CHAPTER 36- Three Seconds

204K 6.1K 2.7K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love can happen in just 3 seconds.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 36- Three Seconds

MIKA's POV

Sa dami ng mga bagay na gusto kong itanong kay Panda, so far tatlong tanong ko pa lang ang nasasagot. Tatlo lang kasi...

Pagkatapos kong magsulat sa journal, matapos kong inumin yung inabot n'ya sa aking tubig... Noong napakalma ko na ang sarili ko, calm enough to think straight... 

"Okay... Marami akong gustong malaman, sagutin mo ang mga tanong ko," sabi ko kay Knight-- Panda-- Knight, oh watever!

"Sasagutin ko yung mga tanong mo kung--"

"Kung may kapalit na pagkain, I know." Ako na yung tumapos sa sentence n'ya. Ano pa bang bago bukod sa mukha n'ya? Yun naman lagi ang linya n'ya.

Tumayo ako at lumakad papunta sa kusina para ipagluto s'ya ng pagkain.

Matapos n'yang kumain, kinaladkad ko na s'ya papunta sa kwarto at doon ay sinimulan ko na ang aking interrogation.

"Okay! Unang tanong! Bakit ka nagsusuot ng panda mask?"

"Pusa to."

"What ever! So, bakit nga?"

Dumighal muna s'ya bago sumagot, "Well obviously kasi kamukha ko lang naman yung kakambal ko, which for the love of God, is a superstar. Alam mo ba ang mangyayari pag nagpakalat-kalat ako dito sa school ng walang maskara?"

Natameme ako matapos marinig yun. Oo nga naman, obvious na yung sagot sa tanong ko.

"Okay... question number 2! Alam ba ni Night na nag-aaral ka dito sa Hoshi?"

Uminom muna s'ya ng tubig bago sumagot. Para talagang si Night ang kaharap ko, nakakatense. Bakit kasi ayaw n'yang isuot muli yung mask n'ya.

"Oo alam n'ya, sabay kaming pumasok dito."

"Kung ganun--" Natigil ang bibig ko nang ilagay n'ya ang isang daliri n'ya sa labi ko. Shems hindi s'ya si Night pero feeling ko daliri ni Night yung dumadampi sa labi ko ngayon. Ang hirap huminga!

"Bago ka magtuloy sa pagtatanong, iiinform lang kita na last na tanong mo na yan na sasagutin ko." 

Tinanggal ko yung daliri n'ya sa labi ko. "Bakit last na? Marami pa akong tanong! Pinagluto naman kita ah! Kaya dapat sumagot ka!"

"Diba sabi ko, sasagot lang ako sa mga tanong mo kung may kapalit na pagkain, pero sa bawat tatlong tanong, isang dish ang kapalit."

"Kailan mo sinabi yung tungkol sa kada tatlong tanong isang dish ang kapalit?"

"Sinabi ko kanina sa isip ko, noong pinutol mo yung sinasabi ko."

"So hindi mo nga sinabi!"

"Sinabi ko kaya... sa isip ko."

Napa face palm na lang ako. Okay, medyo nagsisink in na sa akin na hindi nga si Night itong lalaking kaharap ko. Masakit s'ya sa ulo sobra, unlike Night na sobrang refreshing kasama.

Sa ngayon wala pa akong maluluto muling dish para ipambayad kapalit ng another 3 questions, kasi ubos na yung ingredients sa pantry namin. Kaya no choice ako kung hindi magtanong lang ng isang last question ngayong gabi, at magtanong na lang ulit ng iba ko pang tanong sa mga susunod na araw. Hay, kung alam ko lang na tatlong tanong lang pala yung pwede kong itanong ngayon, sana mas pinag isipan ko yung mga nauna kong tanong kanina.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon