BACK STORY- H

205K 4.8K 908
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love makes you uncomfortable.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Behind every person is a story...

Behind every action is a story...

Behind every story is another story not yet told...

Ever wonder what's bothering Ace noong madatnan s'ya ni Mika na umiinom ng beer sa veranda ng apartment nila? Well, here's the story behind it.

BACK STORY: Bridge Over Troubled Waters

Habang kasalukuyang nanonood si Mika ng performance ni Hell sa Auditorium ng Academic Building... ganito naman ang eksena sa loob ng kanilang apartment.

"Hindi ko na kaya! Kailangan ko talagang ilabas 'to!" sigaw ni Ivan. Agad s'yang tumayo sa kinauupang sofa sa living room upang puntahan ang natutulog na si Ace sa kwarto sa itaas.

"Master!" sigaw n'ya nang malakas, matapos n'yang buksan ang pinto ng kwarto.

Hinagisan s'ya ni Ace ng unan. Buti nakayuko si Ivan kaya't hindi s'ya tinamaan.

 "Lumabas ka, natutulog ako."   

Pinulot ni Ivan ang unan at naglakad s'ya papunta sa kamang hinihigaan ni Ace.

"Master, gising! Kailangan ko ng tulong mo," sabi ni Ivan. Pero hindi interesado si Ace, nagtaklob lang ito ng kumot.

"Master... Maste--"

"Ano ba kasi 'yun?" Iritang ungot ni Ace habang nakatalukbong parin ng kumot. Kuno't noo n'yang kinausap si Ivan habang nakapikit. "Naituro ko na lahat ng pwede kong ituro sa'yo sa gitara. Nalabanan mo na yung stage fright mo nung performance. Ano pa bang gusto mo?"

"Kailangan ko ng advice ng isang lalaki."

"Dun ka na lang kay Ash, lalaki din naman 'yun."

"Mag-aaway lang kami ng isang 'yun. Isa pa, parang robot yun eh, walang alam 'yun tungkol sa feelings ng isang tao."

"Wala din akong alam sa feelings na sinasabi mo kaya lubayan mo na ak--"

"Tungkol 'to kay Shield," bulalas ni Ivan. Napamulat si Ace nang marinig ang pangalan ni Shield.

"O, a-anong meron sa kanya?" Ace tried as hard as he could to sound like he's not interested, pero sa loob-loob n'ya, he's dying to know the answer.

"Parang may gusto na ako sa kanya."

"HUH?!"  Mapapasigaw na si Ace ng ganyan pero nagawa n'yang pigilan 'yon. Imbis na isigaw 'yon, ito na lang ang sinabi n'ya, "A-anong problema dun? Normal lang naman magkagusto sa isang babae ah?" 

"Alam kong normal lang. Ang pinoproblema ko eh kung paano malalaman kung gusto ko na nga talaga s'ya. Yung babaeng nasa litratong pinakita ko sa'yo, s'ya ang first love ko, at alam kong gustong-gusto ko parin s'ya. Pero simula noong hinawakan ni Shield ang kamay ko noong prelims performance natin--"

"Hinawakan n'ya ang kamay mo? Yung weird na babaeng 'yun na takot sa tao, hinawakan ang kamay mo?" This time, di na napigilan ni Ace ang sarili. Di na n'ya kinayang magpanggap na hindi s'ya interesado. Napabangon s'ya sa kama. 

"Oo. Noong nagpeperform tayo sa stage, ang totoo kasi n'yan, muntik na talaga akong tumakbo ulit 'nun, inatake na naman ako ng stage-fright noong malapit na yung guitar exhibition ko. Balak ko na lang sanang bitawan ang gitara ko noon dahil sa takot na magkamali at mapahiya, pero bigla na lang hinawakan ni Shield ang kamay ko noon."

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon