CHAPTER 30- NOT SUITED

201K 5.5K 1.3K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love means never letting go.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 30- NOT SUITED

MIKA's POV

Kahit na kabadong-kabado ako pagdating ko sa Music class namin, dahil sa posibleng gawin sa akin ni Crizel, surprisingly, tahimik naman ang umaga ko. Bukod sa matatalas na tingin mula sa mga kaklase kong babae, lalo na mula sa side nila Riri, wala pa naman silang ginagawa sa aking masama. Narealize ko na kahit gaano man kagalit sa akin si Crizel, mas mahalaga parin sa kanya yung image na minementain n'ya sa klase at sa school. 

There's nothing worth mentioning na nangyari noong umagang yun... well, pwera lang dito...

"Ehem!" Sa gitna ng klase namin sa Music 101, biglang kinuha nung lalaki sa may pinto ang atensyon naming lahat.

Si Ace, nasa may pinto si Ace! Si Ace na never ko pang nakitang umattend ng Music subjects! Bakit pumasok tong isang to ngayon? HIMALA!

"Studyante ba kita?" tanong ni Teacher Ven kay Ace.

Tumango lang si Ace at tuloy-tuloy na s'yang pumasok sa room at umupo sa isang bakanteng upuan, na para bang iyon ang pinaka normal na gawin.

Gayunpaman, cool parin s'yang kinausap ni Teacher Ven.

"Kukulangin ako sa oras, so mamaya na kita tatanungin. Talk to me after class. By the way, what's your name?"

"Ace Barcelona."

"Ace Barcelona... hmm... oh, so you are that one! Yung kaisa-isang freshmen na nakakuha agad ng 2-star rank sa auditions palang!" sigaw ni Teacher Ven. Nagsimula tuloy magbulungan ang buong klase.

Kaisa-isang freshmen na nakakuha ng 2-star rank? 2-stars si Ace at hindi no-star? Eh bakit kasama namin s'ya sa apartment? Bakit wala s'yang stars sa collar ng uniform n'ya?

"I always wondered what you would look like. Akala ko wala ka ng balak magpakita. Marami talaga tayong pag-uusapan Mister. I'll see you after class," sabi pa ni Teacher Ven tapos nagsimula na ulit s'yang magklase.

Kami nila Rocket in total shock parin. Hindi lang si Teacher Ven kung hindi kami rin, maraming dapat itanong kay Ace.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Habang nasa Computer Lab ako at kasalukuyang nagreresearch ng kanta at chords para dun sa assignment namin sa isang subject... narinig ko ang pag-uusap nung mga katabi ko about some leaked photos ni Night Cervantes noong ball dito sa Hoshi, that is circulating around the internet.

Agad kong sinearch sa internet yung tungkol doon, at nabasa kong kabilaan ang issue tungkol kay Night, na may dinedate daw si Night na babaeng studyante sa Hoshi Academy, base narin doon sa mga posted na photos. Kalat yung pictures namin ni Night na sumasayaw sa dance floor. Nag leak rin yung video ni Night na tumatawa ng malakas sa harapan ko. Mukhang totoo nga yung sinabi ni Flare na unang beses na may dinalang date si Night sa isang event, at yun ang pinaka dahilan kung bakit sobrang hot nung issue tungkol sa pagdadala n'ya sa akin bilang date. Isa pa ring issue ay yung pagtawa ni Night doon sa video, Night is known for his serious and mysterious image in public, kaya't talagang usap-usapin rin yung kakaibang inasta n'ya doon sa ball. Kanya-kanya na tuloy comments yung mga tao dun sa article tungkol sa pagkakaron ng secret love life ni Night Cervantes. 

Ang alam ko punishable dito sa school at mahigpit na pinagbabawal ang pagpost online ng pictures or videos ng any event taken here at Hoshi, kaya akala ko hanggang dito na lang sa school yung issue tungkol sa amin ni Night, hindi ko akalain na may mangangahas na magpost noong mga pictures online. Hindi ko inasahang hanggang sa labas nitong Hoshi, maiissue si Night!

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon