CHAPTER 23- PAIN RELIEVER

267K 5.7K 2.3K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is... better than a bouquet of roses.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 23- PAIN RELIEVER

HELL's MEMORY BOX

Minsan sa buhay ko, dumating yung oras na sawang-sawa na at pagod na pagod na akong mabuhay, na umabot na sa puntong ginusto ko na lang mamatay. First year high school ako noon, when I first tried to commit suicide...

Nakatayo ako sa  rooftop ng isang 15-storey, 5 star hotel. Walang tao doon , kundi ako lang, inutusan ko yung tagabantay na iwan na lang ako mag-isa at wag magpapasok ng iba. Pag-aari ng lolo ko ang Hotel na iyon kaya sunud-sunuran lang ang mga tauhan sa akin doon. Ang ganda nung view doon sa lugar na iyon, mayroong malawak na rooftop pool at poolside bar. Elegante, solemn, at relaxing ang ambiance ng lugar. Ang ganda rin nung view sa harapan ko, kitang-kita yung papalubog na araw. Pero wala ako sa lugar na yun para magrelax o para iappreciate yung maganda pero nakakasawang view sa harap ko... Nandoon ako sa elegante at mamahaling rooftop pool ng hotel na yun... para magpakamatay. 

Sawang-sawa na kasi ako sa buhay ko. Sawang-sawa na ako, pero hindi parin kaya ng pride ko na mamatay ako sa isang cheap na lugar lang gaya ng isang tulay malapit sa isang disgusting na ilog. If I would die, I wanna do it the cool way. Kaya isang sikat at mamahaling hotel ang pinili kong lugar ng suicide scene ko. At lahat ng suot ko mamahalin, bagong bili lahat, binili ko para sa araw lang na to.

Ang lakas ng hangin habang nakatayo ako sa may railings ng rooftop.Tumingin ako sa baba, nakakalula, parang mga langgam lang yung mga kotse sa baba. I stretched both my arms wide open, parang lilipad. Pumikit ako at dinama ang paligid. Nakakalokong isipin na nakapikit man ako o nakamulat, yung mundong nakikita ko, walang pinagkaiba, lageng madilim kahit anong mangyari. Sawang-sawa na ako sa mundong to. Sawang-sawa na ako sa lahat. Everything's not cool anymore. I can't find any reason to live anymore.

"Saying "good bye world" is not cool... so I'll say this instead..." Huminga ako ng malalim tapos, "Damn it all!" sigaw ko at hinayaan na ang katawan kong magfree-fall.

Konting-konti na lang maaalis na yung paglapat ng mga paa ko sa railings...

I was seconds away from the death I desired so much!

But then...

"Nasisiraan ka na bang tarantado ka huh?!" nakarinig ako ng malakas na sigaw kaya agad akong napamulat. Kasabay noon may yumakap sakin mula sa likod at hinigit ako. Nahulog ako sa saheg-- hindi pala sa saheg, kung hindi sa katawan ng isang pakialamerang babae, sa katawan noong babaeng humigit sa akin. Alam kong babae, may boobs na tumatama sa likod ko eh.

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Mukhang masakit yung pagkakabagsak nung babae kasi nadaganan ko pa s'ya, kaya medyo hirap s'yang bumangon. Di ko tinulungan, wala akong pakialam sa kanya.

"Who the hell are you? Why did you--" Natigil ako dahil bigla na lang n'ya akong tinuhod sa sikmura. Napaupo ako sa sakit.

"Damn you!" sigaw ko sa kanya habang hawak-hawak yung sikmura ko.

"Alam mo bang maraming tao who would die to be in your place? Who would give everything para mas humaba pa yung buhay nila? Tapos ikaw, itatapon mo lang yung sayo?!"

"Buhay ko to! Wala akong pakialam sa--f*ck!" Patayo na ako pero sinikmuraan na naman ako noong pakialamerang babae, bwisit. Sa kaparehong parte pa n'ya ako tinira kaya hindi talaga ako makatayo, nakahiga na ako habang iniinda yung sakit.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon