epilogue (ft. blue skies)

7.8K 403 637
                                    

MIKA's POV


"We all have our 'blue skies'."


A dazzling view we can only look at... for now.


Isang lugar, isang bagay, isang tao, isang pangarap, isang araw


na.... 


hindi pa natin mapuntahan...


hindi pa natin makuha....


hindi pa natin maabot...


hindi pa natutupad...


hindi pa dumarating...


The more we seek... the bluer it gets... that sky...


The day I was left behind by both the moon... and the sun... nagkulong ako sa kwarto. Umupo ako at nanatiling nakatingin sa labas ng bintana.


I... waited for the sunset.


Tahimik kong pinanood ang araw habang unti-unti itong nagpapaalam... taking all of its brightness that I wish- would just stay.


Kahit na alam kong... sisikat pa rin naman ulit siya kinabukasan... nang tuluyan itong mawala... nang tuluyang dumilim ang paligid... I cried like it would take another lifetime before I see the sun rise again.


Nagsimulang mas dumilim ang gabi. Nang magsimulang magsulputan ang mga bituin sa langit, hinintay ko ang buwan. Hinintay ko itong lumabas at magpakita.


Hinintay ko ito...


nang hinintay...


nang hinintay...


pero...


hanggang sa huli...


hindi  talaga ito nagpakita.


Kahit saglit man lang-


Kahit para man lang magpaalam... at makapagpaalam...


hindi talaga.


I... found myself crying like the moon abandoned the sky for good. I cried as if it will never show its face to me again.


Kinabukasan, like most girls after a break-up, I cut my hair short. Pero hindi tulad ng karamihan, who does it on a whim... out of impulse... just because... ginupit ko ang buhok ko nang may malalim na rason. I did it to measure the distance between me and the day I got my heart broken. 

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon