BACK STORY- F

215K 4.8K 744
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love changes people; sometimes people change for love. Love can make you a liar; sometimes you lie for love.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Behind every person is a story...

Behind every action is a story...

Behind every story is another story not yet told...

Ever wonder kung bakit bigla na lang pumasok sa klase ang always absent na si Ace? At bakit kahit nakakuha s'ya ng 2-star rank sa auditions palang, eh dun s'ya nakatira sa apartment ng mga no-stars? Well, here's the story behind it. 

BACK STORY:  Ace... and a little bit of Ivan.

Nasa salas si Ace at tahimik na nanonood ng basketball game sa tv nang umupo si Rocket sa tabi n'ya at nakinood din.

"Woo! Sh*t ang ganda nung pasa! Sige, sige tama lang yan, sugod lang! Sige pa, sige pa, wag n'yong hahayaang makuha nila yung bola! Sige, sige lang... konti pa... wooo! Shoot!"

Rinding-rindi si Ace habang nagsisisigaw si Rocket sa tabi n'ya. Agad n'yang nilipat ang channel para mapatahimik ito.

Kaso...

"Hala wag kang lumingon! Tumakbo ka lang! Takbo! Bilis! Bilis!"

Kahit hindi na basketball ang pinapalabas sa tv,  sumisigaw pa rin si Rocket sa tabi ni Ace. Isang suspense film ang kasalukuyang pinapalabas, hinahabol ng isang serial killer 'yung bida.

Inilipat muli ni Ace ang channel. Walang pakialam si Ace sa mangyayari sa bida, ang gusto lang ni Ace, mapalayas ang babaeng katabi n'ya.

Cartoons na ang pinapalabas sa tv. Buong akala ni Ace aalis na si Rocket sa tabi n'ya kaso...

"Ahahaha! Hahaha! Ang kulit! Hahaha!" 

Imbis na umalis sa tabi ni Ace, masaya pang nagtawa ng malakas si Rocket habang nanonood. Pumapalakpak pa ito habang tumatawa.

Nasapo na lang ni Ace ang noo dahil sa frustration. Parang gusto n'yang ihampas yung remote kay Rocket.

"Tingnan natin kung hindi ka pa umalis sa tabi ko nito," wika ni Ace sa sarili. Inilipat n'ya ang channel sa Home Shopping Network kung saan puro product advertisements ang pinapalabas. Maging si Ace ay iritang-irita doon sa pinapalabas sa tv pero tiniis n'ya for the sake of annoying Rocket... for the sake of getting rid of her and her loud mouth.

But instead of getting rid of her... 

"Wow, ang galing naman nung juicer na 'yun. Wow, mukhang sobrang talas nga nung mga kutsilyong 'yun."

Rocket seemed rather amused while watching the show. Seeing that, Ace just snapped. Marahas s'yang tumayo at hinarangan ang tv.

"Hoy jerk, umalis ka sa harapan ng tv nanonood ako!" sigaw ni Rocket. Imbis na umalis, inextend pa ni Ace ang dalawa n'yang braso at talagang hinarangan ang tv.

"Bawal kang manood!" sigaw ni Ace.

"At bakit bawal?" sigaw ni Rocket. "Dahil ba 'to sa binasted kita kahit hindi ka pa nagtatapat?"

Nang marinig 'yun ni Ace parang may sumabog na nerve sa utak n'ya.

Eto na naman ba kami?, tanong ni Ace sa sarili. Simula no'ng ball, ilang araw narin kasing patuloy si Rocket sa pag-iinsist na may gusto si Ace sa kanya. Akala ni Ace tapos na sila sa issue na 'yun, pero mukhang 'di pa pala.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon