CHAPTER 32- Stop and Stare

221K 5.7K 1.8K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is a trespasser. It comes inside your heart without permission.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 32- Stop and Stare

HELL's POV

The night I went out of my way to beat up the cocky bastard...

"Alam mo ba kung anong dinadanas n'ya sa loob dahil sa'yo? Alam mo ba huh?!" sigaw ko habang kinukwelyuhan yung tarantadong Mykel Rucafor. Nakatingin lang s'ya sa akin, isang maangas na tingin. He's still cocky as f*ck.

"Akala ko mahal mo s'ya? Bakit hindi mo s'ya pinrotektahan?! Sabi mo handa mong gawin ang lahat para sa kanya, bakit hindi mo--"

"Eh ikaw, ano bang nagawa mo para sa kanya?" Natigil ako noong sabihin n'ya yan.

"Anong sabi mo?"

"Bukod sa pagsira ng buhay n'ya, ano pang nagawa mo para sa kanya?"

"Anong sa--"

"Bago mo ko pangaralan, tanungin mo muna ang sarili mo. Ikaw ba, may nagawa ka ba para iligtas s'ya?"

"Kung ako ang nasa posisyon mo maililigtas ko s--"

"Yun na nga eh, wala ka sa posisyon ko. You're not strong enough to protect her. You're just as useless as I am."

"Wag mo kong ikumpara sa'yo!" Sinuntok ko s'ya, but he didn't even flinch. Nasalag n'ya yung kamao ko.

"Let's stop this, may taping pa ako bukas, ayokong masigawan ng manager ko." Sasakay na dapat s'ya sa kotse n'ya pero hinigit ko s'ya pabalik.

"Like hell I'd stop!" Binigwasan ko s'ya muli ng suntok. Napahiga s'ya sa saheg noong parking lot. Putok ang labi n'ya.

Agad s'yang tumayo, pinagpagan ang damit n'ya. Pinunasan n'ya yung nagdudugo n'yang labi tapos, "Ugh bahala na ngang masigawan," sabi n'ya at agad na n'ya akong sinugod. Nagsuntukan kami.

Before I knew it nakahiga na s'ya sa saheg habang kinukwelyuhan ko. Nakangisi parin sa akin ang gago.

"Kung hindi mo s'ya poprotektahan, ako ang poprotekta sa kanya." Bibitawan ko na dapat s'ya pero dumakdak pa ang gago.

"Anong gagawin mo? Bubugbugin mo ng parang ganito lahat ng taong magsasabi ng masama sa kanya? Haha, wag kang magpatawa."

Susuntukin ko sana s'yang muli pero napatigil yung kamao ko noong umimik s'ya.

"If you want to protect her, be powerful enough to do so. If you want to protect a star as big as her, you should become bigger than everyone else." A crooked smile formed across his face, tapos tinapunan na naman n'ya ako ng mayabang n'yang tingin, "But the way you are now, you're not good enough. You're just a little dog who only knows how to bark."

"And you're just some f*cking insect who only knows how to piss me off!"

Before I knew it, I was punching him endlessly in the middle of a big crowd with a hundred flashing cameras snapping at us. Kaya pala hindi s'ya nanlalaban dahil may audience na kami. He wanted to make me look like the villain.

Well, they can take pictures of me for all I care, they can put my face all over the news for all I care, they'd be doing me a favor. At least after this, half of the daggers they were supposed to be throwing at Heaven, they'd be throwing them to me now instead.

Sa police station ang bagsak ko pagkatapos noon obviously, pero mabilis lang akong nakalabas dahil na rin sa impluwensya ng pamilya ko, at dahil hindi rin naman nagsampa ng kaso yung cocky bastard.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon