BACK STORY- L

54.2K 1.3K 573
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is an open door. (But only the bravest could enter.)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Behind every person is a story...

Behind every action is a story...

Behind every story is another story not yet told...

Ever wonder kung anong nangyari kay Ace at Shield matapos higitin ni Ace si Shield palayo mula sa lahat?

Well, here's the story of what exactly happened afterwards.

BACK STORY: 

ACE's POV


Nasa huli ang pagsisisi.


Sa dalawang dekada kong paghinga dito sa mundo, wala pa akong nagawa na masasabi kong pinagsisihan kong talaga. Kaya naman, tuwing sinasabi ng mga tao sa paligid kong 



"Nasa huli ang pagsisisi."


HINDI


AKO


MAKA-RELATE.


Sa loob ng dalawang dekada kong paggising para lang mabugnot dahil tang ina bakit kailangan ko pang magising, nabuhay akong hindi alam ang ibig sabihin ng ang pagsisisi ay parating nasa huli.


Pero ngayong gabi,


Medyo


Medyo may ideya  na 'ata ako kahit papaano.


"Ano... Ba... -kit mo 'ko hinigit?" tanong ng oblivious na pianist sa akin kasabay ng pagtigil namin sa tapat ng isang bakanteng bench.


TANG INA


Napamura ako sa sarili.


NAKNANGPUTA


Hindi ko kasi alam ang dapat isagot!


'Pag sinabi ko ang totoong dahilan kung bakit ko siya hinigit, baka isipin niyang may gusto ako sa kaniya.


'Pag nagsinungaling naman ako, baka ako naman ang mag-isip na may gusto ako sa kaniya!


Lose-lose situation! Tang ina! Posible pa lang mapunta ako sa ganitong sitwasyon?!


Binitiwan ko muna ang kamay niya (na ngayon ko lang napagtanto na hawak ko pala tang ina!!! naknangpota!!!) bago ako sumagot. 


"Gusto mo ng takoyaki?" Pagsagot nga bang matatawag ang ginawa ko kung ang binitawan ko ay isa ring tanong?

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon