BACK STORY- G (Part 2)

182K 4.4K 839
                                    

Continuation...

BACK STORY: Memories. Flashbacks. (Part 2)

Matapos kumalma, noon lang rumehistro sa utak ni Shield na kasalukuyan s'yang nakabalot sa bisig ng isang lalaki. Isang lalaki. 

"Bi- bitawan mo 'ko," mahinang sabi ni Shield. Agad namang lumuwag ang yakap noong lalaki hanggang sa tuluyan na s'ya nitong pakawalan.

"Sorry, gusto lang kitang pakalmahin." Hindi man masyadong aninag ni Shield ang mukha ng nagsasalita, batid ni Shield sa boses palang nito na si Ivan ang lalaking nasa harapan n'ya. 

Shield scooted away from him. Mas umisod s'ya papasok ng slide, ngunit bigla na lang s'yang napadaing sa sakit. Hawak-hawak n'ya ang mga paa n'ya. Nalimutan n'yang may sugat nga pala s'ya doon.

"Anong nangyari sa mga paa mo? Tumakbo ka nang walang tsinelas?" tanong ni Ivan, puno ang boses nito ng pag-aalala.

Hindi sumagot si Shield.

"Tara na sa apartment, bubuhatin kita. Gamutin natin 'yang sugat mo." Inaabot ni Ivan ang isa n'yang kamay kay Shield.

Imbis na kuhanin ang kamay ni Ivan, umiling si Shield. "Ayaw kong bumalik doon," sabi nito.

"Pero 'yung paa m--"

"Please, ayokong bumalik dun ngayon. Hayaan mo na lang ako dito."

Nagbuntong hininga si Ivan. "Okay, kung 'yan ang gusto mo. Pero hindi kita iiwan mag-isa dito."

Uupo na sana si Ivan sa isang step ng hagdan sa labas noong octopus slide, nang magsalita si Shield.

 "Bakit mo ginagawa 'to? Bumalik ka na dun sa apartment."

"Hindi kita kayang iwan mag-isa dito, baka kung anong mangyari sa'y--"

"Stop being nice to me."

"Huh?"

"Stop being nice to me. I hate it."

Huminga muna nang malalim si Ivan bago sumagot. "O sige gagawin ko 'yun, basta ba magawa mong maging lalaki."

"Huh?" Naguluhan si Shield sa sinabi nito.

"Ang number 1 principle ng isang tunay na lalaki, is to treat every girl nicely, kahit sino pa 'yung babaeng 'yun. If I stopped treating you nicely right now, that would make me less of a man, I don't want that. If you really want me to stop treating you nicely, then stop being a girl. That's the only way to stop me."

Hindi nakasagot si Shield sa sinabi ni Ivan. There's no way she could stop herself from being a girl. Kaya nanahimik na lang s'ya sa isang tabi, at hinayaan si Ivan na bantayan s'ya sa labas noong slide.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Now I guess I'm no longer needed here," sabi ni Ace sa sarili habang pinagmamasdan si Ivan na parang gwardyang nakaupo doon sa may hagdan sa labas ng octopus slide.

Ang totoo, nauna pa si Ace na makarating sa kung nasaan si Shield kaysa kay Ivan. Mabagal tumakbo si Ivan kaya't kahit na nauna itong lumabas ng apartment, mas nauna si Ace na makacatch-up kay Shield. Kayang-kayang abutan ni Ace si Shield, pero pinili n'yang sundan na lang ito ng palihim. Kitang-kita ni Ace ang pagpasok ni Shield sa loob noong octopus slide doon sa park, pero hindi n'ya ito nilapitan. Pinili lang ni Ace na bantayan ito sa malayo.

Ngayong andun na si Ivan at mukhang babantayan naman nito si Shield magdamag, tumayo na si Ace sa bench na kanina n'ya pang kinauupuan. Naglakad na s'ya pabalik ng apartment. Hindi s'ya katulad ni Ivan, hindi s'ya magpapakagutom para lang bantayan ang isang babae. 

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon