CHAPTER 76- School Fest! [Day 6: 'Hours before the plane leaves'(2)]

11K 599 468
                                    

CHAPTER 76- School Fest! [Day 6: 'Hours before the plane leaves' | Part 2]

Continuation...

(K)NIGHT's POV

Kakasakay lang namin ng kotse. Kakatapos lang namin ilagay sa loob lahat ng mga pinamili.


"Ba't ang tahimik mo?" tanong ko sa kaniya habang pinapainit ang makina ng kotse. Simula kasi no'ng magbayad kami sa cashier, hindi na ulit niya ako inimikan. Para siyang tinanggalan ng energy.


"How could you..." sabi niya. Halos pabulong.


"Ha?"


"How could you spend almost ten thousand on groceries?!" Kung anong hinina no'ng boses niya kanina, siyang nilakas naman ng boses niya ngayon.


Natawa na lang ako. Akala ko kung ano nang nangyari sa kaniya at kung bakit siya tahimik... 'yun pala... 'yung binayad ko kanina sa cashier ang dahilan. HAHAHA


"Ah, baka kasi afford ko?" mayabang kong sabi.


Hinilot niya ang sintido. Parang maiiyak sa yamot. Haha!


"Hindi porke't afford mo, bibilhin mo na! Sinong matinong tao ang gagastos ng almost 10k on groceries alone?! Superstar ka, oo. Malaki kita mo. Pero, you should still learn how to save! For the future!"


"Saving is for the weak."


Saglit na pagtigil.


Tiningnan niya ako nang masama. 


Hindi umepekto sa akin. 


Nagpatuloy ako sa pagsasalita. 


"Ang pera, hindi lang dapat ginagastos! Dapat ito'y winawaldas!" sigaw ko, tonong parang nagtatalumpati.


"At saan ito dapat pinakang winawaldas?" dagdag ko pa. "Sa pagkain! Of course!!"


Binuksan ko 'yung strawberry pocky, sabay alok sa kaniya. "Pocky, you want?"


Tiningnan niya ako na parang give up na siya sa akin. As in sobrang sama ng tingin niya. Pero, kumuha rin naman ng isang pocky stick. Haha.


"K..." sabi niya pagkatapos ngumuya. "'Pag mag-aasawa ka, ipangako mong 'yung financially literate ang pipiliin mo, ha? T'saka 'yung under ka."


"Jusko, almost 10 k sa groceries? Hindi ko kinakaya," dagdag niya pa. This time, sinasabi niya 'yon more on sa sarili niya imbis na sa akin. Haha. Hindi talaga siya maka move on mula do'n sa 10k!


"Sus, 'yan lang 'di mo na kinakaya? Wait until you see my credit card statements! Pakita ko sa'yo, gusto mo?"


"No thanks. I'm good. Baka kung ano pang magawa ko sa'yo."


WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon