CHAPTER 34- Two Things

207K 5.9K 2.7K
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is like, spending hours writing a list of all the things you hate about one person, just to throw that list away, afterwards.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 34- Two Things

HELL's POV

For me, there are only two kinds of things in this world:

1. THE THINGS I LIKE

2. THE THINGS I HATE

Best examples of the things I like are... cool stuff, vacuum cleaners, cats, spicy stuff, and... hmmm... boobies (BIG ONES).

Best examples of the things I hate are... Mykel Rucafor, lame stuff, messy stuff, sweet stuff, boobies (FLAT ONES), loud girls, stupid peo--

"F*ck!" I cussed in pain while holding my right arm. Tumalsik kasi yung lapis na pinapaikot ko sa daliri ko, at nung pupulutin ko na yun, may kung sinong natalapid at nakaapak sa braso ko. 

Lumakad ako palapit dun sa babaeng natalapid sa braso ko. Nakadapa s'ya ngayon sa damuhan (nasa isang open field kasi kami), with both arms stretched, akala mo lilipad.

Sinamaan ko s'ya ng tingin, "Are you stupid, or are you stupid?" I asked while looking down on her.

"Sorry," she said with her annoying high-pitched voice that's always high-pitched, no matter what it is she's saying. She started standing up afterwards. Puro damo yung puti n'yang t-shirt, messy. Napailing na lang ako. She's really the combination of all the things I hate. She's stupid, she's messy, she's loud, she's flat, she's--

I saw how she winced when she stood up. "Ayos lang ba yang braso mo? Gusto mo bang gamutin ko?" tanong n'ya. I was puzzled. Mukhang masama yung pagkakatapilok n'ya, pero inuna n'ya pang tanungin kung okay ako, kaysa alamin kung okay s'ya.

I ignored her. Umupo na lang ako muli sa damuhan at nagconcentrate na lang dun sa kantang sinusulat ko. Umupo na lang din s'ya sa damuhan, medyo malayo sa akin, at nagconcentrate sa hawak n'yang notebook.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

MIKA's POV

Pumunta ako dito sa field para mapag-isa at maghanap ng inspirasyon para sa lyrics na sinusulat ko, pero ibang inspirasyon yung nakita ko. Pareho pa kaming nakasuot ng white t-shirt (meant to be shems!).

Masaya ako na nagkita kami ni Hell unexpectedly, pero hindi ako masaya sa paraan ng pagkikita namin. Naglalakad ako habang nakatingin sa langit, na para bang dun ko makukuha yung mga lyrics na hinahanap ko. Masyado akong concentrated sa pag-iisip ng lyrics, hindi ko tuloy namalayan na matatalapid na pala ako, at sa braso pa ni Hell pag minamalas nga naman. Ngayon tuloy, mukhang badtrip s'ya sa akin. Sobrang badtrip </3 Gusto ko s'yang kausapin pero natatakot akong baka may masabi akong mas ikabadtrip n'ya, kaya nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko at pinilit magconcentrate sa kantang sinusulat ko... Pero ang hirap talaga magconcentrate lalo na at s'ya ang katabi ko.

Lumipat na lang kaya ako ng pwesto? No, ang sakit ng binti ko, nakakaiyak maglakad. Isa pa, minsan lang mangyari tong kasama ko s'ya ng kami lang, kaya dapat sulitin ko na.

"What's with that stupid looking white patches on your neck?" Agad namang napalingon ang buong katawan ko sa kanya. Oo, hindi lang leeg, kasama pati katawan.

"What's with that stupid looking way of turning?" Natatawa n'yang tanong. Kailangan ba talagang laging may 'stupid' yung sasabihin n'ya? Pero masaya akong medyo natatawa s'ya, at na kinakausap n'ya ako.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon