.


♫♪I promise I won't let your dreams die ♫♪



'She will eventually come to me when she feels like it.'



♫♪There are traces of you here, but I just walk and don't look back ♫♪

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon